Chapter 1

312 11 0
                                    

Chapter 1

"My God, Cali! Ang tagal-tagal na no'n!"

"Pero 'yong matagal na 'yon, nandito pa rin!"

"But that was just a one mistake! Isa lang..."

"Kahit isa! Dalawa! Tatlo! Pareho lang 'yon! Sumawsaw ka pa rin sa iba!"

"Lasing ako no'n..."

"Lintik na palusot 'yan! Kahit  lasing ka, alam mo ang ginagawa mo!"

"Kaya nga nag-sorry agad ako sa 'yo no'n, 'di ba? ... Kasi, kahit ano'ng sabihin ko, I was wrong... Nagkamali ako, nasaktan kita."

"Nasaktan? Kayong mga lalaki... Akala ni'yo kung nambababae kayo, nasasaktan ni'yo lang kami... Makikipagchukchakan kayo tapos ini-expect ni'yo, iiyak lang kami? Itutulog ang sakit, tapos paggising okay na? ... 'Yon ang pangarap namin. Sana nga gano'n lang kadali 'yon! Kaso hindi... Walang tigil ang takbo ng utak namin. Pinipilit sagutin ang maraming tanong... Bakit niya kaya nagawa 'yon? ... Am I not enough? M-May kulang ba sa 'kin? May mali ba sa akin? ... Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?—"

"No—"

"Then why?!  Bakit mo ako nagawang lokohin?! Alam mo kung gaano kahirap magtiwala sa akin, Gio... But yeah, I trusted you... because you promised. Nangako kang hindi mo ako sasaktan... Nangako ka..."

Tumulo ang luha ko kasabay ng pagpatak ng luha ni Cali.

YAWAAAAAAA!

Bakit ba nasasaktan ako dito?

Dahil relate ako, ganun? Huhuhu  pero hindi naman ako niloko ah? Ako pa yung nanloloko! Siguro dahil hindi ako enough? Hala ewan! Tapos kapangalan pa sila ni Calli at Gio. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko, yun 'yon.

Pinahid ko ang luha ko at napagpasiyahan nalang na mag-ayos para sa pagpasok ko. Hay, wala na naman akong tulog!

"Hello, Rina?"

"Good morning, buntis! Kamusta ka na?"

"Katatanong mo lang sa akin niyan kahapon, Rina!"

"Kahapon yun, Calli!"

"Ewan ko sayo! Sige, pumasok ka na!" nahihimigan ko ang iritasyon niya.

"Yung mga bilin ko Calli ah! Inumin mo yung mga Vitamins mo, pati yung gatas! Kapag may problema ka, tumawag ka kaagad, Okay? Pwede ka ring tumawag kay Ate Cami."  Bilin ko. May pagka matigas din kase ang ulo ng babaeng iyon. Alam kong hindi siya magsasabi sa akin. Sinasarili niya ang mga pinagdadaanan niya. Like hello? Best friend ako, puwede naman siyang magsabi sa akin.

Naaawa ako sa kanya, oo. Ang gulo nila ni Gio. Nabuntis siya... ng kapatid niya.

Ewan! Ang gulo!

"Okay. Bye."

Pinutol na niya ang linya. Nagsimula naman akong magmaneho papuntang school. I hate monday!

"Rina!" Rinig ko mula sa likuran ko.

"Oh?"

"Mukha kang sabog!" Humagalpak siya ng tawa habang nakaturo sa mukha ko.

"Anong sabog? Super power ko yan gaga! Kaya kong hindi matulog!" I said and  flipped my hair.

"Super power my ass! Magdamag nanuod ng drama! Nag senti ka kasi hanggang ngayon hindi ka parin napapansin ni Ashjon mo! Nasan yung beauty mo ngayon girl?!" Pahabol niya pa.

Isa nalang talaga. Isang isa nalang makakatikim to sakin.

"Pag meron na!"

"Ha? Pag meron ka nang?"

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now