Chapter 34

86 4 1
                                    

Song: 12:51 by Krissy and Ericka

Chapter 34

Matapos ang gabing yon, hindi ko na ulit nakita ang pagmumukha niya. Todo sorry naman ang mga kaibigan ko dahil sa nangyari, guilty'ng-guilty sila.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na gustong-gusto talaga nila si Ash para sa akin, pero wala e, hindi naman na pwede at saka, hello? Niloko ako ng gago.

"Nakamove-on ka na, 'di ba?" Tanong ni Calli, nasa tabi ko siya. Tahimik naming pinagmamasdan si Calla na naglalaro sa labas.

"Oo nga," umiwas ako ng tingin sa kaniya. 

"Parang hindi naman," pang-aasar niya. Akma ko siyang babatukan kaya umiwas siya at tumawa.

"Naka-move on na ako, 'no!"

"Defensive," ngumisi siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hilahin ang buhok niya. Tumawa siya at hinila ako para sa isang yakap, gumanti ako ng yakap sa kaniya.

"Mahal kita kahit hindi ka pa nakakamove-on sa ex mong manloloko, Rina babes." Sabi niya. Kumalas ako sa yakap tiningnan siya.

"Wow, first time ah," tukoy sa pagtawag niya sa akin ng 'Rina babes' na pauso nina Kyla. Pabiro siyang umirap sa akin.

Naka-unan ako sa hita ni Calli, nasa tabi naman niya si Calla na walang reaksyon na nanonood ng tv. Parehas sila, mga robot!

Ilang oras na kaming nanonood dito, nabo-bore na din ako. Maya-maya ay may pumasok sa ideya sa isip ko. Bigla akong tumayo sa pagkakahiga. Sabay silang lumingon sa akin.

"Bar tayo, Calli!"

Tumaas ang kilay niya pero kalaunan ay tumango rin.

"Magpapaalam lang muna ako kay Gio," sabi niya at kinuha ang cellphone para tumawag sa asawa.

Dumaan naman sa harap ko si Calla at mukha lang akong hangin dahil hindi niya man lang ako tinapunan ng pansin. Huh! Manang-mana sa nanay, mga weirdo!

"Nanggigigil talaga ako sa 'yong bata ka, e." Bulong ko. Umakyat siya sa taas nang walang pasabi.

"Oo nga, bilisan mo, ah. May pinagdadaanan si Rina kaya kailangang magpakalasing. Broken yata-"

"Hoy, anong pinagdadaanan ang sinasabi mo diyan?" Sigaw ko sa kaniya. Tumawa siya, pati ang malakas na tawa ni Gio sa kabilang linya ay rinig na rinig ko.

Bakit ba ganito ang pamilyang 'to?!

"Hoy, Rina! Mag-move on ka na!" Sigaw ni Gio mula sa naka-loudspeaker na cellphone.

"Pakyu ka, Gio. Sana hindi mo makamot ang likod mo kapag nangati!"

"Okay lang, may kamay naman ang asawa ko. 'Di ba, mahal?" Pang-aasar pa niya. Umasim ang mukha ko.

E 'di kayo na! Sarap sikmuraan.

"Ibababa ko na 'to, Gio. Bilisan mo na."

"Okay! Bye, I love you!"

"Bye, love you."

Umirap ako sa hangin. Ang tamis.

Tinawagan ko din si Just, sabi niya ay pupunta daw sila ng asawa niya. Ako na lang talaga ang walang asawa.

Maya-maya ay dumating na si Gio, ang dami niyang dalang groceries. Medyo OA siya sa part na 'yon. Akala mo naman ay   buong barangay ang papakainin  niya.

Inasar-asar niya pa rin ako kahit nasa sasakyan na kami. Kesyo, hindi pa raw ako nakaka-move on kahit dalawang taon na.

"Dalawang taon na, Rina. Move on din,"

"Ikaw nga apat na taon, e." Ganti ko sa kaniya. Wala siyang maisagot kaya malakas akong tumawa.

Pagkarating namin sa bar ay nandoon na si Just at Kinah.

"Justien!" Ngumuwi siya ng yakapin ko siya. Ganoon din ang ginawa ko sa asawa niya.

Kahit gaano karami ang kaibigan mo, sa mga bestfriend pa rin talaga uuwi.

Malakas ang tugtog pagpasok namin. Kakaunti pa ang tao dahil masyado pang maaga. Hindi kasi sila pwedeng magpaabot ng hating gabi dahil sa mga anak nila, nape-pressure tuloy ako sa kanila. Umupo kami sa pabilog na couch.

"Ang ingay naman," reklamo ni Gio. Siniko ko siya at sinamaan ng tingin.

"Nasa bar ka, gurang ka na kasi kasi kaya ayaw mo sa mga ganito." Sumimangot siya sa sagot ko.

"Si Calli sana ang maingay sa kwarto namin kung hindi mo kami hinila dito." Sabi niya. Siniko siya ni Calli. Ngumisi ako.

"Ang baboy huh!"

Agad namang may nag-serve sa amin ng alak. Maraming alak.

"Basta libre mo ito, Rina." Si Gio na naman. "Wala ka namang pamilya na binubuhay,"

"Wow huh?"

Hours past by and the crowd turn wilder and wilder. Ang music ay palakas nang palakas.

Medyo umiikot na ang paningin ko pero kaya pa naman. Inikot ko ang aking paningin sa buong lugar.

Calli and Gio are silent beside me, while Kinah and Just are just watching the crowd. Madami akong nakikitang couple.

Hay.

May lumalaban pa ba? Nako, itigil niyo na yan.

Kasi naman, bakit pa ipaglalaban kung sa bandang huli, iiwan at sasaktan ka lang din naman? 'Di ba?

Kinuha ko ang alak sa aming lamesa. I drink it straight. Agad na gumuhit ang sakit sa aking lalamunan. But that pain can't stop me to be wasted tonight.

"Akala ko ba nakamove-on ka na, Rina?" Tanong sa akin ng katabi ko.

"Oo nga, I already moved on from him." I answer after I took another shot.

"So, what are you doing right now? Getting wasted to what? To forget?"

"Shut up, Just." Sabi ko na lang at muling uminom.

Umiikot na talaga ang paningin ko nang nagpasya silang umuwi na kami. Lasing na ako!

Akay ako ni Just at Gio. Hinatid nila ako sa condo, ayaw pa nga pumayag ni Calli pero wala siyang nagawa dahil gusto kong mapag-isa ngayon.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Nagtangka ulit akong tumayo pero hindi ko na talaga kaya. Inabot ko ang aking cellphone sa side table.

Matagal akong nakatitig doon. Until I saw myself, typing the number I always been memorize.

Hindi ko alam kung ito pa rin a ang number  na ginagamit niya o hindi. Wala na akong alam sa kaniya...

Pumatak ang mga luha ko nang mag-ring 'yon.

Ito pa rin. Hindi nagbago.

Pigil ko ang humikbi nang sagutim niya ang tawag ko.

"Hello? Who's this?" Tanong niya. That's the same raspy voice I used to hear before every time I can't sleep.

"Hello?"

Pumikit ako.

"'Cause its 12:51
And I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright
But I gotta dry these tears tonight
'Caause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer-" he cut me off.

"What... W-What are you saying..." hindi niya mabuo ang sasabihin niya.

I smiled painfuly. I ended the call and stared at the white ceilling. I thought my feelings were gone... 

Akala ko okay na. Akala ko wala na akong nararamdaman pa. Akala ko lang pala.

Mahal pa rin kita.

-

Wahhhhhh miss ko na kayo, Calli and Gio!

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now