Chapter 17

35 4 0
                                    

Chapter 17

Hindi ako magkandaugaga sa pagtakbo dito sa field. Late na ako sa sunod kong klase at hindi rin ako nakapag-lunch dahil sa dami ng utos ni Sir sa akin. Ang layo-layo pa naman ng faculty nila. Ang nakakainis pa, sa dinami-dami ng kaklase ko, bakit ako lang ang inutusan niya at hindi humingi ng tulong sa iba pa? Ang malas ng araw ko ngayon!

"Ano ba?!" Sigaw ko nang magpatak ang bag ko. Hindi ko pala nasara ang zipper kaya nagpatakan pati ang mga laman sa loob.

Major ang klase ko at may quiz kami ngayon!

Dali-dali kong pinulot ang mga gamit ko. Basta ko na lang 'yon sinuksok sa aking bag. Hindi ko na binigyang pansin pa ang sikat ng araw na direktang tumatama sa balat ko.

Shit, Sir.

Halos paiyak na ako. Nagulat ako nang may lumuhod sa harap ko at tulungan ako sa pagpulot ng gamit ko.

"Hindi na-"

"I'll help you." Malalim ang boses niya. Tumingin ako sa mukha niyang seryoso sa ginagawa.

Totoo ba ito? Hindi siya dito nag-aaral kaya baka hindi ito totoo.

Tumigil siya nang mapansing nakatitig lang ako sa kaniya.

"Hurry,"

Umiling ako at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.

Oh, my God! Isang metro na lang ang layo namin, yawa.

Tumayo na ako pagkatapos mailagay lahat ng laman ng bag ko. Ngayon lang ako nainis dahil marami ang gamit ko.

"Thanks," ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung mukha ba 'yong awkward.

Kinakabahan ako hindi dahil late na ako kung hindi dahil nasa harap ko si Ash.

"You're welcome." He smiled. He smiled!

Tumango ako sa kaniya, masyadong namamangha sa nangyari.

"Uhm, don't you have a class? Late ka na," my eyes widen. Pwede bang huwag na lang magtake ng quiz?

"Wala- Ah! Meron! Thank you ulit! Bye!" Tumakbo ulit ako. Nang makarating ako sa building ay saka ako tumigil. Muli akong sumulyap kay Ash.

Alam ko naman na likas sa kaniya ang pagiging mabait pero hindi ko mapigilan ang makaramdam na special ako ngayong araw!

Bakit ba ang bait mo? Kaya marami ang nagkakagusto sa 'yo, e! Dami ko tuloy kaagaw!

Pinigilan ko ang sarili ko na tumili. Omg, omg, omg!

"You are late, Ms. Zafra."

Alam ko, Miss. Obvious naman po, e.

"Sorry, Miss." Umirap siya at pinaupo ako.

Naglalakbay ang utak ko sa kaunting interaksiyon namin ni Ash. Mas lalo akong sinipag magsagot ng quiz.

"Himala. Wala ka yatang reklamo sa quiz, Rina." Tanong ni Kyla. Ngumisi ako.

Sino ba naman ang magrereklamo kung nakita mo ang bebe mo bago ang quiz, 'di ba?

"Bakit ka late? Maraming utos si Sir?" I shrugged my shoulder. "Hoy, Ria Nataliah! Nababaliw ka na ba? Ngisi ka nang ngisi!"

"Ano ba?! Baliw agad hindi ba pwedeng kinikilig lang?"

"Kay Sir?!" Sigaw nila.

"Shh. Ang ingay niyo. Malamang hindi." I flipped my hair. Nauna akong maglakad sa kanila.

"Kung gano'n, kay Ashjon? Ano naman ba ang kinain mo, Rina?" Parang stress na stress si Kyla.

"Nakita ko si Ash kanina, oh, my God."

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now