Chap 19

33 4 0
                                    

Chapter 19

"Gago? Hindi nga?!" Sigaw ni Suzy. Hindi niya alam na nakipagkita ako kay Ash. Lagi kasi silang late ng labas at hindi nakakasabay sa amin pag-uwi.

"Oo nga! Hindi rin ako makapaniwala kanina."

Pagkatapos ibigay ni Ash ang wallet ko, nagpa-alam na kami sa isa't isa.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Akala ko talaga, nanti-trip lang ang nag-text na 'yon pero hindi pala!

"Ang bilis naman ng improvement, Rina!" Tili ni Mitch. Ngumisi ako. Nagkakagulo ang tatlo habang nakamasid at nakangisi ang mga lalaki.

"Bakit hindi ako updated sa mga kaganapan, Rina?" Umirap ako.

Umuwi kaming lahat para makapagbihis. Dahil number 1 fan at shipper ng AshNa ang mga kaibigan ko, g na g sila na pumunta sa gig ni Ash.

"Hi, Calli!" Bati ko kay Calli. I call her through video call.

"Hi," walang gana niyang sagot.

"Kumusta?" I put my earrings on.

"Okay lang."

Pitong buwan na ang tiyan niya. Malaki na kaya nahihirapan na rin siyang gumalaw-galaw.

"Hindi ba sumasakit ang tiyan mo? Si Razam, nasaan?"

"Nandito si Razam. Hindi na siya nagtatrabaho, 'di ba? At saka, hindi sumasakit ang tiyan ko. Nahihirapan lang talaga ako gumalaw dahil malaki na nga."

"I can't wait to see your baby. Sana wala akong pasok para makauwi ako kapag manganganak ka na." Umayos ako ng upo. Bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ni Razam.

"Si Razam? Ibigay mo ang cellphone, Calli, kakausapin ko." Agad niyang ibinigay kay Razam ang telepono.

Mukha na agad iritado si Razam nang makita ako. Ngumisi ako.

"Oh, bakit?" Masungit niyang sabi.

"Nakapag-move on ka na ba?" Umismid siya.

"'Yan talaga ang una mong tinanong? Ang sama talaga ng ugali mo." Umirap siya.

"Sus. Kawawa ka naman. Magmo-move on kahit hindi naman naging kayo." Pang-aasar ko pa.

"Huwag ka sanang ma-crushback."

"Hoy! Mabango ang lovelife ko ngayon, 'no!" Umirap ulit siya at ibinalik ang cellphone kay Calli. Humagalpak ako ng tawa.

"Bumaba ka na, Calli. Lalamig ang pagkain." Huling sabi ni Razam at narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Hindi pa rin yata siya nakaka-move on, Rina. Lagi kasing kausap si Milka sa telepono." Parang walang pakialam na sabi ni Calli.

"Talaga naman ang lalaki na 'yan." I shook my head. Hindi talaga nadadala.

Tinapos ko ang pakikipag-usap kay Calli. Naikwento ko rin sa kaniya ang nangyari ngayong araw at tulad ng mga kaibigan ko, hindi siya naniwala.

Hindi ba talaga 'yon kapani-paniwala? Hmp.

I open the door when the doorbell rang. Suminghap ako nang pumasok sila sa pangunguna ni Kyla kahit hindi ko pa naman sila naiimbitahan.

"Ang kakapal, huh," bulong ko. Umupo silang lahat sa malaking sofa.

Kumpleto silang lahat. Pagdating talaga sa mga ganito, hindi sila nagpapahuli.

"Oh, ano pa? Tara na?" Si Kyla.

"Wait lang. Hindi pa nagte-text si Ash." Ayaw ko naman na magtanong pa sa kaniya. Bukod sa nakakahiya, ayaw ko na isipin niya na atat ako.

"Ikaw na kaya ang mag-text?"

"Huh? Ayoko nga!"

"Jusko. Ngayon ka pa ba nahihiya? I-text mo na!"

Umirap ako at lumakad papunta sa kusina. Nagugutom ako. Binuksan ko ang ref at kumuha ng pwedeng kainin.

"Rina, may text na ang bebe mo!" Sigaw ni Suzy mula sa sala.

Kinapa ko ang aking bulsa at nanlaki at mata ko nang walang makapa. Dali-dali akong pumunta sa kanila. Naiwan ko ang cellphone ko kaya paniguradong may ginawang kalokohan na naman ang mga 'yon.

Matalim ang tingin ko sa kanila nang lumapit ako sa kaniya. Kinuha ko ang aking cellphone at napatampal na lang ako sa aking noo dahil sa nabasa ko.

To: Bebe Ash
Hi, bebe Ash! Saan ang gig mo ngayon? Anong oras ang simula para makabiyahe na kami? Or pwede naman na sunduin mo na lang kami para tipid sa gas. Joke. Echos lang!

From: Bebe Ash
I'm already here at Up-Side, but I can still fetch you if you want, 9 pa naman ang simula. Send me your address.

Huminga ako nang malalim. Nagpipigil ng inis sa mga kaibigan. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Paano ko siya haharapin ngayon, 'di ba? Parang ayaw ko na lang na tumuloy.

Nagtipa ako ng reply sa kaniya.

To: Bebe Ash
No, it's okay.

Mamaya na lang ako magpapaliwanag. Bahala na!

"Hali na nga kayo!" Matalim ang tingin ko sa kanila at nagngising-aso sila.

"Oh, 'di ba? Ang galing ng plano ko." Bulong pa ni Kyla. Hinila ko ang buhok niya kaya napasigaw siya.

May kani-kaniya kaming sasakyan pero mas may pinili ko na sa sasakyan ni Ryan na lang sumakay.

Ryan is the one who's driving, Suzy is in the passenger seat while I am here in the back.

Nag-uusap sila at mukhang may biglang pinagtalunan kaya tumahimik na lang ako.

Paulit-ulit kong binasa ang text nila kay Ash. Tangina. Nakakahiya. Ang kakapal ng mukha na magdemand na sunduin at bebe Ash?! Kung pwede lang na burahin 'yon ginawa ko na. Shit. Ano kaya ang iniisip niya ngayon tungkol sa akin? Gusto ko na lang magpakain sa lupa! Aaminin ko na may kakapalan ang mukha ko pero may kahihiyan din naman ako, 'no!

Ayaw ko pang bumaba ng kotse pagdating namin. Kung hindi dahil sa kagagahan nila, hindi ako mahihiya ng ganito.

"Rina, baba na!" Sinamaan ko sila ng tingin. Humalakhak ang mga lalaki.

"Kasalanan niyo 'to, e." Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad kami. Parang timang kasi 'tong mga 'to. 

"Sa dami ng kahihiyan na ginawa mo sa buhay mo, maliit na bagay na lang 'yan, Rina." Sabi sabay ngisi ni Suzy.

"Ulol,"

Sa pinto pa lang sinalubong na kami ni Ash. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya kaya pilit kong inabala ang sarili ko sa mga kaganapan sa loob.

May ibang banda pa na kumakanta sa unahan. Sunod pa sina Ash. Maraming tao. Halos puno na, mabuti na lang nag-reserve na ng table para sa amin si Ash.

"Good evening. Hali kayo," Pormal niyang sabi.

Pasimpleng kinurot ni Mitch ang tagiliran ko. Hinampas ko ang kaniyang kamay at sinamaan ng tingin. Nanunukso ang bawat tingin nila sa akin.

"Rina! Hi!" Bati ng ilang schoolmate. Ngingisi sila o di ay palihim na manunukso nang makita nila si Ash sa unahan namin. Kumaway lang ako sa kanila at ngimisi din, nagmamalaki.

Umupo kami ilang mesa mula sa stage, katabi lang namin ang mesa nila ng mga kaibigan niya. Marami ang nakasunod ang tingin sa amin dahil bukod sa ngayon lang naman kaming nakita kasama si Ash, todo asikaso pa siya.

Nagpapa-impress ka ba sa mga kaibigan ko? Nako, hindi na kailangan!

"Malapit na kami kaya hindi ko kayo masasamahan ng matagal. Enjoy the night," sumulyap siya sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin, ngumiti ako at tumango. Uminit ang pisngi ko nang nagtagal ang tingin niya sa akin.

-
♡ 

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now