Chapter 21

38 4 0
                                    

Chapter 21

Naulit pa ang pagyaya sa akin ni Ash sa mga gig niya. Minsan ay sabay na din kaming mag-lunch o magkikita sa malapit sa school na coffee shop.

We exchange 'good night' and 'good morning'. Hindi naman talaga 'yon big deal dahil gano'n din naman sina Suzy sa akin pero iba pa rin ang pakiramdam.

Iginala ko ang aking paningin sa buong lugar. Agad akong ngumiti nang makita siya. He's wearing a white botton down shirt.

Umupo ako sa harap niya at ngumiti.

"Mabuti at may time ka ngayon, doc. Ang tagal mong walang paramdam, ah." Justien chuckled.

"Tampo ka naman."

"'Di, ah."

"I was busy with my OJT," sabi niya. Nagtawag siya ng waiter para sa order namin.

"Anong sa 'yo?"

"Pasta na lang,"

Isa lang ang napansin ko sa kaniya, he look so tired.

"Nakapagpahinga ka na ba?"

"Uhm, hindi pa."

"Gago ka, dapat nagpahinga ka na lang!"

"Minsan lang naman 'to, Rina. At saka, gusto ko rin palang bisitahin si Calli kaso... hindi ko alam kung anong address niya doon."

"Nako, wag na. Ayaw niya ng bisita,"

Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa dumating ang pagkain namin.

Mahabang kamustahan ang nangyari sa lunch naming dalawa. Minsan lang kami magkita dahil busy siya sa OJT niya habang busy naman ako sa school.

Busy talaga ang mga magdo-doctor. Kaya ayoko magdoctor e, mag-aasawa na lang ng doctor. Chos.

Pagkatapos kumain, dinala niya ako sa malapit na park. Hindi ko nga alam kung bakit pero may pakiramdam akong may problem 'to.

Tuwang-tuwa siya nang i-kwento ko ang mga improvement namin ni Ash. Hindi rin siya makapaniwala pero masaya naman siya, parang tanga.

"Nagbunga ang kahibangan mo, congrats." Natatawa niyang sabi. Ngumiti siya pero hindi nakarating sa kaniyang mga mata.

"Don't smile if you're not really happy, mukha kang tanga, tsk."

"Sometimes, we need to smile to hide the pain." Tumawa siya pero mabilis din namang naglaho.

"Well, hindi mo naman kailangang itago ang sakit sa 'kin. Anong problema?" Bumuntong hininga siya at tumungo.

"I saw her,"

"Sino? Si... si Kinah?" Kinagat ko ang labi ko.

"Hm, sa ospital."

"Oh? Nag-usap kayo? O naduwag na naman ang isa sa inyo?"

Mahina siyang tumawa pero may luha sa gilid ng mata. Shit.

"Ako ang naka-assign sa kaniya."

"Shit. M-May sakit si Kinah?"

"Hmm," pinahid niya ang luha niya. "Ang hirap sa ospital, tapos makikita ko pa siya sa gano'ng lagay."

"Mahal mo pa rin talaga."

"Hindi naman talaga nawala 'yon kahit umalis siya, kahit iniwan niya ako." Pumikit siya, patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha.

Nakaramdam ako ng awa para sa kaibigan. Just don't easily cry. Isang beses ko pa lang siya nakikitang umiyak at ito pa lang 'yon.

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now