Chapter 38

3 0 0
                                    

Chapter 38

Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan ni Ate ngayon pero napapaisip talaga ako habang nakatingin sa kaniya na halos lunurin ang sarili sa alak.

She's not alcoholic, parang ngayon ko nga lang siya nakitang uminom.

Kumunot ang noo ko. Broken? Pa rin? Ang tagal na rin no'n ah.

Sa kaniya ba ako nagmana?

"Hoy, 'Te. Hinay-hinay hindi ka naman mauubusan." Inagaw ko sa kaniya ang hawak na baso, tiningnan niya lang ako saka sumandal sa upuan at pumikit.

"Thanks for inviting me here, Rina, I appreciate it." Sabi niya nang nakapikit pa rin. Napangiwi ako.

Gago, lasing na yata!

Hindi yata ako makakapagwalwal ngayong gabi. Baka ako pa ang mag-alaga dito.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa wakas nakikitaan ko na siya ng emosyon o hindi dahil mukhang mag-aalaga ako ngayong gabi.

"Broken ka ba, Ate ko?"

"Not really," umiling siya.

Ngumisi ako at sumimsim sa baso ng alak na hawak.

"I mean, that was a long time ago. I..." She pause for a second. "I just don't care anymore,"

Tumango ako at hindi na siya tinanong pa pero hindi naniniwala sa sinabi niya.

Sister goal pala kami nito, eh.

Katulad ng inaasahan ko, hindi ako nakapagwalwal dahil ako ang nag-alaga sa kapatid kong hindi daw broken hearted pero nagpakalasing sa unang pagkakataon.

Maaga akong gumising para magluto ng agahan namin ni Ate. Alam kong masakit ang ulo no'n paggising at baka nga hindi pa pumasok sa pinakamamahal niyang hotel.

Pakanta-kanta pa ako habang nagluluto. At least na-distract ako ng isla sa mga negative thoughts ko. Magpapakasaya muna ako kahit alam kong marami pa akong dapat ayusin pagbalik ko sa Manila.

Mahaba-habang pag-uusap at pagpapaliwanagan ang tinakasan ko.

Bumuntong hininga ako.

Pwede bang tumakas na lang habangbuhay? Alam kong kailangan ko ng paliwanag niya pero pwede bang 'wag na lang?

Umiling ako at pinagpatuloy na lang ang pagluluto. Saktong pagkatapos ko sa ginagawa ay siya namang pagdating ni Kuya, kasama ang girlfriend niya.

Manggugulo lang ito dito, eh.

Hilot ang ulo nang bumaba si Ate. Pipikitpikit pa siya. Tingnan mo nga naman ang hindi broken, oh.

"Oh, bakit nandito ka pa?"

"I'll stay here today," simpleng sagot niya, hawak pa rin ang ulo.

"Ay hala, may hung over ka ba?" Gulat na tanong ni Kuya. Tiningnan niya ako nang hindi sumagot si Ate sa kaniya. Tumango na lang ako. Bigla siyang sumigaw at hindi makapaniwalang tumawa.

"Anong ginawa mo, Rina? Paano mo napainom 'yan?" Nagkibitbalikat ako.

Hindi tantanan ni Kuya si Ate Cami hanggang sa kumain na kami. Hindi pa rin makapaniwalang nalasing ang kapatid niyang parang lalampas na sa langit sa sobrang bait.

"Broken ka ba?" 

"No,"

"Hindi daw pero tinatawag ang pangalan ng ex kagabi," bulong ko.

Nanlalaki ang matang napatingin si Kuya sa akin at saka humagalpak ng tawa. Sinamaan ako ng tingin ni Ate.

"'Yan pa rin ba 'yong si—"

"No. Just eat, Eizen. Ang ingay mo."

Tumawa lang si Kuya at hindi na nagtanong pa. Umalis din agad sina Kuya pagkatapos kumain, si Ate naman ay bumalik sa kwarto niya at baka matulog ulit. Pabor naman sa 'kin na magsialisan sila dahil mas gusto ko ang mag-isa ngayon dito. Pabor na pabor sa akin na wala dito si Kuya at ang girlfriend niya. Aba, ayaw ko namang mapanood ang landian nila.

Buong tanghali akong nasa loob lang ng bahay, nanood ng kung ano-ano. Nang humapon ay saka lamang ako nag-ayos at nagpasyang lumabas ng bahay.

Suot ang dress na sumusunod sa hangin ay feeling disney princess akong naglalakad sa mga stall ng souvenirs. Wala naman talaga akong planong bilhin pero wala rin naman akong nagawa sa bahay kaya magtitingin-tingin na lang ako dito.

Nakakawili rin palang tumira dito, no wonder Ate chose to stay here. Parang therapy ang lugar na 'to, talagang nakakahanap ng peace of mind.

"Ay ganda, bagay na bagay sa 'yo itong mga tinda ko!" Tawag sa akin ng isang tindera.

Tumaas ang kilay ko. Ganda daw oh, makakatanggi pa ba ako?

"Pili ka, 'neng."

Nagtingin ako sa mga paninda niyang mga accessories na gawa sa iba't ibang uri ng shells at pearls. Pinili ko ang tatlong bracelet para sa aming nagkakapatid, magkakaparehas iyon pati mga letter na pinagsama-samang unang letra ng pangalan namin.

CER

Inilagay ko 'yon sa bag na dala at saka nagpatuloy sa paglalakad. Inilapag ko sa sun lounger ang bag pagkarating sa tabing dagat. Walang pag-aalinlangan kong hinubad ang dress at saka sinabit.

Luminga linga ako, private yata itong napasukan ko o sadyang wala lang talagang tao sa parteng 'to? Piniling ko ang ulo ko. Bahala na.

Lumusong ako sa dagat.

Shit, this is life. It feels deja vu. Ganitong ganito ang pakiramdam no'ng huli kong punta dito. Gano'n pa rin.

Pumikit ako. Kahit saang bagay talaga, pilit pinapaalala sa akin na walang nagbago. Kung ako noon, gano'n pa rin ngayon.

Kung ano ang iniwan at pilit kong tinakasan noon, nando'n pa rin pagbalik ko.

Bumuntong hininga ako at saka na lang nagpatuloy sa paglangoy. Dapat ay nag-eenjoy ako dito, hindi 'yong kung ano-ano ang iniisip.

Iniwan ko sa Manila ang lahat ng isipin ko, dapat manatili lang doon ang mga 'yon.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na lumangoy, saka ko lang naisip na umahon ay dahil dumidilim na.

Bumagal ang lakad no nang makitang may nakatayo na sa gilid ng lounger na pinaglalagyan ko ng gamit.

Sabi ko, iniwan ko lahat ng isipin sa Manila pero bakit nandito 'to?

"Its getting dark,"

E ano naman kung dumudilim na? Kaya nga umahon na, e.

Hindi ko siya inimikan, ni hindi man lang din tinapunan ng tingin hanggang sa matapos kong suotin ulit ang hinubad na dress. Isinukbit ko ang bag at saka nagsimulang maglakad.

"Rina,"

Mukha mo.

"You're still running away?"

Kusang tumigil ang mga paa ko.

"Instead of hearing my explanation, you'll run." May halong hinanakit pa sa boses niya.

Sarkastiko akong napatawa. Bakit parang ako pa ang may kasalanan?

If this is not hard for him, it is for me. Kung lahat sila nakamoved on na, ako hindi.

'Yong sakit na ibinigay nilang lahat, nandito pa rin. Parang walang balak na umalis.

Mula sa panloloko nila hanggang sa pagkasira ng pamilya ko... pagkasira ko.

"Meet me tomorrow," tiningnan ko siya. He looks hopeful, "At my place."

-

I'm backkkkk TwT

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now