Chapter 28

46 2 0
                                    

Chapter 28

"R-Rina," hinagip niya ang kamay ko pero agad ko iyong tinabig.

Ayaw kong maniwala. Hindi dapat ako maniwala, mahal niya ako e, mahal na mahal niya ako, sinabi niya yon sa akin.

Bakit ganoon?

Hindi... Hindi niya 'yon magagawa sa akin.

"I'm sorry... I just found myself beside... her. I don't know." Ginulo niya ang sariling buhok.

"So, anong pa bang in-expect kong ginawa niyo? Prayer meeting?" I laughed, mockily.

Gusto kong magwala. Gusto kong hilahin ang buhok ng malanding babaeng iyon hanggang sa makalbo siya. Gusto ko silang pagsasampalin hanggang sa magdugo ang magkabila nilang pisngi.

Nasasaktan ako... Tangina, ang sakit pala.

Umiiyak ako sa harap niya. Matatag ako na tao, pero tangina, may limitasyon 'yon.

Gusto kong saktan ang lalaki sa harap ko. Gusto kong naramdaman  niya din ang nararamdaman ko. Kahit sa pisikal na sakit na lang sana. 

Umasa ako na baka edited niya lamang 'yong pictures at gusto niya kang kaming sirain ni Ash, hindi naman lingid sa kaalaman ko na matagal na siyang may gusto kay Ash. Umasa ako na wala lang 'yon.

Pero iba na pala kapag sa kaniya na mismo nanggaling. Doble 'yong sakit, triple pa nga yata. Hindi ko alam. Parang nablangko ako.

"Rina... I'm sorry. Please, I'm s-sorry. That was a p-pure sex. Maniwala ka, hindi ko 'yon ginusto." Nakatungo niyang sabi.

I badly want to shout at him that everything is his choice. Lahat 'yon ginusto niya.

"Kahit ano pa man 'yon, pure sex, one night stand o kung anong putang-inang gusto mong itawag do'n, niloko mo pa rin ako!"

"You know how much I tressure that thing. Kung sa inyo, simpleng sex lang 'yon, sa akin hindi. Bakit kailangan mong gawin 'yon? Bakit kailangan mong magloko? Sana nakipaghiwalay ka na lang sa akin kung hindi ka na talaga makapagtiis, Ash, mas matatanggap ko pa 'yon, e. Pero ito? Tangina, sana sinaksak mo na lang ako."

"B-Babe,"

"Dahil ba hindi ko maibigay ang bagay na 'yon sa 'yo, huh? I told you, I want to give that to my husband and you know what? I was thinking about you when I said 'my husband'. Umasa ako. Akala ko ikaw na. Akala ko iba ka. But I was wrong."

I was wrong again. I was wrong for trusting him. Ang hirap talagang magtiwala. Kahit ang taong mahal ka, tatraydorin ka din.

"Babe... I love you..."

"Mahal rin naman kita, ah, pero hindi ko nagawa 'yon." Puno ng pait akong tumawa.

"I'm s-sorry." His voice broke. Umiling ako. "Rina, lasing lang ako no'n. Hindi ko alam, wala akong alam. Hindi ko sinasadya,"

Calixta said 'Kahit  lasing ka, alam mo ang ginagawa mo.' And yeah, she's right. 

"Nalalasing din naman ako, pero hindi ako nakikipagsex sa iba! Huwag mong gawing rason na lasing ka kaya naghanap ka ng butas na papasukan, Ashjon!"

"Please babe, hindi ko sinasadya... Babe..." ang mapupula niyang mata ay nangungusap. Sinasabing kahit siya ay nasasaktan.

Pero kahit ngayon pwede naman akong maging selfish at unahin ang sariling sakit na nararamdaman, 'di ba? Kasi hindi ko na alam. Para na akong mababaliw.

"Babe..."

Walang awat sa pagpatak ang mga luha ko. Kung sa iba ay napakababang rason ang pakikipagtalik niya sa iba, sa akin ay hindi. Mahal ko siya, at ang ideyang hinahalikan at hinahawakan niya sa mainit na gabi ang ibang babae ay parang pinapatay ako.

Like what Calixta said.
Am I not enough?

Bakit kailangan pang magloko? Hindi pa ba ako sapat? Kulang pa rin ba na mahal ko siya? Kulang pa ba na minahal ko siya higit pa sa sarili ko?

"I'm sorry..."

"I hate you." Walang pakundangang sabi ko.

"You won't leave me, r-right? Right, Rina? You won't leave me? R-Right, babe?" Tumitig sa akin ang lumuluha niyang nga mata. Pinigilan ko ang sarili na maging malambot sa kaniya.

"Hindi ko alam,"

Should I stay? I should I not?

Dapat ka pa bang mag-stay kahit nasasaktan ka na? Kahit mahirap na?

"I am ready to do anything you want just... just don't leave me, Rina."

"Umalis ka na, Ash."

"R-Rina,"

"Alis na!"

Wala siyang nagawa. Bago siya tuluyang umalis ay paulit-ulit niyang pinahakan ng halik ang noo ko.

"Babalik ako," bulong niya at saka ako tinalikuran.

Napa-upo na lang ako nang mawala siya sa paningin ko. Sa malamig na sahig, doon ko inilabas ang lahat ng sakit at sama ng loob.

Doon ako nagluksa.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog, basta ang alam ko, nakatulugan ko na ang pag-iyak sa sala. Nagising ako sa malambot na kama.

Ramdam na ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata. Malagkit din ang aking mukha dahil sa mga natuyong luha.

Wala akong balak na bumangon kung hindi ko lang naamoy ang mabangong niluluto na nagmumula sa kusina.

Walang gana, walang kaayos-ayos akong lumabas sa kwarto ko.

Sa kusina, naabutan ko si Justien na nagluluto. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang ako sa sulok at pinagmasdan siya sa ginagawa.

Kung si Just na lang sana ang minahal ko, e 'di sana hindi ako masasaktan ngayon.

"Morning," bati niya nang makita ako.

"Morning," bati ko pabalik sa kaniya.

Walang gana akong umupo at tumitig sa kawalan.

"Your boyfriend called me last night,"

Hindi ako umimik.

"Okay ka na?"

"Mukha ba akong okay, huh? Mahal ko 'yon e, tapos niloko niya ako. Hayop siya." Suminghot ako at pinunasan ang luha. 

"Baka naman misunderstanding lang 'yan, Rina. Talk to him agan."

Iling lang ang sinagot ko sa kaniya.

Ano ako tanga? Inamin niya na nga, e.

Umakyat na agad ako sa kwarto ko pagkatapos kumain. Hinayaan ko na lang si Just na gumawa sa kusina. Pagkatapos maligo, naabutan ko ang mga kaibigan ko na naghihintay sa akin sa sala.

Sinugod nila ako ng yakap at hindi ko na naman mapigilan ang umiyak. Agad naman nila akong inalo.

Gago, kasalanan nila 'to, e. Bakit kasi nila ako niyakap, 'di ba?

Ilang minuto pa ay kumalma na kami pare-pareho.

"Anong plano mo ngayon, Rina?" Suzy asked.

"Ano pa ba? E, 'di ipagpapatuloy ko ang buhay ko. Hindi ko ititigil ang buhay ko dahil lang niloko ako ng isang lalaki."

Sumandal ako sa balikat ni Just na nasa tabi ko. Magaan ang bawat haplos niya sa buhok ko.

"Uuwi muna ako sa Laguna. Kumpleto sila do'n. Magpapalamig muna ako,"

"Pagkatapos?"

Umiling ako.

"Hindi ko na alam..

-

Mwehehehehehehehehe

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now