Chapter 9

62 4 0
                                    

Chapter 9

Today is monday. Iyan agad ang nasa isip ko pagkagising. Kahit sobrang masakit ng ulo ko ay pinilit ko talaga ang bumangon ay maghanda para sa klase ko ngayong araw.

Shuta ka, Ria Nataliah. Halip na mag-aral, pag-inom ang inatupag mo. Ewan ko na lang sa 'yo kung may isagot ka kung mayroon mang quiz!

Ang kalahating oras ko sa pagligo noon ay naging limang minuto lang yata. Male-late ako sa una kong klase!

Nakalimutan ko pa ang id ko kaya bumalik pa ako sa condo kahit nasa baba na ako.

Aligaga akong pumunta sa parking space ko pero wala doon ang sasakyan ko, saka ko pa lang naalala na si Justien nga pala ang naghatid sa akin kagabi. Napatampal na lang ako sa noo ko.

Bakit ang malas ko naman yata ngayong araw?! Sign ba ito na 'wag akong mag-iinom kapag sunday?

Gusto ko sanang tawagan si Just pero baka nasa klase na rin siya. Hindi naman pwedeng balikan ko pa ang kotse ko sa bar dahil talagang male-late ako.

Lumabas na ako ng building at napagpasiyahang mag hintay na lang ng taxi. Pero ilang minuto na ako dito ay wala parin! Monday, bakit ka naman ganito sa akin?!

Jeep. Nag-jeep ako! Hinihingal ako pagdating sa room ko. Mahihimatay yata ako! Jeep ang pinakaayaw kong sakyan pero napilitan.

"Magandang umaga, Rina babes!" Bati sa akin ni Suzy. Inirapan ko siya.

"Mas maganda ako sa umaga," she laugh. Hilo pa rin ako. Tamang tama ang dating ko dahil ilang minuto pa ay dumating na ang prof. namin.

Fresh pa sa utak ko ang aking mga pinaggagagawa kagabi. Mula sa pag-inom ko hanggang sa pagahatid sa akin ni Just sa condo. Yung lalaki! Gusto kong sumigaw dahil sa hiya. Ako talaga 'yon? Parang hindi naman.

Ito ang nakakainis kapag nalalasing ako, naaalala ko lahat, as in lahat ng mga ginawa ko. Hindi ko alam kung mabuti bang maalala ko o hindi.

Hindi naman siguro ako kilala ng lalaking may magandang boses, 'di ba? Pero alam niya ang pangalan ko!

Iwinaksi ko ang isiping 'yon. Inabala ko ang sarili sa aming klase.

Kung may grade lang ang paglalasing, siguro ay Magna Cum Laude na ako.

Maingay sa labas ng condo ko. Nandoon si Kuya kasama ang mga kaibigan niya. Gusto ko silang murahin dahil ang ingay nila, mukhang nakakaistorbo pa sila sa mga kapitbahay ko.

"Rina!" My brother shouted. Sumigaw pa nga!

"Oh? Ano nanaman ang ginagawa niyo dito?" Tanong ko nang makalapit na sa kanila. Kinuha ko ang aking susi sa bag. Nauna pa silang pumasok kaysa sa akin. Ang kakapal ng mga mukha!

Nanliit ang mata ko. May nakataas ang paa sa center table, may nakasalampak sa carpet, may nagbuhay ng TV may dumiretso sa kusina at may narinig pa akong ingay ng kung ano. Tangina?

"Wow, welcome ba kayo dito?" Tanong ko. Parang wala silang narinig dahil patuloy lang sila sa mga ginagawa. Great!

"May pagkain dito!" Sigaw ni Kuya mula sa kusina. Nagtakbuhan naman na parang bata ang tatlo. Napaamang ako.

"Kuya!" I stomp my feet.

Maling desisyon ang buksan ang pinto kapag nasa labas sila.

Sa kusina ay pinagkakaguluhan na nila ang pagkain na itinabi ko kaninang umaga pati na din ang mga instant. Para silang hindi kumain ng ilang araw.

"Ang yayaman niya tapos dito kayo kakain?" Hindi makapaniwalang tanong ko. I slowly shook my head.

"Chill ka lang diyan, baby sis, pagpapahinga lang kami tapos aalis na." He even blow a flying kiss.

"Yuck, Kuya, kadiri ka." They laugh.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Sanay na ako sa kanila. Bigla bigla na lang talaga silang pupunta dito para makikain.

Kuya's friends are like my brothers, too.

Mababait naman sila, mga bulakbol nga lang. Mga walang trabaho at tambay lang sa mga bar.

I open my phone. I turn it off kanina kasi alam ko na tatawag si Just at ipapaalala sa akina ng ginawa niyang pagsundo sa akin at hihingi siya ng kapalit.

Sunod-sunod ang pagdating ng notification.

Marami ang missed call galing kay Just. Sabi na e!

From: Justien
Rina! Answer my call!

From: Justien
Fetch me here!

That text was sent thirty minutes ago.

Magta-type pa lang sana ako ng reply ko nang may mag pop-up na bagong text galing sa kaniya.

From: Justien
Bwisit ka, Rina

I laugh. I type my reply to him.

To: Justien
Aw, our doctor is mad

From: Justien
Stop texting me.

Muli akong tumawa. Galit na talaga, mag tuldok pa.

To: Justien
Susunduin na ba kita?

Agad siyang magreply.

From: Justien
Ngayon pa kung kailan nakauwi na ako? No thanks, Rina.

Hindi na ako nagreply pa ulit sa kaniya. Mainit ang ulo ni Doc, baka hindi na niya ulit ako sunduin kapag nalasing na naman ako.

I took a bath before going out of my room.

Tulog na silang lima. Nakahiga sa mahabang sofa si Kuya habang ang mga kaibigan naman niya ay sa carpet. Bukas pa ang TV kaya ako pa ang nagpatay. Nakikikain na nga lang nagsasayang pa ng kuryente.

Ano ba ang pinaggagawa nila at mukha silang mga pagod? Pasado alas sais pa lang ng gabi ay puro lasing na sila.

I cooked food for myself. For myself lang syempre, ang kapal naman nila kung nag-eexpect sila na magluluto ako para sa kanila.

I review some of my notes while eating. I am not really good when it comes to academics. I'm the average type. Hindi ako mahilig mag-aral katulad ng iba kong mga kaibigan.

Being a Laude is not really my goal, basta makagraduate ako ay ayos na.

Hindi naman kasi kailangang laging nasa tuktok, minsan kailangan din nating nasa ilalim.

Student life is not all about achievements, grades and honors, it's about the experience you experienced and lessons you've learned.

Okay na ako na nakakapasa ako. Gusto ko lang talagang makagraduate at magkatrabaho ng maayos.

I wash the dishes before I jump in my bed and drown myself at my social media accounts.

Marami ang message pero hindi na ako nag-abala pang basahin 'yon. Anong sense, 'di ba? Puro mga ngatatanong kung pwede na nila akong ilabas. Like, what the hell? Mukha bang mahilig akong makipagdate?! 

Para sa akin, boring ang makipagdate sa mga taong hindi mo pa kilala.

Yeah, I'm not open to other people.

Pero kung si Ash naman ang magyayaya sa akin, why not, 'di ba?! I do agad!

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now