Chapter 18

37 4 0
                                    

Chapter 18

Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Para na akong tanga. Pinagkakaguluhan ng mga kaibigan ko ang cellphone ko.

"Baka naman scam 'to, ah." Sabi ni Kyla.

"Tanga, hindi. Nagpakilala, oh." Sabi naman ni Mitch.

"Gaga. Paano kung nagpapanggap lang 'yan? Paano kung isa yan sa may gusto kay Rina, tapos ginagamit lang ang pangalan ni Ashjon? 'Di ba nga alam naman ng halos lahat ng schoolmate natin na may gusto ang babaeng 'to d'yan kay Ash?" Kyla rolled her eyes.

"Pustahan si Ash talaga 'to?"

"Sige! Ano'ng pusta mo?" Hinila ko ang buhok nilang dalawa. Gelo and Lheo is busy with their thing.

"Talagang pagpupustahan niyo pa si Ash? Si Ash man 'yan o hindi, pupunta ako bukas! Shit, nawawala ang wallet ko! Nando'n ang lahat ng card at ID ko!"

"Ang tanga naman kasi Rina. Bakit ba kasi nagpatak 'yon?"

"Basta!"

Bagsak ako pag-uwi sa condo ko. Hindi na ako kumain ng hapunan. Naligo na lang ako at nagbabad sa social media.

From: Kataksilan
Are you at home already?

To: Kataksilan
Yes! Ikaw?

From: Kataksilan
At home. You didn't reply to me earlier.

To: Kataksilan
Ka-text ko ang bebe ko. Bakit ba?

Nagpaikot-ikot ako sa aking kama

From: Kataksilan
Bebe?

Ngumuso ako. Bakit iba kapag sa kaniya galing ang salitang 'yon?

To: Kataksilan
Oo! Bye na. Kailangan kong mag-beauty rest. Magkikita kami ni bebe Abo bukas.

Kumportable ako sa kaniya. Hindi ako nahihiyang sabihin sa kaniya 'yon. Bukod sa hindi ko naman siya kilala, sigurado ako na schoolmate ko lang 'to. Sus, alam naman ng lahat na may gusto ako sa lalaking 'yon. Hindi ko nga alam kung paano basta isang araw, tinutukso na nila ako kay Ash. Advantage din ang pagkakaiba namin ng school ni Ash dahil talagang hindi ko alam kung paano siya haharapin kung sakali.

From: Kataksilan
Bebe Abo? Your crush, Ashjon?

To: Kataksilan
Oh, alam mo? Sabi na schoolmate lang kita, e.

From: Kataksilan
No. I'm not.

To: Kataksilan
Sus, echoserong to. Matutulog na ako. Good night

Hindi ko na hinintay pa ang text niya. Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog na.n

Kabado ako kinabukasan. Mabuti at half day lang kami, may mahaba akong oras para mamaya.

"Hindi ka na ba namin sasamahan, Rina?" Kyla asked me. Nandito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Hindi na. Keri ko na 'to."

I texted Ash earlier if he want, we can meet at the nearest coffee shop. Pumayag naman siya kaya wala nang problema.

Gusto ko sanang itanong kung date ba 'to kaso hindi na lang, nakakahiya.

"Mag-text ka lang kung kailangan mo ng tulong, Rina."

"Grabe naman, Lheo. Makikipagkita lang ako sa bebe ko, guys, kalma. Wala naman gagawing masama sa akin si Ash."

"Mabuti nga kung si Ash 'yan. Paano kung hindi, 'di ba?

"Wala ba kayong tiwala sa 'kin? Si Ash 'to. Malakas pakiramdam ko." Inirapan ako ni Kyla.

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now