Chapter 31

40 3 0
                                    

Chapter 31

Para kailan lang. Ngayon ay nandito na naman ako. Nakatingin sa lugar kung saan ako nasaktan. I sigh.

"Good morning. Welcome to Ninoy Aquino International Airport." Narinig ko boses mula sa speaker. Huminga ako nang malalim nang mag-landing ang eroplanong sinasakyan ko.

Ito na naman ako. Babalik sa lugar kung saan ako nawasak.

Agad na nanuot ang mainit na hangin ng Pilipinas sa aking balat. It feels nastolgic. This is how I feel years ago.

"Ma'am Ria!"

Lumingon ako sa pinagmulan ng boses na tumawag sa akin. Doon, nakita ko ang isa sa mga driver namin, kumakaway at may pa-banner pa. Tumawa ako at naglakad papalapit sa kaniya.

"Hello, Manong!"

"Nako, Ma'am. Ang ganda-ganda niyo na po lalo!" Pang-e-echos niya sa akin. Tumawa ako at hinayaan siyang buhatin ang mga gamit ko.

Same atmosphere.

Napakainit. Saglit pa lang ako sa labas ay tagaktak na agad ang pawis ko.

"Manong, nasa bahay po ba silang lahat?"

"Si Ma'am Camila at Sir Eizen po ay nasa mansion pero ang Mama at Papa niyo po ay nasa mansion sa Palawan. Pero pauwi na rin sila ngayon, may inaayos lang daw po." Mahabang paliwanang niya. Tumango lang ako at itinuon ang pansin sa labas.

I suddenly wonder, where is he now? Natupad na ba niya ang mga pangarap niya?

Sa loob ng dalawang taon, wala akong balita sa kaniya. Hindi ko alam kung sinasadya ba nilang hindi ako balitaan o talagang wala na rin silang pakialam sa lalaking 'yon.

Tumunog ang cellphone ko. Tumingin pa sa gawi ko si Manong. Nasabi ko ma bang may pagkachismoso talaga 'tong si Manong driver?

"Hello, Just!"

"Rina, kumusta ang flight? Nakauwi ka na ba?"

"Yup, nasa sasakyan na ako. Pauwi na kami sa mansiyon. Bakit?"

Kung wala lang itong asawa ay aakalain ko talagang may gusto siya sa akin, e. Hindi naputol ang koneksiyon namin ni Just kahit nasa ibang bansa ako. Minsan na rin siyang dumalaw sa akin, minsan siya din ang tumatayong doktor sa akin kapag nandoon siya, mas kumportable ako sa kaniya kaysa sa sarili kong doktor.

"Good, bibisita na lang kami ni Kinah sa inyo sa susunod na araw."

"Okay! Ingay kayo, bye."

"Take care, too and welcome back." Siya na ang nagbaba ng tawag.

Huminga ako nang malalim. Nakabalik na nga talaga ako. Handa na ba ako? Umiling ako at humilig sa back rest. Inabala ko ang sarili sa cellphone.

Sa social media, nakita ko ang post ni Calli kasama ang asawa at si Calla.

Kasal na si Calli at Gio. Nakakalungkot nga dahil wala ako no'n, hindi ako naka-attend dahil nga nasa ibang bansa ako at nagpapagaling. Pero masayang masaya ako para sa kanila. Sila pa rin talaga hanggang sa huli. Shuta, sana all.

Napakalaki na ni Calla. Dalawang taon lang naman ako nawala pero bakit parang ang laki ng pinagbago ng batang ito? Sana hindi na snob at cold, jusko, paano siya magkakajowa kung gano'n siya, 'di ba?

Ngumiti ako sa mga naiisip. Miss ko na talaga silang lahat!

Pagdating namin sa bahay, sinalubong agad ako ni Kuya ng yakap. Sa kanilang lahat, siya talaga ang minsan lang makadalaw sa akin dahil marami siyang trabaho na kailangang gawin.

Nagbago na 'yan, sabi niya. Nakatikim na rin kasi ng sakit. Ako talaga ng kauna-unahang tumawa nang malaman kong ni-reject siya ng babaeng gusto niya. Tandang-tanda ko pa noong tumawag siya sa akin, lasing at sinabing ang sakit daw pala talaga.

"Rina, ang sakit, pota. Ang gwapo ko tapos ni-reject niya lang ako?" Halos umiyak na siya no'n.

"Deserve," sagot ko at tinawanan siya.

"Namiss kita, Kuya!"

"Miss you, too bunso. Ang bango mo ah, amoy America." Sininghot pa niya ang buhok ko. Bumitaw ako sakiya at si Ate Cami naman ang niyakap ko.

"I miss you, Ria."

"Wow, ah. Parang hindi naman tayo magkasama noong isang buwan." Tumawa siya. Kasama ko siya sa ibang bansa. Halos doon na rin siya tumira at minsan naman ay ginagawa niyang magkapitbahay ang Pilipinas at America. Nakakaproud 'tong Ate ko, multi-tasker.

Nagpahinga muna ako pagkatapos noon. Baka daw matagalan pa sina Mama at Papa sa pag-uwi. Calli and some of my friends called me. May pakulo pang welcome back party sina Mitch. Nakiayon na lang ako sa kanila para wala nang maraming talk.

May maliit na salo-salo ang buong pamilya. Kasama din namin ang anak ni Papa, si Feather. Anak siya ni Papa sa ibang babae at ilang buwan lang ang tanda ko sa kaniya.

I... forgave him. Ewan ko. Gumising na lang ako isang araw na wala na akong nararamdamang galit sa kaniya. Magaan na ang pakiramdam ko.

"Kain ka pa, beh." Inabot ko kay Feather ang mangkok ng kanin. She warmly smile at me, kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Thank you, 'Te." She mouthed.

I don't hate her. Kapatid na kapatid talaga ang turing namin sa kaniya. Nagalit ko noong una, oo. Pero na-realize ko na hindi naman niya kasalan na anak siya ni Papa sa ibang babae. Wala siyang alam, naging bunga lang siya ng panloloko ni Papa sa amin.

"Masaya kami dahil nakabalik ka na, anak." Sabi ni Mama.

"Masaya din ako, Ma."

Akala ko ay hindi na ako babalik pa ulit dito. Akala ko lang pala dahil ito ako, nandito na.

Naging masaya at puno ng kwento ang dinner namin. Ang daming kwento ni Mama at ang dami niya ring plano sa bakasyon namin. Ang advance niya mag-isip.

Natulog akong masaya nang gabing 'yon. Para akong tangang ngiting-ngiti habang nakahiga sa kama ko. Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon, ibang-iba sa inaasahan ko.

Kinabukasan ay dinalaw ako ng mag-anak ni Calli. Ang laki-laki na ni Calla at katulad ng dati, napakalamig na bata pa rin. Hindi pa rin talaga nagbabago.

"Paano ka magkaka-jowa niyan, Calla kung ang snob-snob mo? May irereto pa naman sana ako sa 'yo-"

"Hoy, Rina! Anong binubulong-bulong mo diyan sa anak ko? Baka katarantaduhan na naman yan, ah?!" Apila ni Gio. Sinaway siya ng asawa at agad namang tumahimik ang lalaki. Under de saya ang loko.

Hindi ko man lang nakita ang actual na pag-iyak ni Gio nang sinasabi na ni Calli ang wedding vows nila at hanggang ngayon ay ang laki pa rin ng panghihinayang ko dahil hindi ako nakadalo doon sa kasal nila na kalaunan ay maghihiwalay din naman, chos.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now