Chapter 3

72 3 0
                                    

Chapter 3

Kinaumagahan ay sinamahan ko si Calli na maglakadlakad sa tabing dagat. Exercise na din.

"Hindi ka ba talaga nai-stress dito, Calli?" Tanong ko sa kanya.

Her baby bump is now visible. Anim na buwan na rin kasi ang tiyan niya. Sobrang moody pa rin niya. Buti na lang nag-aaral at wala ako dito noong naglilihi siya. Bahagya akong natawa ng sumagi sa isip ko ang sinabi ni Razam.

"Ayaw ko na! Suko na ako, Rina! Buntis na Calli ang papatay sa akin!"

"Hindi naman. Bakit?"

"Wala lang. Ilang taon ba ang balak mong tumira dito?" Wala naman siguro siyang balak na magtago habang buhay 'di ba?

She shrugged. "Ewan."

"Ilang buwan na Calli. Wala ka ba talagang balak na sabihin kay Gio?" Tanong ko ulit. Mukha na siyang naiinis sa mga tanong ko.

"Hindi pa rin ba naubos ang mga tanong ko kagabi, Rina?" Inis na tanong niya kaya napasimangot ako. Ang init na naman ng ulo ng buntis! "Wala! Pake ko ba sa kanya!" Sa inis niya ay nauna na siyang maglakad sa akin, tatawa tawa naman akong sumunod sa kanya. Bitter na bitter.

"Good morning mga reyna, handa na ang inyong almusal." Our cook, I mean Razam, said.

Dito na siya nakatira sa amin. Naging kaibigan namin siya simula noong iniligtas niya si Calli at noong nalaman ko na umuupa lang siya ng maliit na apartment ay in-offer ko sa kanya na dito na lang siya tumuloy.

"Salamat, aking utusan." Sagot ko sa kanya. Amba niya akong papaluin ng sandok nang tumikhim ang buntis sa tabi ko.

"Gutom na ako, excuse me." Parang tuta kaming sumunod ni Razam. Shet?! Isang buntis na Calli lang pala ang magpapasunod sa amin ng ganoon!

Nakababad ako sa tub habang nakapikit. Bibisitahin ko si Ate Cami sa hotel. Halos doon na siya tumira. Hindi niya na kami magawang bisitahin sa Manila. Kung wala siya dito, nasa ibang bansa naman.

Hindi niya na nga yata naiisipan ang mag-asawa. Ahead siya sa akin ng limang taon, she is twenty six years old pero single pa rin.

Bumaba ako ng aking kwarto suot ang aking floral beach dress. Regalo niya ito sa akin noong 21st birthday ko.

Dahil hindi pwedeng pumunta sa Manila si Calli, dito nalang kami nagcelebrate ng kaarawan ko.

"Calli, sasama ka ba?" Maganda ang upo niya habang nanonood ng TV.

"Hindi na. Ikaw na lang."

Naglakad na lamang ako dahil malapit lang naman iyon. This resort is so attractive. Maraming turista ang nagpupunta dito.

Kaya siguro nalilibang din dito si Calli. Napakakalmado ng buong lugar. Ang nag-uunahang alon lamang ang tanging ingay na maririnig.

Private ang parteng ito. Sakop pa rin kasi ito ng pag-aari namin.

"Hi, Ate!"

Pumasok ako ng opisina niya ng wala nang katok katok. Nanlaki ang mata ko sa aking nadatnan.

"Rina!" Nagkagulatan kaming tatlo. Ang lalaki sa kanyang harapan ay hindi na makatingin sa banda ko. I blink twice.

The guy cleared his throat. Umupo naman sa kanyang swivel chair si Ate.

"What are you doing here, sis?" Tanong niya at nagkapabusy sa pagbubuklat ng mga papel sa ibabaw ng lamesa niya.

Tumikhim ako bago matamis na ngumiti sa kaniya para maibsan ang awkwardness. Shit?! Mali yata ako ng timing. Kung kailan may naglalambing kay Ate saka ako pumunta!

"Kakamustahin lamang kita. Pero mukhang okay ka naman kaya..." sumulyap ako sa lalaki bago muling bumaling sa naiilang kong kapatid. "aalis na lamang ako. Uuwi na rin naman ako sa Manila."

Nahuli ko ang masamang tingin ni Ate sa lalaki kaya muli akong napasulyap sa lalaking ngayon ay nakangisi na. Magkakaroon na yata siya ng lovelife kaya dapat ay hindi ko sila istorbohin!

"Puwede ka namang dito muna kung gusto mo." Ani ni Ate.

"Naku, hindi na! Aalis na rin ako." I laugh, humalik ako sa pisngi ni Ate at tumango naman sa lalaki na hindi maalis-alis ang tingin sa kapatid ko. "Bye, Ate. Enjoy!" I waved at them.

Pagkalabas ko ay narinig ko pa ang pagsigaw ni Ate, mukhang pinapagalitan ang lalaki kaya napahalakhak ako. Hindi ko man lang natanong ang pangalan!

A smirk flastered on my lips. Nakita ko lang naman ang kapatid kong may kalandian sa opisina niya. Dapat ay magalit ako bilang kapatid niya pero bakit ang saya saya ko pa?!

Ang kapatid kong walang interes sa lalaki ngayon ay mayroon na!

Dapat na ba akong magcelebrare?!

Tahimik ang bahay pagdating ko. Tulog siguro ang buntis, kaaga-aga.

Sabay kaming kumain ni Calli. Ang paborito niyang adobo ang ulam, katulad ng inaasahan ko. Hindi na ako magtataka kung maitim ang anak niya.

"Kanina ka pangngiti nang ngiti diyan, Rina. Namaligno ka ba?" Inirapan ko siya.

"Hindi pa pwedeng masaya lang dahil may jowa na ang kapatid ko?"

"Si Ate Camila?" I nodded.

"Oo! Hindi na NBSB ang Ate ko, nakakaproud!"

Hindi talaga ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman ang pangalan ng lalaking bumihag sa pihikang puso ni Ate! Omg! Tinawagan ko si Ate Cami, siguro naman ay hindi na sila magkasam dahil mag-aalas otso na ng gabi. She answer the phone after three rings.

"Yes, Rina?"

"Sana all may lovelife." Nasamid siya sa kabilang linya. I laugh.

"What the hell, sis?"

"Anong pangalan?"

"N-Nino?" Her voice shake. I laugh again.

"Kalmahan mo Ate. Tinatanong ko lamang kung anong pangalan ng jowa mo!" I heard someone laugh. W-Wait? Magkasama pa rin sila?!

"W-Wala naman akong boyfriend, Rina. And what's with the term?"

"Teka nga Ate. Magkasama pa rin kayo ng lalaki mo?!" I asked exaggeratedly.

"Rina!" Saglit niyang kinausap ang lalaki pero hindi ko maintindihan. "Hello, Rina."

"Yes?"

"Call again later. We're eating our dinner right now."

"A dinner date," the guy said.

"What the hell, Roger?!" My sister shouted, annoyed. Pero ano daw? Roger?!

"Sige na. Enjoy ka sa dinner date niyo Ate Cami. Go for the gold Ate!" Sabi bago binaba ang tawag. Siguro ay umuusok na ang ilong niya ngayon. I laugh again.

Roger...

Camila...

RoLa? Ang baho, sounds like arinola.

CamiRo?! Yes, CamiRo!

"Omg, bagong ship ko. Lumayag sana kayo!"

Hay, sa lovelife ng iba na lang ba ako kikiligin?! Paano naman ang lovelife ko 'di ba?!

Lord, anak mo rin naman po ako ah!

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now