Chapter 4

64 5 0
                                    

Chapter 4

Mabilis natapos ang dalawang araw ko sa palawan. Sinulit ko talaga ang araw na iyon. Minsan na lang kami magkita ni Ate Cami dahil madalas siyang nasa ibang bansa para sa mga business trip niya.

Lunes na naman! May pasok na!

Maaga na naman akong gumising para hindi malate sa klase ko. Kailangan ko na namang paganahin ang nilulumot kong utak! Minsan nga nagtataka ako kung paano ko naipapasa at natatagalan ang course ko. Kaunti na lang talaga at iisipin ko na lang na may magic ang ballpen na gamit ko.

"Really? Malapit na iyon ah!" Rinig kong usapan ng mga chismosa kong mga schoolmate sa hallway.

"Really! Excited na ako! First time nilang magpaperform dito." At dahil chismosa din ako, nakichismis muna ako bago tuluyang pumasok sa classroom ko.

"Hi, girls!" Bati ko sa kanila. Feeling close. E bakit ba?! Hindi lang ako martyt at chismosa no, plastik din! Kailangan iyon para mabuhay ka sa araw-araw.

"Hi, Rina!"

"Perform? Sino?"

"Ah! Ang Nameless!" Tili ng isa sa kanila. Makikitili na rin sana ako pero narealize ko na hindi dapat ako tumili para sa mga lalaki, ako dapat ang tilian nila! Like, duh!

Pinanatili ko ang aking tindig, pinipigilan ang makitili sa kanila. Nabuhay ang excitement sa loob-loob ko. Ang Nameless! Si Ashjon!

"Kailan ba yan?"

"This coming foundation day!" My mouth form into 'O'

"Thank you." Masaya silang tumango sa akin.

Maganda ang mood ko pagpasok sa room. I'm smiling from ear to ear. Pakiramdam ko ay walang makakasira ng maganda kong mood ngayon, yung tipong kapag may bumanga sa akin dito ay ako pa ang magsosorry sa kanya. O 'di kaya ay kapag pinagalitan ako ng prof. ko ay ngingitian ko pa siya.

My friends look at me with their malicious eyes.

"Good morning!" bati ko sa kanila.

Tumaas ang kilay ni Kyla sa akin.

"Panis ba ang nakain mo ngayong umaga, Rina?" I just shrugged my shoulder and smile to her. Nawiwirdohan na sila sa akin pero wala akong pake sa kanila. Nakatanggap ako ng magandang balita ngayon umaga. Minsan lamang ito.

Kahit sa pinakakinaiinisan kong prof ay nakangiti ako na hindi ko naman ginagawa noon. I'm just too excited for their performance. Hindi madalas gawin itong magperform ang banda ng ibang school.

Ashjon is not my schoolmate. Parehas akong kumuha ng entrance exam sa UST at La Salle pero hindi ako pinalad na makapasok sa parehong school. No choice tuloy ako kahit gusto kong makasama siya sa iisang school kahit na malabong lagi kaming magkita sa lawak ng school na iyon.

Hindi ko na mapigilan ang magplano sa isip ko. From my outfit and such at pati na rin sa paraan ko ng pagpapansin sa kanya. Shuta, ganito ka na ba talaga ka desperada sa kanya, Rina?! Pero wala namang masama, 'di ba? Hanggat wala kang tinatapakang ibang tao, go lang!

My day went well. Hindi talaga mapugnaw ang ngiti ko, halos mangalay na ang aking panga sa kakangiti. Minsan lang ako maging masaya sa mga nalalaman ko sa loob ng school dahil madalas ang sama lang ng loob ang napapala ko.

"Hoy, Rina! Anong bang nangyayari sayo?!" Tanong sa akin ni Kyla.

"Wala naman. Masaya lang ako." Inikot ko ang dulo ng aking buhok sa aking daliri habang nakatingin sa kawalan, ini-imagine kung gaano siya ka-hot sa stage habang kumakanta. Napapadyak ako. Bakit at hot niya kahit sa imagination ko?!

Biglang nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Katol reveal, Rina." Sabi nila. Sinimangutan ko sila at ngumiti ulit. Tanga, malala ka na talaga self.

Hawak ko ang aking cellphone habang nakaupo sa isang bench dito sa park. Inaabangan ko kung nagreply na ba si Justien sa text ko.

May usapan kasi kami na dito na lang magkita. Nagpapasama siya sa akin sa mall dahil bibili siya ng regalo para sa anak niya. Wala siyang makakasama kaya nagpresinta akong ako na lang ang sasama total wala rin naman akong gagawin.

Mas matanda siya sa amin ng two years, pero dahil maaga niyang nabuntis ang girlfriend niya nag stop siya sa pag-aaral. Naging schoolmate namin siya ni Calli noong senior high school. I feel bad for him for raising his son alone.

I always solute those brave single parent out there.

Ang hirap ng mga pinagdadaanan nila pero hindi sila sumusuko sa buhay dahil inaalala nila ang magiging buhay nga kanilang anak. Hindi madali ang pinagdadaanan nila, mahirap magpalaki ng anak lalo na kung mag-isa ka lamang.

Kalahating oras na akong nakaupo doon pero hindi pa rin siya dumadating. Tinawagan ko siya at sinagot niya din naman pagkaraan ng ilang ring.

"Hello, Just? Nasan ka na? Kanina pa ako dito!"

"Sorry. Hindi kasi ako paalisin ni Joshwon kanina kaya pinatulog ko muna, but don't worry, I'm on my way right now."

"Okay."

Tama nga at ilang minuto pa ay dumating na siya.

"Sorry, natagalan." Tumango lang ako sa kanya bago tumayo. Tahimik lang akong sumunod sa kanya at sumakay sa kanyang sasakyan.

Kahit wala naman akong masyadong ginawa pero feeling ko ay pagod na pagod ako.

Hay, kailangan kong mgarelax. Beauty rest, ganoon. Sa isang linggo na ang foundation day kaya dapat ay stress free ako sa mga susunod na araw para naman fresh ako sa araw na iyon.

Tangina. Ang hirap pala talagang magmahal. Nakakatanga.

I wonder how can I handle a relation. Hindi ko pa iyon nararanasan.

Parang nakakatakot. Nakakatakot masaktan. Iyon ngang hindi pa kami ay nasasaktan na ako paano pa kaya kung kami na, 'di ba?

Scary. That's love. Nakakatakot pumasok sa relasyong kahit kailan ay hindi mo pa naman napapasok. Para kang pumapasok mag-isa sa isang kweba na hindi mo naman alam kung saan patungo.

Maliwanag sa una. Pero habang tumatagal ay padilim na nang padilim.

Hanggang sa wala na! Naligaw ka na. Hindi ka na makakabalik. Parang kapag nasaktan ka, hindi na maiibalik yung dating ikaw.

Nakakadala. Ayaw mo nang umulit.

What will happen when Ash notice me?

Hindi ko rin alam? Gusto ko siya, malinaw iyon sa akin. Pero bakit parang hindi matanggal ng matagal na pagkakagusto na iyon ang takot ko?

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now