Chapter 33

60 4 0
                                    

Chapter 33

Alam ko na may binabalak na naman ang mga ito. At mukhang hindi ko 'yon magugustuhan. Gusto kong mainis sa kanila, they act like I just came from a vacation and not from my recovery. And now, they are pushing me to my ex as if he's not the cause of my trauma. Inuudyo nila ako sa lalaki na para bang okay lang lahat nang nangyari.

Dahil malinaw naman na hindi. At kahit kailan hindi 'yon magiging okay.

Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang sila sa gusto nilang mangyari. I still want to enjoy the night with them.

Umugong ang malakas na hiyawan ng mga tao. May inilabas na fish bowl si Gelo, laman noon ay nga papel na may nakasulat na pangalan naming lahat.

"Ako na ang bubunot ah," bulong ko kay Kyla at sinamaan siya ng tingin. Tumawa lang siya at muling nagsalita sa mikropono.

"Dahil may trust issue si Rina, siya na ang bubunot ng maswerteng makakasama niya sa langit!" Kyla shouted. They cheered once again. Hinila ko ang kaniyang buhok dahilan ng paghalakhak niya. Lumapit sa akin si Gelo at iminuwestrang bumunot ako.

Bumunot ako ng isang maliit na papel at binuksan 'yon. Ang malawak kong ngiti at biglang nawala nang mabasa kung ano ang pangalang nakasulat sa papel. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tinupi 'yon.

Ashjon Verde

Tangina. Red flag alert beh, red flag alert.

Siniko ako ni Kyla, tinatanong kung sino ang maswerteng lalaki ang nabunot ko. Hindi maswerte, beh, malas 'to. Napakalaking malas. Siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at malakas na binasa 'yon.

"Ashjon Verde," basa niya. Muling sumigaw ang mga tao. Alam kong wala silang alam kung ano ang totoong nangyari sa amin ni Ash noon.

Tumalim ang tingin ko sa malaking box na nasa isa pang stage, na para bang may malaki 'yong kasalanan sa akin. Dahil ang totoo naman ay ang lalaking makakasama ko roon ng pitong minuto ang may malaking kasalanan sa akin. Napakalaki. 

Hindi ko tinapunan ng tingin ang lalaking tinawag ng kaibigan ko. Nagdadalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako o hindi, pero ayoko namang sabihin nilang kj ako at isa pa, this party is for me! Dapat ay mag-enjoy ako! Pero paano ko 'yon gagawin ngayong napakalapit lang sa akin ng lalaking naging dahilan kung bakit ako umalis?

Nanlambot ang tuhod ko nang tuluyang tumayo ang lalaki sa tabi ko. Sa lakas ng tibok ng puso ko hindi ko na marinig nang maayos ang ingay sa paligid.

Para bang kahit hindi ko siya tingnan, alam ng puso ko kung sino ang nasa tabi ko. Hindi 'yon maganda, alam ko. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa kabilang stage, may ngisi sa labi at para bang wala lang sa akin ang mga nangyayari.

Tinapunan ko ng tingin ang mga kaibigan ko. They're look guilty, umiwas sila ng tingin sa akin.

Sana ay hindi niyo sinadya ito. Oo at dalawang taon na ang nakakalipas pero, wala e.

Nauna akong pumasok sa kahon. Malaki 'yon at sakto lang para hindi magdikit kahit ang mga siko namin. Agad na sinarahan ang kahon nang pumasok si Ash at umupo sa tabi ko. Tanging ang liwanag lang na nagmumula sa siwang ang tanging nagbibigay ng liwanag sa amin.

Ang goal ko noong nasa ibang bansa pa ako ay ang magmove-on sa lahat ng masasamang bangyari sa akin dito sa Pilipinas. Pero hindi ko yata na-reach ang goal na 'yon.

Kabog lang ng dibdib ko ang tanging naririnig ko, natatakot nga ako na baka marinig niya rin 'yon. Kahit isang minuto na ang nakakaraan, wala pa ring naglalakas ng loob na magsalita sa aming dalawa.

Pasimple ko siyang tiningnan. Tahimik lang siyang nakatingin sa unahan. Walang kahit na anong emosyon na mababakas sa mukha niya. Para ba siyang nasa malalim na pag-iisip.

He looks... so fine. Like he never hurt me. Like he never wrecked me.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Katulad niya sa harap ko na lang din itinuon ang pansin ko.

"Ang tahimik niyo naman diyan, Rina babes!" Hiyaw nang kung sino mula sa labas. Rinig kong sinaway siya ni Mitch kaya tumahimik siya. May bulungan at ilang hiyawan sa labas. Siguro ay nag-iisip na sila kung ano na ang ginagawa naming dalawa dito sa loob.

For ex-lover like us, what do you expect us to do here?

"Nako, mabagal si Bossing." Kantiyaw na naman nila.

Habang tumatagal na kasama ko siya loob ng madilim at masikip na kahon na 'to, muling bumabalik sa akin ang lahat.

Mula sa simula hanggang sa pinakadulo. Mula sa una naming pagkikita hanggang sa huli.

Naka-move on na ako. I was proudly shouting that weeks ago, but here I am right now, naguguluhan na naman.

I was tapping my feet, wishing time speeds up. Hindi na kasi akong kumportable sa tayo ko. Masyado na akong naso-suffocate. Parang anytime, papatak ang mga luha ko.

Nasasaktan pa rin talaga ako.

Napaigtad ako nang magsalita siya.

"How are you?" Tanong niya.

He asked as if we're totally okay. He asked as if he's not the reason why I left two years ago. He asked as if everything happened between us was just nothing for him.

"Time's up!"

Agad akong lumabas nang buksan nila ang kahon. Nakahinga ako nang maluwag. Nakangisi nilang mukha at kantiyaw ang sumalubong sa akin. Hindi ko na nasundan kung ano pa ang sumunod na nangyari dahil agad na akong umalis doon.

Hindi ako nagpa-alam sa mga kaibigan ko. Basta gusto ko lang huminga. Lumabas ako sa venue para magpahangin.

"Hindi ka iiyak, Rina. Hindi ka dapat umiyak," bulong ko sa sarili. Pilit kong pinapakalma ang sarili.

Ang dapat na pagpapahangin ay nauwi sa pag-uwi ko. Parang ayaw ko na bumalik pa doon. Baka kung ano pa ang masabi ko sa mga kaibigan ko kaya mas mabuti na lang na umalis ako.

I texted Justien to fetch me. Nanginginig ang kamay ko. Memories came back. Mga memoryang gustong-gusto ko nang kalimutan.

Ilang minuto ang lumipas, dumating na si Justien kasama si Kinah. Umupo ako sa back seat at tinabihan naman ako ni Kinah. May ipinatong siyang malaking tuwalya sa balikat ko.

Walang nagtangkang magsalita. Tahimik lang sila na para bang alam na kung ano ang nangyari sa loob.

Habang nasa biyahe ay sunod-sunod ang pagdating ng text ng mga kaibigan ko. Hindi ko 'yon tinapunan man lang ng pansin.

Bigla ko tuloy naramdaman na wala silang alam sa nararamdaman ko, na wala silang pakialam sa nararamdaman ko.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant