Chapter 20

48 4 0
                                    

Chapter 20

"Tungkol nga pala sa text kanina..." kinagat ko ang pang ibabang labi ko. "Pasensiya na. Hindi ko alam na naiwan ko pala ang cellphone ko kaya pinakialaman ng mga kaibigan ko. Sorry!" Hindi ako makatingin sa kaniya. Kung normal na araw lang ito at wala akong kahihiyang ginawa, kanina pa akong nakatitig sa kaniya.

He chuckled and brushed his hair back using his finger. Damn, hot.

"That's okay. You're friends are right. Dapat ay sinundo ko kayo dahil ako naman ang nagyaya. I should be the one who said sorry." Tumawa ako.

"Ayos lang yon! May sasakyan din naman kami." Pinigilan ko ang mga kamay ko na hampasin siya. Baka naman sabihin niya na masyado akong touchy sa kaniya.

"You're so beautiful," sabi niya. Kahit nasa labilang lamesa ang mga kaibigan ko, rinig ko pa rin ang mumunting tili nila. Sinamaan ko sila ng tingin bago bumaling ulit kay Ash.

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako agad nakasagot sa kaniya. Nang makabawi ay mahina akong tumawa.

"Alam ko, 'no!" Tumawa ulit ako.

Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

"Oh, titig na titig ka? Baka ma-in love ka niyan!" He shook his head and laughed.

Tumayo siya kaya tumayo rin ako.

"Let's go back to our table." Sani niya, tumango ako.

Pinagtabi nila ang dalawang lamesa namin. Nasa tabi ko si Ash, hindi naman mawala ang ngisi at nakakalokong tingin ng mga kaibigan ko. Umirap ako sa kanila.

Sumimsim ako sa inumin sa harap ko habang pinagmamasdan si Ash na makipag-usap sa mga kaibigan niya.

"So, magkakaibigan talaga kayo simula palang ng una? Tapos naging partner niyo ang isa't isa? Ang cool," sabi ni Ron.

"Yup. Pero si Rina, single pa yan." Si Kyla.

"No boyfriend since birth," sabi ni Suzy sabay ngisi.

"E, 'di kayo na ang may jowa." Bulong ko. Tumawa si Ash sa tabi ko. Umirap ako sa kawalan.

"Talaga? Wow. Ilang taon ka na, Rina?"

"Twenty-two," sagot ko. Napunta sa akin ang lahat ng atensiyon nila.

"Kailan mo balak mag-boyfriend? Wala ka bang manliligaw?" Tanong ni Nate, ang guitarist ng banda nila.

Mahinang tumikhim ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung para saan 'yon.

"Wala,"

"Nagugustuhan?"

Ang mahinang tikhim ng mga kaibigan ko ay lumakas at sinabayan pa ng mahihinang tawa. Hindi na ako nakasagot pa dahil dumaing na siya sa sakit.

"Ouch," mahina niyang daing. Nakaharang ang mesa pero alam kong nakahawak siya sa paa niya.

"Oh? Anong nangyari sa 'yo?" Natatawang tanong ni Steven kay Nate.

"Wala. May nagagalit lang," natatawa rin niyang sagot. I shooked my head and smirked. They are cute, really.

"Ikaw ba Ash?" Biglang tanong ni Suzy.

"Huh? Anong ako?"

"Single ka din ba?"

Humalakhak ang mga kaibigan niya. Pabiro nilang sinuntok si Ash.

"Single na single 'yan. May hinihintay, e."

"May hinihintay?" Hindi ko na napigilan ang sarili na makisali sa usapan nila. Narinig ko ang pagsipol ng mga lalaki kong kaibigan.

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now