Chapter 6

55 5 0
                                    

Song: The Feels - Twice

Chapter 6

Sa school ay balik na naman sa masiglang Rina. Syempre! Ayokong dalhin sa labas ng condo ko ang aking mga problema at sakit, 'no!

Hindi na nga ako mapansin pansin ni Ash tapos magmumukmok pa ako?

Nakapikit ako habang nakasaksak ang aking earpods. Pinapakinggan ang mga cover niya.

Sa totoo lang, sa boses niya talaga ako unang na in love. Una ko munang napakinggan ang boses niya bago makita ang mukha niya.

Siguro ay lalo lang akong nahulog noong nakita ko ang itsura niya. Sino ba naman ang hindi, siya lang naman si Ashjon Verde, e isa lang naman akong dalagang Pilipina, rumurupok din.

Ashjon Verde. Rina Zafra-Verde. Sounds cute!

Hindi ko alam na napalakas na pala ang pagtili ko. Sabay sabay na tumingin sa akin ang aking mga kaklase. Inirapan ko lamang silang lahat.

Sanay na ang mga iyan sa akin. Alam ko na agad ang ibig sabihin ng mga tingin nilang iyan. Iniisip nilang si Ash ang iniisip ko. Pero hindi naman sila nagkakamali!

I've never been this attracted to someone. Sa kanya lamang. Kahit anong sabi ko sa sarili kong hindi niya ako mapapansin dahil wala naman iyong interest sa mga babae, hindi ko pa rin mapigilan. Ewan ko, nababaliw na yata ako!

Ibang iba siya sa lahat ng lalaking nakakasalamuha ko. He's serious, mysterious, quiet, at walang interest sa mga babae. They say, it's just the challenge. But nah, alam kong hindi lang ako nachachallenge sa kanya.

Duh, kung challege din naman pala ang hanap ko, e 'di sana sumali na lamang ako sa mga survivor keneme, 'di ba? Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko kung challenge lang naman pala ang habol do, 'di ba?

"Uh, I'm so curious
'Bout you, boy, wanna keep it cool
But I know every time you move
Got me frozen, I

Get so shy, it's obvious"

Naglalakad ako sa parking lot habang nakasaksak sa aking tainga ang ear pods at sumasabay sa kanta ng Twice na The Feels.

"I know, love, it is such a funny thing
A mystery allure
Gotta get to know you more"

Does it? Does love is just a funny thing?

"You have stolen my heart, oh, yeah
Never let it go, oh, oh, no
Never let it go, oh, oh, oh

Lightning straight to my heart, oh, yeah
I got all the feels for sure
Yeah, I got all the feels for ya"

You stole my heart, really!

"Rina!"

Marahas akong humarap sa mapangahas na nagtanggal ng earpods ko! Sisigawan ko na sana siya dahil akala ko ay isa siya sa makukulit at walang magawa sa buhay kong mga kaibigan pero nabitin sa ere ang boses ko dahil hindi pala. It's Gio!

"G-Gio!"

"Sorry," hinihingal pa siya. "Hindi pa rin ba nagte-text sayo si Calli?"

Pumayat siya ngayon, halata din na hindi siya nakakatulog dahil sa eyebag sa mga mata niya. Balita ko ay madalas din siyang hindi pumasok sa mga klase niya. Poor Gio.

"Sorry, hindi rin kasi siya nagsasabi sa akin."

"Don't fool me, Rina. Alam kong alam mo kung nasaan si Calli. Sabihin mo na, please." Dahil nasa gitna kami ng daan ay hinila ko muna siya sa gilid.

"Pasensiya na, hindi ko talaga alam. Sorry, pero kung tatawag siya sasabihin ko sayo agad! Promise!" Itinaas ako pa ang kamay ko para mas kapanipaniwala. Umiling lamang siya at hinaklit ang braso ko. Omg, harassment, Gio! Bakit ka nagkaganyan?!

"Please! Sabihin mo na, Rina!" Mahigpit ang hawak niya sa braso ko kaya hindi ko iyon maalis kahit anong gawin ko.

Gio is known for being a gentleman. Hindi siya gumagamit ng dahas. Pero ano ito?! Dahil sa kaibigan ko ay nagkakaganito siya!

Scary love!

"Nasasaktan na ako, Gio. Bitawan mo na ako, ano ba?!" Lalo pang humigpit ang hawak nita.

Hindi ko pwedeng sabihin kung nasaan si Calli. Unit unti na siyang nagiging maayos doon.

"Gio," sabay kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses.

"Huwag kang makialam dito, Justien." Sa halip ay hinila niya ako.

"Nasasaktan na si Rina. Are you nuts? Dahil sa babae nagkakaganyan ka?" Napasigaw ako nang suntukin niya si Justien.

"Justien! Gio!"

"Wala kang alam! Hindi mo alam ang nararamdaman ko, gago!" Si Justien naman ngayon ang sumuntok sa mukha ni Gio.

"Alam ko! Alam na alam ko, gago!" Hindi na nakapalag si Gio. Nanghihina siyang umupo at sinabunutan ang sarili.

"Tangina. Anong gagawin ko?" Bulong niya.

"Wake up, dude." Huling sabi pa niya bago ako hinila sa kotse ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Siya naman ay umupo sa driver seat. Paano niya ito nabuksan?!

"Hindi mo nalock,"

"Si Gio, iiwan na lang ba natin yun?"

"Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya." I smack his arm.

"Gago, broken yung tao. Paano kapag nakaisip yun nang kung ano?"

"E 'di sana sinabi mo na kung nasaan si Calli, 'di ba?"

"Hindi ko nga-"

"Hindi ako tanga, Rina. Alam kong dinala mo siya sa Palawan." Hindi ako nagsalita. Minsan talaga ay napapaisip ako kung secret agent ba ang isang ito. Lahat yata ay alam niya!

Akala ko ay ihahatid niya ako sa bahay pero sa daycare center kami nagdiretso. Kahit tatlong taon pa lang ang anak niya ay gusto na nitong pumasok kaya ngayon ay pumapasok siya bilang daycare.

Kapatid ni Justien ang nagtuturo dito kaya't lagay ang loob niya.

"Daddy!" Agad na sumalubong si  Joshwon sa kaniyang ama.

They are really cute. Magkamukhang magkamukha ang dalawa.

Won kissed his father's cheek.

"Say hi to Tita Rina, son."

"Hi, Tita Rina!" Hinalikan niya din ang pisngi ko bago nagpaalam sa kaniyang teacher.

Sabay sabay kaming bumalik sa kotse ko. Ako na ngayon ang nagda-drive. Kalong ni Just si Won at nagkukulitan. Narinig ko pa ang isapan ng mag-ama tunggkol sa babae. Mga lalaki talaga, puro babae na lang ang alam na pag-usapan.

"Bye, Tita Rina!"

"Bye, little boy!"

"Thank you," I bid my goodbye to them before driving my way home. 

Katulad ng nakasanayan ay walang sawa na naman ako sa pagpapalala kay Calli kung anong mga dapat niyang gawin. Inis na siya sa akin pero hindi ko talaga siya tinantanan.

Hindi mawala sa akin ang pag-aalala sa kaniya. Although, Razam is with her, I'm still worried for her and her baby.

Sana ay malusog at walang problema ang inaanak ko kapag inuluwal siya si Calli.

Humiga ako at tumitig sa puting kisame. Natatapos ang bawat araw ko nang nakatitig sa puting kisame ng kwartong ito.  Walang bago. Paulit-ulit.

Everyone's problem is love. It's funny. Kung ano pa ang bagay na sobrang nagpasaya sa iyo ay siya ding sobrang makakasakit sa iyo.

Love is a funny thing, indeed.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now