Chapter 25

40 2 0
                                    

Chapter 25

Time flies so fast. Two years had past again.

Busy kaming lahat dahil sa fourth birthday na ni Calla bukas. Hindi naman magarbo ang handaan, maliit na salo-salo lang at tanging mga kaibigan, katrabaho at ilang kakilala lang inimbitahan namin.

Maayos naman ang lahat, kung hindi lang dumating ang hindi inaasahang bisita.

Nabanggit naman na sa 'min ni Calli na nagkita na nga silang dalawa ni Gio, at hindi talaga namin inaasahan na dadalo ito sa kaarawan ng anak niya, anak nila.

Shit.

Ramdam na ramdam ko ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa, lalo na at kasama pa ni Gio ang girlfriend daw nito. Ako ang kinakabahan para sa kanilang dalawa dahil pakiramdam ko ay ano mang oras, malalaman na ni Gio na anak niya si Calla.

Alam kong nasasaktan ang kaibigan ko sa mga oras na 'to, lalo na at kasama ng ama ng anak niya ang kasintahan kuno nito, masyado lang in denial ang kaibigan ko.

Sa totoo lang ay hindi ko siya pinapakialaman sa mga desisyon niya. Buhay nila ng anak niyo 'yon, kaya hanggat maaari, sinusuportahan ko siya sa lahat ng mga desisyon niya. Wala namang ina na gustong mapasama ang anak, kaya nagtitiwala kami.

Kinagat ko ang labi ko at naghalumbaba sa mesa.

Para lang akong nanonood ng drama dahil sa kanila. Imagine, the ex, the girlfriend and the guy in one frame.

"Hoy, gaga. Ano yun? Omg ha! Para akong nanonood ng drama sa inyo. Shet, pinagpawisan ako sa mga ganap niyo." impit kong sabi kay Calli nang lumapit siya.

"Watch your mouth, Rina." Sabi niya at muling ibinalik ang tingin sa lalaki.

"Ay, martyr na ang peg mo ngayon, Calli?" Inirapan niya lang ako.

Hanggang sa matapos ang program ay wala pa ring planong umalis si Gio at ang kasama niya. Lalo pa ngayon na talagang ramdam na ramdam namin ang tensyion sa pagitan nilang dalawa habang nag-iinoman kami.

Akala ko ba magsasaya at mag-iinom lang tayo? Bakit may tensiyong nabubuo sa inyong dalawa?

Kasama ang mga katrabaho ni Calli, si Razam, ako, si Calli, si Gio at ang girlfriend kuno niya na si Mariella. Masaya lang naman kanina pero ngayon ay may pag walk out na.

"What just happened?" Tulalang tanong ng isa sa mga katrabaho ni Calli. Humalakhak si Razam.

"Guys! Huwag niyo ng alalahanin yon! Ano ba kayo? Baka stress lang ang lalaking iyon.  Pwede ring broken." Pabulong niyang sinabi ang huli pero narinig ko.

"Shut up." Si Calli. Humalakhak ako nang tumayo siya at mukhang susundan ang dalawa.

Hanggang sa matapos ang inuman session with Calli's workmates, gulong gulo rin sila kung ano ba ang meron sa boyfriend ng amo nila at sa maganda kong friend.

Napa-ayos ako nang upo nang mag-ring ang cellphone ko. Ibinaba ko ang basong hawak sa lamesa bago sagutin ang tawag ni Ash. Hindi siya nakadalo dahil kailangan niyang mag-rehearse para sa darating nilang concert.

Yes, he made it. And I'm so proud of him.

Ang pagkanta-kanta niya dati sa maliit na stage ay nagbunga.

This is his big break. Matagal na niyang pinapangarap ito. Kaya todo suporta ako sa kaniya.

Pagkatapon naming grumadweyt noon, nagkaroon na ng kani-kaniyang buhay ay lahat ng miyembro ng Nameless. Naging mahirap 'yon para kay Ash pero sunusuportahan niya ang mga kaibigan sa kanilang mga desisyon sa buhay. Two years after we graduated, doon siya nagsimulang maghanap ng mga agency na kukuha sa kaniya para mag simula. Pero mas gusto talaga niya ang sariling banda kaya umalis siya do'n. Hanggang sa hindi na niya namamalayan na buo na ang grupo.

"Hello, Rina?"

"Hello, Ash!" Masaya kong bati sa kaniya.

"How's the party? Say sorry to Calli and Calla again, babe. Busy lang talaga ako ngayon kaya hindi ako nakapunta."

"Okay lang 'yon, ako ka ba? Naiintindihan naman ng mag-ina 'yon. Tsaka, good luck din daw."

"Tell them, thanks."

"Will you watch our concert?When will you come back here, babe?"

"Ha? Oo, sa isang araw pa ako uuwi." Sagot ko. Nakita ko ang pagpasok ni Calli dito sa kusina.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya pa sa akin.

"Is that Calli? Oh, talk to her. I'll hung up now. I love you, bye. Goodnight." Paalam niya.

"Sige, love you too." Huling sabi ko at pinutol na ang tawag.

"Landi," bulong ni Calli pagdaan niya sa likod ko.

"Ay, bitter ka, girl? Hanap ka na lang ng magsasabi sayo ng 'I love you'." Inismidan ko siya.

"Sira,"

Umirap ako sa kawalan. Nagpapakaampalay na naman ang isang 'to. Matagal ko nang sinabi na humanap na ng kapalit ng ex niya. Isa pa 'tong si Razam. Akala ko nga noong una ay baka maghulog sila sa isa't isa at sila na ang magkatuluyan. Lagi ba naman silang magkasama, araw at gabi. Si Razam ang umaaktong asawa ni Calli at ama ni Calla nang mga oras na 'yon.

Kinabukasan, pumunta ako sa hotel para busitahin si Ate. Isa pa 'tong kapatid ko na 'to, e.

Suot ang kulay puting dress na sumasayaw sa bawat paghampas ng hangin at puting tsinelas, naglakad ako papunta sa hotel. Private at medyo padulo ang mansion namin dito pero hindi naman kalayuan sa hotel na pagmamay-ari ni Ate.

This island is really my escape. Bukod sa maganda ang tanawin dito, mababait pa ang mga tao. Sadyang nasa Maynila lang ang buhay ko kaya hindi ko ko magawang tumira dito katulad ni Ate Cami.

"Good morning, Ma'am Rina."

"Good morning din ho, Manong!" Bati ko pabalik kay Manong guard. "Nasa opisina niya ho ba si Ate Cami?"

Tumango siya ng ilang beses.

"Nako, Ma'am. Halos dito na nga po tumira si Ma'am, e."

"Gano'n ho ba? Wala pa ho bang nanliligaw ulit, Kuya?"

"Sa ngayon po, wala pa naman kaming nakikita na dumadalaw sa kaniya dito."

"Talaga ho? Bitter pa rin pala siya kung gano'n." Humalakhak ako. Kung gaano kasaya si Ate noong sila pa ni Kuya Roger, ganoon naman siya katahimik ngayong wala na sila. Dumoble ang pagiging workaholic niya.

Binati ako nang ilang crew pagpasok ko. Diretso na agad sa opisina ni Ate na ginawa na yata niyang bahay niya.

Kumatok muna ako, aba, malay ko na kung umiiyak ito ngayon, 'di ba?

"Come in," rinig kong sabi niya, ilang saglit.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at laking gulat ko nang nakita si Kuya Roger na nakatayo sa gilid niya. Nanlaki ang mata ni Ate.

Huh!

"Hi?"

Mukhang kagagaling lang nila sa pagtatalo base sa mga itsura nila. Kapansinpansin ang butil ng pawis sa mga noo nila. Medyo gusot ang suot na damit ni Ate Cami at bahagyang nakalislis ang kaniyang skirt. Samantalang si Kuya Roger naman ay may lipstick pa sa labi.

Shuta kayo! Nangangamoy comeback!

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now