Chapter 10

60 5 0
                                    

Chapter 10

Ito ang araw na pinakahihintay ko. Foundation day it is! Kagabi ay halos mapuyat ako dahil hindi ako makapagdesisyon kung anong tamang damit ang dapat kong suotin.

Idea of Ash, singing in the stage in front of us, making me want to pee on my pants.

Fresh na fresh ang beauty ko, hindi halatang puyat kagabi at pagod dahil sa mga booth namin.

Super busy namin this past few days dahil sumabay ang nga quizes namin at ang paghahanda ng mga booth. 

Pagpasok ko pa lang sa loob ng school ay buhay na buhay na ang mga booth. Kahit maaga pa ay energetic na silang lahat.

I will enjoy this day, promise.

Paano ba naman ako hindi mag-eenjoy e nandito si Ash, 'di ba?!

"Rina!" Salubong agad sa akin ni Kyla.

"Happy birthday, Ria Nataliah Zafra!" Bati nilang lahat sa akin. Mayroon pa silang confetti at ballons! Nandito din si Suzy at ang boyfriend niya na si Ryan.

I wipe the fake tears on the edge of my eyes.

"Oh my God, thank you," madrama kong sinapo ang aking dibdib katulad ng mga napapanood ko sa movies. "Hindi ko inaasahan ito,"

Hinampas ako ng bag ni Kyla habang tumatawa. Sinimangutan ko silang lahat dahil maging sila ay tumatawa na.

"Ang arte, Nataliah!" Hinila ko ang mahaba niyang buhok. Kulot pa, padaan naman sa plantsa.

"Nataliah?! Ang baho!"

Nagtawanan na naman sila. Hinila nila ako sa aming booth. Mayroon daw silang kaunting hinanda para sa akin.

Hindi naman na bigdeal sa akin ang birthday ko. Mas excited pa ako para sa pagkanta ni Ash mamaya kaysa sa birthday ko.

Sa booth namin ay nakahanda ang paborito kong carbonara! Iyon ang una kong nilapitan. May iilan pang kakilala ang bumati sa akin.

"Happy birthday, Rina. Inom mamaya?" Tumango lang ako sa kanila.

Kumuha ako ng paper plate at dispossable spoon at sumandok ng carbonara. Malaki ang ngiti sa akin ng mga kaibigan ko. Nanliit ang mata ko at binaba ang pinggan.

"May nilagay kayo dito, 'no?" Sabay-sabay silang tumawa. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Trust Issue," sabi ni Mitch habang umiiling.

Kumain lang ako nang kumain na sila. Masarap ang luto. Sabi nila ay si Lheo daw ang nagluto. Pwede ng mag-asawa!

Pagkatapos naming kumain ay inasikaso na namin ang booth. Puro chocolate lang ang mga tinda namin. Dahil open gate naman marami ang bata ang bumibili sa amin, kapatid sila ng mga schoolmates ko na gustong magbonding dito sa school kasama ang mga magulang nila.

Masaya naman ang buong umaga ko. Nagretouch muna kami bago bumili ng lunch namin.

Hindi magandang ideya na pagsamahin ang mga may jowa dahil wala na silang ginawa kundi ang maglandian sa harap ko!

"Excuse me?! Nandito pa ako, hindi niyo ba nakikita? Sa harap ko pa talaga kayo naglandian! Respeto naman!" Tumawa lamang sila. Hindi namam sa nabi-bitter ako, pero parang gano'n na nga, pero nagdidilim talaga ang paningin ko sa kanila!

"Ang bitter, Rina, ah!" Kantiyaw pa nila sa akin. Napuno ng tawanan ang booth namin. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga dumadaan sa harap namin. Marami-rami na din naman ang benta namin kaya pinagbuntungan ko ng inis ang mga paninda namin.

"Hoy, Ria Nataliah, wala na tayong kikitain!"

Hindi na muli ako humarap sa kanila. Ala-una nang umalis muna kami ni Mitch at Kyla para makapag-ikot sa iba pang booth. Naiwan ang mga lalaki sa booth para magbantay. Una naming pinuntahan ang booth ng Engineering students. Nagtitinda sila ng burger, footlong at akung ano-ano pa.

Nagtry din kami ng laro ng ibang course.

"Ang hirap naman. Pwede bang ganda na lang ang ilaban ko dito?!" Tumawa ang isang Psychology student.

"Hindi pwede, Rina. Lalo tayong matatalo," Tawa ni Mitch.

"Gago,"

Hindi kami nanalo. Ang daya naman kasi. Dapat ay gano'n na lang ang booth namin para marami kaming kita!

Sunod naming ang gym, maingay at pinagkakaguluhan ng kababaihan ang mga basketball player. Hindi na magkarinigan sa loob. Dikit ang laban kaya mas lalong nag-init ang laro.

Kani-kaniyang cheer ang mga girls. Isa rin ako sa mga nakisigaw.

Hindi narin namin tinapos pa ang laro, sunod naming pinanood ang naggagandahang contestant sa pagent.

Pare-pareho kami pagod nang bumalik sa aming booth. Marami ang mga nakatambay, babae at lalaki.

"Bumibili ba kayo dito o hindi?" Tinaasan ko sila ng kilay.

One of my friend laugh. "Ang init naman ng ulo ng birthday girl!" I roled my eyes.

"Baka may laman na yan, ah!" Sabay turo niya sa tiyan ko. Muli na naman nila akong kinantiyawan dahil sa tanong ng isa kong kaibigan. Hindi daw ako nagdadalang tao dahil wala naman daw akong jowa, nagdadalang tae lang daw! Mga walanghiya!

I'm tired but still manage to joke around them.

"Inom tayo mamaya?" Josh, my classmate asked.

"Hindi pwede ang birthday girl dahil may hinihintay 'yan!"

My eyes widen. Muli na namang bumalik sa isip ko kung ano nga ba ang pakay ko sa araw na ito. I almost forgot about Nameless' performance!

"Huh? Sino naman?"

"Sino pa ba? E 'di ang Ashjon niya!" Malakas na tuwama si Kyla ay naghampasam sila ni Mitch. Parang mga tanga.

"Oh? May gusto ka pa rin do'n? Tagal na niyan, ah." I smirk. Well...

I flip my hair. Inirapan ko sila. Hindi ko na napihil ang lubos na kilig kaya nakihampas na rin ako kay Mitch at Kyla.  Gosh!

Balak ko talagang lumabas ngayong birthday ko kasama ang mga kaibigan ko pero dahil nalaman ko na nandito sina Ash hindi na lang kami tutuloy.

Hindi din ako uuwi sa Palawan. Wala din namang engrandeng handaan. Nasa Laguna si Papa at Mama tapos si Ate Cami ay nasa Palawan kaya kami lang ni Kuya ang nandito sa Manila.

Gusto niyang sabay kaming magdinner pero dahil uunahin ko aking kalandian, hindi ako pumayag. We can eat dinner and celebrate my birthday tomorrow night, tho. 

I'm so excited. Nagmadali pa ako sa pagkain ng dinner para lang hindi mahuli.

Sa open field gaganapin kaya doon na kami dumiretsong magkakaibigan. Napakasupportive nila!

Ito na ba ang simula ng love story namin?!

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now