Chapter 8

52 4 0
                                    

Chapter 8

Muli akong sumuka. Malamig ang simoy ng hangin dito sa labas. Ilang beses pa akong muntik nang mahulog mula sa pagkakahawak ng lalaking tumulong sa akin.

Enjoy without drinking too much, ano yun?!

"Hey, careful,"

Hindi ko siya kilala. Sabi ko hindi ako iinom ng madami pero ano ito?! Ni hindi ko kilala ang lalaking ito!

"Get off me," pumiglas ako sa kaniya pero hindi niya ako bitawan.

'Yan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo Rina, paano kung ano ang gawin sa 'yo ng lalaking iyan?!

"I said, get off me!"

"Baka madapa ka," inis niya na ring sagot. Naiinis siya?! Bakit siya naiinis?! Ang magagandang tulad ko hindi dapat kainisan.

"Hindi kita kilala, ano ang gagawin mo sa 'kin, huh?! This is harassment!"

"What the hell? I'm just helping you!"

"Call Justien,"

"What?" Hindi ko na matingnan ng maayos ang mukha niya, hindi ko siya mamukhaan pero pamilyara ang boses niya. Saan ko ba iyon narinig? It's relaxing, kung kakanta siya dito ay paniguradong agad akong makakatulog.

"I said, call Just! Are you deaf?" Imupo niya ako bago.

"I'm already here, you don't need to call someone, Rina." 

He know me, unfair, hindi ko siya kilala. Dapat kilala ko siya 'di ba? Kung may mangyari man sa akin dito, at least kilala ko siya! Arg, ang sakit ng ulo ko!

"Just call him, please." Isinandal ko ang aking ulo. May kinuha siya sa bag ko, siguro ay cellphone.

"Fetch her." Iyon lang ang sinabi niya at pinutol na agad ang tawag. Jerk. "You have a useless husband, Rina, tsk." Hindi ko naintindihan ang sinabi niya bukod sa pangalan ko.

Paano na ako makakapasok nito bukas?

Wala kang dapat sisihin, Rina. Choice mo 'yan. But, fuck! Paano talaga ako makakapasok?!

Ipinikit ko ang aking mga mata. Niyakap ko ang aking sarili nang makaramdam ng lamig. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng kung ano sa balat ko. His manly scent invade my nose.

"It's cold and yet you're just wearing that damn dress? I can't believe you, Rina. I really can't," nahihimigan ko ang inis sa boses niya.

Do I know him?!

"We're at the bar. What do you expect me to wear? Jacket and pajama?" Inis ko ring sagot sa kaniya. Kung si Ashjon pa ang magsasabi no'n sa akin ay baka tumalon pa ako sa tuwa.

"At least wear a decent dress! Look at you,"

Nasusuka ako. Parang gustong ilabas ng tiyan ko ang lahat ng laman nito dahil sa alak.

"Sino ka ba?"

"Now, you don't know me. Great, just great." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Si Ash ka ba, huh?"

"What?" Naroon pa rin ang inis sa tinig niya. Akala mo ay problemado siya sa sitwasyon namin ngayon.

"Ashjon Verde? You know him?" I asked, nakapikit pa rin. "He's famous, I think you know him,"

"Really?" Tumango ako.

"Hm, he's handsome than you!" Sabi ko na lang kahit hindi ko pa naman nakikita ang mukha niya. Kahit mahirap ay pinilit kong imulat ang mata ko. Hindi ko pa rin siya maaninag, malabo na yata ang mata ko. Tanging ang malaki niyang katawan at itim niyang damit ang naaninag ko. Kakapanood ko ba ito ng movies at pagbabasa ng mga romantic novel? "You don't know him? Oh, you don't know him." pinal kong sabi.

"Tell me more about him, then." I smirk.

"Handsome, talented, sexy and oh my God, his voice." Hindi ko alam kung dahil ba sa alak ang kaya nag-iinit ang pisngi ko ngayon.

"Hm? You like him?" He asked, interested. Ugh, ang ganda ng boses niya!

"No!"

"What? You're giving compliments then-"

"I think I love him." I said and laugh. Lasing ba ako?

For sure, pagsisihan ko ang mga sinabi kong ito bukas. Damn, Rina.

Umubo siya. May ubo siya?!

"I have a joke,"

"What?"

"Anong pala ang pwedeng pumatay sa 'yo?"

"Pala? What's that?" I want to shout at him.

"Ang tanga naman," ilang sandali kaming natahimik.

"Let's back to m-" he cleared his throat. "I mean, to that Ash guy."

"What about him? You like him too?! You bitch!"

"What the hell?" He burst out laughing. Habang tumatawa siya ay inalis ko ang jacket at inilapag sa malamig na sahig bago humiga doon. Inaantok na talaga ako.

"Goodnight,"

"Hey, what are you doing?"

"I'm sleepy, I want to sleep."

"Not here, babe. I have a car." Gusto ko talagang masuka. Babe, daw? Lasing lang yan, tol.

He whisper a curse. Narinig ko ang mga yapak niya papalayo sa akin.

Aalis na siya? Iiwan na niya ako? Pwede naman siyang dito na lang matulog, ah, medyo malamig nga lang.

Someone's car open. I want to open my eyes too but I'm so sleepy.

"What the fuck, Rina?" It's not his voice anymore.

"Sino ka?"

"Oh God,"

"Just?"

"What?"

Bakit lahat sila naiinis sa akin?

"Ang sakit ng ulo ko, Doc, help me."

"You're hopeless, hahanap talaga ako ng babaeng hindi katulad mong malasing."

"Am I not enough?" Tanong ko, pilit ginagaya ang tono ni Liza.

"Huh?"

"Pangit ba ako?"

"What?"

"Kapalit-palit ba ako?"

"What-"

"Then why?!  Bakit mo ako nagawang lokohin?!" Naglandas ng luha ko. Madrama ko siyang tinitigan kahit blurred naman ang pigura niya.

Inis niyang ginulo ang kaniyang buhok. What? I deserve an award! Pwede na akong maging bida sa isang Hollywood movie. Ang dami kong talent, bagay talaga kami ni Ash. We're both talented.

"Stop that nonsense, Rina. Stand up. Gusto ko nang umuwi, come on."

"Where is the guy?"

"Guy?"

"Yes, the guy."

"Fuck?" He frustated right now.

Hindi pa rin ako tumayo, dahil hindi ko na naman talaga kayang tumayo, kaya siya na ang nagkusang tulungan ako.

"Tuwing malalasing ka na lang ba ay ganito ang gagawin ako? Tagasundo sa 'yo?"

Ipinikit ko na lang ang mata ko. Talagang antok na ako. Ipinasok niya ako sa backseat at isinuot ang seatbelt bago pinaharurot ang sasakyan.

Mainit ang ulo ni Doc. Muling pumasok sa isip ko ang lalaking may magandang boses. Umusbong ang inis ko sa kaniya. Hindi niya kilala ang bebe ko?! Saang planeta ba siya nanggaling? Hindi man ganoong sikat si Ash pero imposibleng hindi niya ito nakikita sa social media. Arg, ang sakit talaga ng ulo ko!

Nawa'y maging maayos ang klase ko bukas, ayon ay kung makakapasok ako. May quiz yata kami, hindi ko na maalala. Meron ba? Anong isasagot ko? Ang lalaking hindi alam kung ano ang pala?! Oh my God, guide me.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now