Chapter 16

38 4 0
                                    

Song: Statue by Lil Eddie

Chapter 16

"Rina?" Sagot ni Mitch sa tawag ko.

"Tara, inom." Magkakaiba kami ng schedule kaya hindi kami nagkakasama ngayon.

"G."

"Walang magsasama ng jowa, huh!" Tumawa siya sa kabilang linya.

Alas singko na pero nandito pa rin ako at nastuck sa traffic. Halos kalahating oras na ako dito pero hindi man lang umusad. Nakakainis!

My phone rang.

"Oh?"

"Nasa'n ka na? Nandito na kami, kanina pa!"

"Kalmahan mo lang, Suzy. Na-stuck ako sa traffic. Hindi pa ako nakakauwi sa condo." I rolled my eyes.

Isang oras pa ang itinagal ko sa traffic bago ako nakauwi.

Lord, kailan ka po ba maghihimala sa edsa?

Mabilis akong naligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng simpleng pulang dress.

Pumunta ako sa paborito kong resto-bar. Gustong-gusto ko lang talagang uminom ngayon. Masyadong stressful and lunes ko.

"Dumating ka pa," inirapan ako ni Mitch. Inirapan ko din siya.

Umupo ako sa tabi ni Kyla at agad na uminom. Umirap ako sa hangin.

Ako lang ang walang partner sa aming lahat. Sinamaan ko sila ng tingin.

"Sabi ko walang magsasama ng mga boyfriend, 'di ba?"

"Loner ka lang, e." Humagalpak sila ng tawa.

Umingay ang paligid nang may pumasok.

"Bebe mo, Rina babes."

Tumingin ako sa bagong pasok na grupo ng kalalakihan. Nangingibabaw ang kagwapuhan ni Ash.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo sila ng mga kaibigan niya. Tatlong mesa lang ang layo nila sa amin.

I sip on my drink again. My friends smirked. Sumipol pa si Gelo. Inirapan ko siya at muling ibinalik ang tingin kay Ash.

Hindi ko alam na may gig pala sina Ash dito kaya nagulat ako. Gano'n din ang mga kaibigan ko. 

"Hindi mo alam?" Suzy asked me.

"Hindi."

"Biglaan lang yata, walang nakakaalam, e." Singit naman ni Mitch.

Pasimple akong sumusulyap sa banda nila. They are laughing. Napakasimple ng suot niya pero napakagwapo niya pa rin.

Maya't maya ang sulyap niya sa kaniyang cellphone kaya kumunot ang noo ko. May hinihintay ka bang text, Ash huh?

Umiwas ako ng tingin sa kaniya nang lumingon siya sa banda namin.

"Ay sus, Rina."

"Pasimpleng sulyap pa nga,"

"Tumingin dito, Rina."

"Tumigil nga kayo!" I hissed and they laughed.

Busy ako sa pakikipag-away sa mga kaibigan ko nang umilaw ang cellphone ko sa ibabaw ng table.

"May nagtext sa 'yo, Rina. Kataksilan? Sino 'to?!" Sabi ng chismosang si Kyla.

"Ano ba?! Marites ka."

"Sino 'yon?!"

"Basta!"

I open the message and read it.

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now