Chapter 36

10 1 1
                                    

Chapter 36

"Sinisisi mo pa rin ang sarili mo, Rina?"

Hindi ako sumagot. Uminom lang ako sa mainit na kapeng hinanda niya.

"Hindi mo naman ginusto 'yon, Rina. Hindi mo naman alam na-"

"Pero kasalanan ko pa rin, Kuya. Stop sugar coating me." Inirapan ko siya. Napabuntong hininga na lang siya at saka hinaplos ang buhok ko.

"Hindi mo kasalanan, sis."

"Bahala ka d'yan," umirap ako ulit at umunan sa mga hita niya.

"Should we visit your doctor again?"

Hindi ako sumagot. Dalawang taon na nga kaming nag-bonding ng doktor ko sa ibang bansa pati ba naman dito sa pinas?

Tama tama na. Ayoko na ng quality time kasama ang doktor ko.

"Saka na siguro,"

Humikab ako. Ginawa kong kumportable ang sarili sa pagkakahiga.

Kahit anong sabi nila na hindi ko kasalanan, hindi ko pa rin maalis na sisihin ang sarili ko. Ako naman talaga.

Inosente 'yon, e. Walang alam.

Kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang araw na 'yon.

Kung paano siya umiyak. Kung paano umagos ang dugo sa hita niya. Kung paano siya humingi ng tulong.

Tumulo ang luha ko.

Maiintindihan ko kung galit pa rin sila sa 'kin. Gano'n din naman ako. Nandito pa rin ang galit at sakit. Nandito pa rin ang guilt. Nandito pa rin lahat. Walang nagbago.

Ang sakit pa ring makita siya.

"Rina,"

"Okay lang ako, Kuya, ano ba." Tumawa ako.

"Ayos daw ampota," bulong niya kaya napatawa ako.

"Totoo kaya,"

Umiling lang ako.

Nagising ako na nasa kwarto na. Wala na rin si Kuya, siguro ay may pinuntahan. Bumuntong hininga ako.

Inulan ako ng text at tawag ni Calli kanina. Kahit si Gio ay gano'n din.

Parang tanga naman ang mag-asawang 'to.

Umirap ako at tinawag si Calli. Baka mamaya hindi pa 'to makatulog sa pag-aalala. Aba, mahirap na. Bawal mapuyat ang buntis.

"Jusko, Rina. Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag namin?"

Walang man lang hello o hi.

"Sorry. Nakatulog ako, e. Don't worry, Cal. Kasama ko si Kuya kanina."

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Sorry."

"Hoy, parang siraulo 'to. Wala kang ginawa."

"Na-trigger ka dahil sa 'kin,"

"Jusko, ah. Nagulat lang ako. Ninang pa rin ako niyan." Umirap ako.

Pakiramdam ko naiiyak na si Calli. Parang tanga.

"Hoy, Rina. Magpakita ka sa 'min!"

Umirap ulit ako.

Ito na nga ba ang sinasabi. Eepal na naman ang lalaking 'to.

"Oo na, Gio. Manahimik ka na. Lakas mo rin, e. Nakakadalawa ka na, boy."

Humalakhak siya kaya napailing ako.

"Ako lang 'to. Sana ikaw rin." Pang-aasar niya at humalakhak ulit.

Demonyo talaga.

"Bastos,"

Tinapos ko ang usapan naming tatlo nang makaramdam ng gutom. Kahit tinatamad ay nagawa ko pa ring magluto. Pakiramdam ko drained ang katawan ko dahil sa mga nangyari.

Ng gabi ay bumalik si Kuya na may dalang pagkain para sa dinner namin. Inasar-asar ko pa siya na may kailangan kaya nag-uwi ng pagkain at ang loko may kailangan nga talaga.

"Magpapatulong lang naman ako maghanap ng bag para sa Ate mo, sis. Alam mo, maganda kasi ang fashion style mo kaya please, tulungan mo na 'ko." Umirap ako, nang-uto pa talaga.

"Sugar daddy. At anong Ate? E, mas matanda pa nga ako sa jowa mo."

"Hoy!"

"Oh, ano? Totoo naman."

"Two years lang kaya,"

Umiling ako. Magpapaka-sugar daddy na talaga 'to.

Kinabukasan, sinamahan ko si Kuya. At ang magaling na lalaki, walang pagdadalawang isip na binili ang tinuro kong maganda.

Jusko.

Ano na lang mangyayari sa kanilang dalawa kung parehas silang magastos?

Masaya na may kasamang stress dahil kay Kuya ang araw ko.

Mag-isa lang ako ngayon. Umalis si Kuya dahil may date pa daw sila ng girlfriend niya. Okay na rin 'yon para maging tahimik naman ang buhay ko kahit ngayon lang.

Natigil ako sa paghuhugas ng mga pinggan nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko sa sala.

Umirap ako.

Ano na naman ba ang kailangan ng mga 'to?

Kumunot ang noo ko nang makitang unregistered number ang tumatawag.

Agad ko 'yong sinagot.

"Yes? Hello?"

"Hello, Rina? This is Lazzy." Sagot ng babae sa kabilang linya.

-

Secretly Loving You (Loving You Series 2)Where stories live. Discover now