Special Chapter - Yes, No

2.6K 51 15
                                    

Charity Francisco.

Waahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!

Kinuha ko ang unan dito sa kama saka yon sinalampak sa mukha ko at malakas na nagsisisigaw.

“Waaaahhhh!!!” sigaw ko sa kaawa awang unan.

This.is.the.day

Ngayon na ang araw kung saan sasagutin ko na si Calleigh. Tutal, okay fine, matagal tagal na rin naman syang nanliligaw sa akin mula highschool. Nung una, iniisip ko na paabutin ko ng mga 1 to 2 years yung panliligaw nya. Ang kaso, may napanood akong drama sa tv na yung babae, pinaghintay nya ng sobrang tagal yung lalaki, ayun nagsawa. Kaya sabi ko, hindi, dapat sagutin ko na sya.

At dahil gusto kong maging unique ang aking matamis na Oo, gumawa pa ako ng sorpresa para kay Calleigh. Sabihin na nating way ko to ng pagbawi sa kanya dahil marami na syang nagawang bagay para sa akin.

What the heck ang landi ko! Hahahahaha!!!!

Naka set up na ang restaurant. Nagrenta ako ng isang buong restaurant para kami lang, syempre para sweet! Nangutang muna ako kay Kuya Abel. Sabi ko, pambayad ng tuition pero pinanggastos ko lang talaga yung 50K na pangtuition na yon. Buti nga medyo mahal ang tuition dito sa university namin eh. Malaki laki ang nakuha ko. Teka, hindi pala utang yon, niloko ko lang pala sya. Hahaha! Okay lang yun. Malalaman nya rin yun. At sa oras na yon, wala na yung pera. Haha! Marami naman syang pera eh.

May balloons na dun sa lugar, mga kandila para ma set yung mood pero hindi candle light dinner yun, ayoko kayang kumain sa dilim. At syempre, ang way kung paano ko sasabihin ang Yes.

Iniisip ko, wag ko na dapat ilagay pa yung yes ko sa mga pagkain o dessert na katulad ng ginagawa ng sa mga pelikula, nakakakot kaya. Baka mamaya malunok nya pa yun edi napatay ko pa sya. May pagka PG pa naman yun kahit papaano.

Instead, nilagay ko yung Yes ko sa bill namin. So, kapag nagtawag na si Calleigh para sa bill, imbis na bill ang ibigay, isang punong puno ng glitters na papel na may nakasulat na yes ang nakalagay. Haha! Ang sweet di ba. Syempre, ako ang nag isip. Oh di ba, akala nya wala lang yun. Akala nya patapos na ang dinner namin pero hindi nya alam, yun palang pala ang simula.

Nakahanda na rin ang aking backless floral dress. Ilang oras na rin akong nag aral sa youtube ng pag mamake up para maiba naman yung nilalagay ko sa mukha ko. Ayoko na mag paparlor. Maraming bakla dun, baka magmukha lang akong bakla. Kaya ako nalang.

Everything is set.

At matapos ang gabi na to, I officially, have a boyfriend. Waaaahhh!!!! Hahaha!! Kinikilig ako ng sobra!

Isa nalang ang kulang. Syempre, the other party in the picture.

Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na sinendan ng text si Calleigh. Hapon na pero nasa university pa sya. May project pa daw kasi silang ginagawa. Ang busy pala talaga ng engineering. First year palang may paganun ganun na.

“Hoy Calleigh! Wag mo kalimutan yung dinner natin mamaya ha. Pag di ka dumating, patay ka talaga sakin.” Type ko sa cellphone ko saka sinend na sa kanya.

Matapos ang ilang segundo, tumunog na ang ping ng phone ko. “Ok.”Sagot nya.

Grabe! Ang haba ng tinext ko tapos yun lang ang sagot nya. Grabe lang ah.

“Ayusin mo suot mo ha! Mamahaling restaurant yon. Baka mamaya mag jeans ka lang. Mag tuxedo ka ha. Yung ginamit mo nung prom natin.” Reply ko sa kanya.

“Ok.” Reply nya ulit.

Aba. Mukhang busy nga ah. Ganun ba yun kahirap. Hm, yaan na nga.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now