Chapter 42: Hometown.

2.7K 62 2
                                    

Third Person.

“Lei sigurado ka ba dito? Ayokong…ayaw naming maulit na naman ang dati.” Nag aalinlangang tanong ni Abel kay Calleigh. Palingon lingon din sya sa direksyon ng kwarto ni Charity, nag iingat na baka makita sila ng kapatid nya.

“Kuya, malalaman din naman nya. Bakit hindi pa ngayon? Tsaka…alam na rin naman nya.” Sagot ni Calleigh ng may ngiting nagbibigay ng assurance kay Abel.

“Hindi Lei. Alam mo namang hindi pa yun ang kabuuan ng nalalaman nya…paano kong malaman nya ang totoo at…” agad na pinat ni Calleigh ang balikat ni Abel.

“Akong bahala.” Sagot nya.

Napabuntong hininga at iling lang si Abel. Masyadong bata. Masyadong padalos dalos. At masyadong nadadala ng mga emosyon. Yan ang kapatid nyang si Charity. Kahit madalas na bulyawan at sigaw sigawan lamang sya nito, sila ni Cain, napakahalagang tao parin ni Charity sa buhay nila. At imbis na bumalik ito sa dati nyang pag iisip, mas maganda na ngayo’y masama ang kanyang ugali kesa sa ganun. Pero…mukhang hindi na nya yun mapipigilan pa sa pangyayari.

“Tara na?” tanong ni Charity kay Calleigh habang hawak ang isang maleta. Hindi nya rin alam kung bakit kailangan pa nya magdala ng maleta. Sabi kasi ni Calleigh, kahit saglit lang sila dun, kakailanganin parin nya ng damit.

“Ako ng magdadala nyan.” Agad na salo ni Calleigh sa maleta ni Charity.

“Charity…mag isip ka muna bago ka mag react. Naiintindihan mo?” bilin ni Abel kay Charity ng napadaan na ito sa kinatatayuan nya.

“Kuya…” pabuntong hiningang sagot ni Charity. “Hindi ako mag susuicide okay? Hindi yon kasama sa mga naisip ko nung nag eemote ako sa kwarto. At least may willing na dalhin ako sa nakaraan di ba...” mas magaan na ang boses ni Charity, may halo na rin ng pamimilosopo at pagrarason. Maaaring dahil na rin ito sa kagustuhan nyang malaman talaga ang totoo. At dahil may isang taong handang sabihin ito sa kanya.

“Mabuti naman. Basta tandaan mo yun ah.” dagdag pa ni Abel ng may pag aalala parin.

“Oo na.” sagot nya. “Nasan pala si Kuya Cain?” dagdag na tanong ni Charity habang palinga linga.

“May exam. Hindi kayang absenan.” Napangiting sagot ni Abel.

“Ah…bago yun ah.” bulong ni Charity.

“Charity! Tara na!” sigaw ni Calleigh mula sa labas.

“Alis na kami Kuya. Sige..” paalam ni Charity.

“Mag ingat kayo.” Huling bilin pa ni Abel na tinanguan at nginitian lang naman ni Charity.

“May driver tayo?” nagtatakang tanong ni Charity ng makitang may nakaupong driver sa driver’s seat. Akala pa naman nya sila lang ni Calleigh ang aalis. May kasama pa pala.

“Kahit 18 na ako at may lisensya, with all due respect Ms. Charity Francisco, malayo layo ang pupuntahan natin kaya kailangan nating mag driver.” Pabirong sagot ni Calleigh. Marahan na napangiti si Charity doon.

“Bakit? Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Charity kasabay ng pagpasok nya sa kotse. Sumunod din naman agad si Calleigh sa kanya.

Ng makaupo na sya sa tabi ni Charity, nilingon nya ang dalaga.

“Sa laguna.”

**

Charity Francisco.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now