A Short Note From Charity

2.4K 45 3
                                    

Charity Francisco.

“Username. Ano ba ang magandang username? charity_francisco ba okay na?” itinaype ko ang username na yun. Ayos, available pa. “Password, ano naman kaya ang magandang password? Hmm, ah, pangetsilakuya. Yan nalang.” Tinype ko ang password at okay naman. Nung ireregister ko na…

“Ay anak ng! Kailangan pa pala gumawa ng yahoomail? Kainis naman to!” dabog ko habang kausap ang sarili ko.

Pumunta ako sa yahoomail at gumawa ng yahoomail. Kailangan pa kasi yon para gumawa ng Facebook acoount. Tsk, ayoko talaga gumawa nito pero dahil college na kami at kailangan daw sumali ng mga fb groups para sa mga announcements, kailangan ko tuloy gumawa ng fb account para hindi mahuli sa klase. Napaka dami naman talagang arte oh.

Gumawa ako ng yahoo account, niregister sa facebook, saka vinerify pa ulit ang kung ano anong bagay para lang makagawa ng fb account. Saka ko nalang kukunin ang pangalan ng professor at beadle namin sa klase para makasali sa mga fb groups ng klase. Haay, napaka matrabaho.

Charity Francisco. Yan ang pangalan ko sa facebook. Iadd nalang ako ng mga taong interesado at gustong malaman ang kaguluhan sa buhay kolehiyo ko.

Si Calleigh, naku! Wala namang facebook yun. Matulog, kumain at mang asar lang ang alam nun sa buhay. Pero aaminin ko, may pinagbago na rin naman kahit konti.

Sweet na ba kung sasabihin kong araw araw na syang gumigising sa umaga para masiguradong sabay kaming papasok sa skul, magdadala ng lunch namin, mang aaya manood ng pelikula sa condo nya at tutulungan ako sa mga homework ko sa mga subjects ko. Teka, ang tanga ko, sweet na nga yon! Eh kasi naman…sige na, payagan na ako kahit konting landi lang.

Napatingin ako sa librong kabibili ko lang kanina sa National Bookstore. Isang cookbook. Sosorpresahin ko kasi sya at mag aaral akong magluto.

Balak ko na syang sagutin sa panliligaw nya sa akin. Pero hindi pa ngayon. Ilang linggo pa mula ngayon. At magluluto ako sa araw na yon. Bakit, mga nanliligaw lang ba ang pwedeng magbigay ng sorpresa? Dapat kahit yung mga sasagot din dun sa panliligaw.

Magiging napaka exciting ng araw na yun. Siguradong magugulat sya! hahahaha!

Pagpaplanuhan ko talaga yan.

**

Hey Guys!

Una sa lahat, hindi pa ito ang special chapter na tinutukoy ko. Sa totoo lang, sabihin na nating teaser lang ito. Pero syempre, alam nyo na kung ano ang mangayayari. Yes, sasagutin na ni Charity si Calleigh at don’t worry, isusulat ko ang chapter na yon.

Nagulat ba kayo na biglang may ganito?

As obvious as it is, may facebook na si Charity. Ang pangalan nya ay Charity Francisco tulad ng sinabi nya. Huge shoutout kay @missblueii na gumawa ng facebook account na favorite bitchy character natin na si Charity. Ito ang link sa fb nya: https://www.facebook.com/profile.php?id=100008470579197

Dahil may access din ako sa facebook nya, iuupdate ko rin ang buhay ni Charity sa college. Kaya sana, iadd nyo naman si Charity sa facebook. And malay nyo, makausap nyo sya. Maghanda nga lang kayo. Haha! No. Alam naman na nating mabait si Charity…ata…haha!

So, yun na muna and almost happy weekend sa lahat. Baka yung iba jan, kakagaling lang sa school. Yes! Friday na bukas. Haha!

Yun na muna.

See you sa special chapter.

PEACE.x

MsRedMonster

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now