Chapter 49: Ang pink na kahon.

2.8K 63 8
                                    

Charity Francisco.

"Anong ginagawa mo dito Sandra?" pabuntong hiningang tanong ni Calleigh kay Sandra.
"Hindi ba't ako ang dapat na nagtatanong nyan Lei. Anong ginagawa nyan dito?" nakataas kilay nyang tanong habang nakatingin sa akin. Sarap dukutin ang mata! Ang babaeng to!
"FYI lang Sandra. Nandito ako kaya pwede mo sakin yan itanong. Tsaka another FYI, hindi nako expelled kaya like it or not, babalik ulit ako dito sa skul." pagmamayabang kong sagot sa kanya kahit hindi ako ang kinakausap nya. Pasalamat sya nagpipigil pa ako ng galit ko sa lagay na yan.
"O ano ngayon? Porket akala mo alam mo na ang lahat--"
"Sandra..."
pigil sa kanya ni Calleigh. “Napag usapan na natin to. Kakagaling lang ni Charity sa ospital.”
Napakunot noo ako sa sinabi ni Calleigh. Anong ibig sabihin nya dun?
"At sino namang nagsabi sayo na agree ako sa gusto mo?" nakataas kilay nyang tanong.
"Sandra, hindi ito ang lugar para sa mga gusto mo. Wag ngayon."
"At kelan--"
"Tara na Charity."
bago pa man matapos ni Sandra ang sasabihin nya. Niyaya na ako ni Calleigh paalis.
"Ano bang pinag uusapan nyo?" pabulong na tanong ko kay Calleigh habang hinahatak nya ako.
"Wala yun." sagot naman nya habang patuloy akong inaakay paalis kay Sandra. Panay ang pagsigaw nito at pagtawag samin pero ni hindi sya nilingon pa ni Calleigh o hinayaan akong lingunin sya.

“Alam mo, hindi naman ako tanga eh.” Nakakunot noo na iniangat ni Calleigh ang ulo nya mula sa pagkain habang ngumunguya pa. Nandito kami sa condo nya. Wala naman kasi ang mga kuya ko sa bahay kaya sabi nya dito daw muna ako. As usual, kumakain na naman kami ng carbonara.

“Wala naman ako sinabing tanga ka ah.” sagot nya na para bang inaakusahan ko sya.

“Ang ibig kong sabihin ay yung kay Sandra. Ano bang meron sa kanya? Hindi ako tanga noh, alam kong may tinatago kayo sakin.” Kanina pa ako nag iisip kung ano bang meron sa echoserang Sandra na yon. Nakakainis lang kasi! Nakakainis na para bang may alam yung impaktang yon na hindi ko alam. Nakakadisturb sa feeling ah.

“Tss, yun lang pala. Wala yun.”

“Ayan ka na naman sa wala yun mo eh! Pag di ka nagsalita jan itutusok ko to sayong tinidor na hawak ko!” pasigaw kong sagot sa kanya sabay tutok ng tinidor ko.

“Sige, okay lang.” kibit balikat nyang sagot na parang wala lang.

“Isa Calleigh! Hindi ako nakikipagbiruan sayo ah.” warning ko sa kanya habang nakatutok parin ang tinidor.

“Bakit, hindi rin naman ako nakikipagbiruan sayo ah.” nakasmirk nyang sagot.

Nakakainis! Kung pwede lang talagang itusok sa lalaking to ang tinidor…naku! Siguradong ginawa ko na. Wala na tuloy akong nagawa kundi itusok nalang ang tinidor sa carbonara at isubo ito. Badtrip! Maka smirk naman ang lalaking to sakin, wagas!

“Hindi mo ba talaga sasabihin sakin?” tanong ko ulit matapos ang sampung minutong katahimikan.

Umiling sya sabay subo muli ng carbonara habang may mga nakakapanlokong ngiti.

“Sige, kapag hindi mo sinabi sakin, hindi na kita kakausapin.”

Agad nyang ibinaba ang tinidor na hawak nya. Ang mapanlokong mga ngiti, para bang bulang biglang naalis sa mukha nya.

“Imposible. Hindi mo magagawa yan.” Kalmado pero matigas nyang sabi.

Tumingin ako sa kanya saka bumuntong hininga. Inikot ko na agad sa tinidor ko ang natitirang carbonara sa plato ko saka ito agad na isinubo. Hindi pa man ako tapos ngumuya, tumayo na ako dala ang plato ko saka dinala ito agad sa lababo.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now