Chapter 51: Promenade

3.2K 67 8
                                    

Charity Francisco.

“Pfftt…Cha, ang panget mo talaga. Mukha kang espasol sa damit na yan.” Agad kong kinuha ang unan sa kama ko saka ibinato yon kay Kuya Cain.

“Peste ka talaga! Lumayas ka nga dito sa kwarto ko kuya!” sigaw ko sa kanya.

“Tatawag tawag ka tapos palalayasin mo ko? Panget Cha. Tawagan mo si Lei, wag ka na umattend.” Sagot nya ng may mga mapanlokong ngiti habang pailing iling pa.

Sarcastic akong ngumiti. Ang lalaking to. Kung kaya ko lang abutin yung zipper ng masikip na dress na to sa likod, hindi ko naman sya tatawagin eh.

“Lalabas ka o Palalabasin kita habang hinahampas nitong unan ko?”

“Psst, dito ka na nga Cain. Hayaan mo ng magbihis jan si Cha.” Sabay kaming napalingon ni Kuya Cain kay Kuya Abel. Ng mapalingon sya sakin.. “Pfft…” anak ng! Pinigil nya rin ang pagtawa nya.

“Ano ba! Okay naman yung damit ko ah.” sigaw ko sa kanila.

Prince and Princesses and theme ng JS Prom namin. Dahil busy si Ate Claire at kailangan nyang lumipad paibang bansa, binilhan nalang nya ako ng damit na magagamit ko para sa Prom. Inis na inis sya ng malaman nyang hindi sya makakaattend ng Prom namin. Sayang daw at hindi nya ma vivideo. Ewan ko ba dito sa dalawa kong ulupong na kapatid kung bakit sila natatawa kapag nakikita ako. White tube dress na may malaking puff sa baba at puno ng white and yellow laces ang gown ko. Maganda naman ah! Ewan ko dito sa dalawa kung bakit sila tawa ng tawa tuwing nakikita ako.

“Wala naman kaming sinabi ah!” depensa pa ni Kuya Abel kahit pinipigil parin nya ang pagtawa nya. “Tara na nga Cain.” Pailing iling pang tumayo si Kuya Cain habang tinutukso at pinagtatawanan ako. Adik! Nakakainis!

Hindi na ako nagpaparlor pa para makapag ayos papuntang prom. Sa totoo lang, ayoko naman talagang umattend, eto lang si Calleigh at Ate Claire ang mapilit. Ayoko ng sobrang straight na buhok kapag nasa prom, ayoko din yung usual bouncy curvy hair na kapag matapos na ang gabi eh naglalamugit na sa mukha yung buhok kakasayaw. Kaya naman, binraid ko ang buhok ko. Fishtail style ang braid ng buhok ko pakaliwa. Bumili rin ako ng mga maliliit na sequence na panlagay sa buhok para mas maganda. Ako na rin ang nag make up sa sarili ko. Yung simple yet elegant look ng parang sa mga Korean dramas na artista, ginaya ko lang sa youtube kung pano gawin ang ganung make up. Ayoko naman yung murderin pa ng mga bakla sa parlor ang mukha ko, baka mamaya, pagtingin ko sa salamin eh lumulutang na ang ilong ko sa sobrang pag conture.

After one hour, natapos din ako. Konting lagay pa ng foundation na may glitters sa balikat and tada! Mukha na akong ala prinsesa. Hm, maging Queen of the night kaya ako sa itsura kong to? Haha! Panigurado na yun! Hahaha!!

“Hoy! Anong tinatawa tawa mo jan? Nababaliw ka na? Andyan na yung sundo mo.” Agad akong napalingon ng biglang magsalita na naman si Kuya Cain mula sa pinto.

“Oo na. Sabihin mo pababa nako.” Hinawi ko pa ng konti ang buhok ko, sinuot ang glass high heels na binili sa akin ni Ate Claire at isang puti at maliit na pouch bag, lalagyan lang ng kung ano anong anik anik.

Ng makababa ako sa maliit at makipot naming hagdan, literal akong napatigil sa kinatatayuan ko ng makita si Calleigh.

Shet! Ang gwapo!

Suot nya ang isang black and gray shiny suit. Sa gilid ng suit nya sa bandang bulsa nito ay may white feather design ang nakalagay. Kulay gray ang neck tie nya habang kulay pink naman ang polong suot nya sa loob. The rest ng suot nya pababa ay kulay itim din at classy at shiny. At nasabi ko na ba? Ang aliwalas ng dating ng mukha nya. Para bang fresh na fresh!

A Hidden BitchNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ