As Charity bids goodbye.

2.8K 53 2
                                    

All good things must come to an end.

Matapos ang ilang buwang pagsubaybay sa kwento ng isang Charity Francisco, finally, natapos na rin sya.

Bilang author, mix emotions ako sa pagtatapos na to. Syempre masaya kasi nakatapos na rin ako ng storya, pero syempre malungkot din kasi sobrang mahal ko si Charity at Calleigh. Parte sila ng araw araw kong sistema para pagisipan kung ano ba ang susunod na mangyayari.

Pero ganun talaga, ng simulan naman natin ang librong ito, nag eexpect din naman tayo ng dulo di ba? At ngayon ng araw na yon.

Sobrang nagpapasalamat si Charity sa pagsubaybay nyo sa kwento nya.

Hindi man sya yung perpektong tao o karakter, minahal at sinuportahan nyo parin sya.

Maraming maraming maraming salamat!

Ngayong tapos na ang AHB, siguradong may mga tanong kayong baka nasa isip nyo ngayon at sana, masagot ko na sya ngayon. If ever meron pa kayong tanong na wala dito, pwede nyong icomment sa baba at sasagutin ko kayo.

Makakaalala pa ba si Charity? Since temporary lang ang sinasabing sakit nyo?

-           No. Never ng makakaalala si Charity. Isa yong bagay na ayaw ng alalahanin ng utak nya. Kung mangyayari yon, pwedeng lalo pang maguluhan si Charity sa buhay. Again, as a defense mechanism, hindi na yon mangyayari.

Nasan na sina Sandra, Beverly, Sarah, Jane, Isabelle, Maria, Bryan at Camille?

-           Si Sandra nangibang bansa na sya. Hindi yon isang bagay na binigyan ni Chariy ng emphasis kaya hindi nya namention pa yon. Sina Beverly, Sarah, Jane, Isabelle, Maria at Bryan, who knows, baka nasa ibang university na sila. Si Camille, nasa ibang university na rin sya pero may contact parin sila ni Charity. Sya ang naging tunay na kaibigan din kay Charity.

Naging magboyfriend-girlfriend ba si Charity at Calleigh?

-            Yes. Pero wala pa ang storya na ito sa parte na yon ng buhay nila kaya hindi ito nasulat.

Magkakaron pa ba ng book 2 ang AHB?

-           No. Bilang author nito, hindi na sya magkakaron ng book 2. Pero! Sisiguraduhin ko na gagawa ako ng mga special chapters na magpapakita kung ano ang nangyari sa kanila. Hindi pa man ngayon pero gagawin ko yun kapag…nandun na sila sa parte na yun ng buhay nila.

Sana nasagot ko ang mga maaaring mga tanong nyo. Again, if ever may tanong pa kayo, comment nyo lang ha.

Maraming maraming salamat sa lahat guys! Hindi nyo alam kung gaano ako kasaya na natapos ko ang storya na ito with 8.5K reads on the record, alam ko naman kasi na raw yan at walang pandaraya. Yung tipong walang pamimilit na basahin nyo ang storya na ito kaya baka maliit na number lang yan sa iba pero para sa akin, malaking bagay na yan. Salamat talaga!

At nga pala, dahil hindi ako agree sa No Soft Copies rule ng nakararaming authors sa wattpad ngayon. Magbibigay ako ng soft copies ng mga storya ko. Isa ako sa mga taong nag eenjoy sa mga soft copies at bumibili rin ng libro kaya, dun ako sa alam kong nakakaenjoy magkaron. Kaya naman, ipopost ko dito kapag may soft copy na ang AHB. Ipopost ko yon sa website ko na kasalukuyan nyong makikita sa profile ko. Pero, ipopost ko na rin dito ang link para mabilis nyong makita. Okie? Haha!

So, hanggang dito nalang ang lahat. Hindi ko naman pwedeng habaan pa ito hindi ba. *wipes tears*. Haha!

Mula kay Ate Claire, Kuya Cain, Kuya Abel, Manang Rosa, Beverly, Sarah, Jane, Isabelle, Maria, Bryan, mga umeekstrang kung sino sinong titser, at syempre, kay Calleigh Edmond Gonzales at Charity Francisco, thank you sa pagsama sa amin sa magulo, nakakatawa, nakakaloka at nakakakilig na kwento na ito.

This is MsRedMonster. Thank you and till next time!

Date Started: March 15, 2014

Date Ended: November 11, 2014

Love,

Ms. R.

A Hidden BitchOnde histórias criam vida. Descubra agora