Chapter 35: Doubtful of myself

2.9K 67 2
                                    

Charity Francisco.

“Ano bang nangyari?”

“Hindi ko rin alam. Basta bigla nalang syang hinimatay.”

Naririnig ko na nag uusap si Kuya Abel at Calleigh. Imumulat ko sana ang mga mata ko pero wala akong nagawa kundi ang pumikit at matulog muli. Anong nangyayari sakin?

“Baka naman nangyari to dahil sa nangyari sa kanya—“

“Imposible. Hindi naman dapat ganito kung yun nga.”

Iyon na naman ang pag uusap na narinig ko bago nawalan na naman ako ng malay. Anong nangyari? Anong yon? Ano bang tinutukoy nila?

“Ano pong nangyayari? Bakit hindi pa po nagigising ang kapatid ko?”

“Your sister is fine. Kailangan lang nya ng konting pahinga. But we need to thoroughly examine her head. We suspect na dahil na rin sa aksidente na nangyari sa kanya recently ang dahilan kung bakit nagbabalik na naman ang ganito nyang kondisyon. Pero wala pa namang anything worst. She is fine.”

Gising ako! Gising ako! Okay ako! gusto kong isigaw ang mga yon pero hindi sumusunod ang katawan ko sa gustong gawin ng utak ko. Bago pa man ako makagawa pa ulit ng konting paggalaw, nawala na naman ako sa sarili ko at muling nakatulog.

Nagising ako ng isang manipis at tila ba matalim na bagay ang gumuguhit sa ulo. Shet! Ano ba yun? Ang sakit nun ah! Sinubukan kong igalaw ang ulo ko at laking pasasalamat ko ng sumunod iyon sa akin. Unti unti ko ng naigalaw ang katawan ko, umpisa sa mga kamay hanggang sa mga paa. Mabagal pero naigagalaw na. Hindi sila masakit. Para ba silang nangangalay. Para bang matagal ko lang hindi naigalaw kaya ako nahihirapan.

“Gising ka na?” agad na bumungad sa harapan ng paningin ko si Calleigh. Teka, san sya nanggaling?

“Anong…ginagawa mo…dito?” mabagal at paunti unti kong tanong.

“Magpahinga ka muna. Wag ka umupo” pigil nya sa akin ng sinusubukan kong umupo.

“Nangangalay yung katawan ko…paupuin mo ako.” sagot ko. bakit parang nanlalambot ang buong katawan ko?

Tinulungan nya akong unti unting makaupo. Mabagal pero sigurado.

“Tubig.” Saad ko ng makaraamdam ako ng biglang pagkauhaw.

Agad na pumunta si Calleigh sa gilid na table at nagsalin sa baso ng tubig na nasa pitsel.

“Eto oh..dahan dahan.” Pag alalay nya parin sa akin.

“Sila Kuya?” tanong ko matapos ko uminom ng tubig.

“May pinuntahan lang.” sagot nya.

Malamang. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanila.

Pinress ni Calleigh ang isang button. Hinold nya yun habang sinasabing nagising na ako. Matapos ang ilang minuto, isang lalaking doktor ang pumasok sa kwarto ko.

“Hello Charity!” bati nya. Sa itsura nya mukha na syang lalaking nasa 40s. Kahit ganun, matipuno, matangkad at gwapo pa naman si dok. Para nga syang Hollywood actor sa mga napapanood kong pelikula.

“Calleigh..” pag address nya kay Calleigh sabay tapik nito sa balikat nya.

“Kamusta ka?” nakangiti nyang tanong habang nakatingin sa isang manipis na metallic folder. Suspetya ko ay tinitingnan nya ang record ko.

“Okay naman po.” Sagot ko. Nagugulat ako sa kung paanong sobrang light ang boses ko at kung gaano ring kanipis ang mga ito. Para talaga akong may malubhang sakit.

“Hmm. Okay naman ang test results mo.” Isinara nya ang folder at inilapag ito. “Let’s see.” Lumapit sya sa akin at tinapatan ng flashlight ang mata ko. Sa kanan muna bago sa kaliwa. “Oh wow, okay naman. All stable ang vitals mo. Pwede na kitang idischarge bukas.” Nakangiti nyang pag iinform sa akin.

“Bakit po ako hinimatay? Okay ba ako talaga? O…baka mamaya may nakatago akong malubhang sakit na hindi nyo makita?” seryoso kong tanong. Aba, mamamatay na nga lang yung naghihingalo at pumapanget pa. Ayoko kaya nun!

Pero seriously, kidding aside, aaminin kong nag aalala rin naman ako kung ganun talaga.

“No Charity.” Pinat nya ang ulo ko. “Pagod ka lang kaya ka hinimatay. It’s very common. Never ever drop your nutrition intake. Bumaba ang blood platelets and iron mo dahil kulang ka sa mga vitamins na kinakain mo. Mas alagaan mo lang ang sarili mo at magiging okay ka. I reassure you.” Sagot nya.

Mukha man dapat ko syang paniwalaan, hindi ko magawa. Genuine naman syang nakangiti, mukha namang authentic yung sinasabi nya. Pero, parang…

“Dahil lang po ba dun kaya ako hinimatay?” tanong kong muli, for confirmation.

Ilang segundo muna nya akong tiningnan.

“Bakit, may iba pa ba?” tanong nya na para bang ako dapat ang may alam sa maaaring sakit ko.

Aba, sino ba ang doktor sa aming dalawa dito? Ako ba?

“Hindi ko po alam. Pero..”

“Pero ano Charity?” tanong nya sa akin na para bang pinipilit nya akong sabihin ang pinupunto ko. Ano ba to, nakikipag away ba sya sakin?

“Pero may nararamdaman kasi ako dito..” sabay turo ko sa ulo ko. “May something na…matalim, manipis na gumuguhit dito sa ulo ko. Kaya ako nagtatanong.” Sagot ko ng nag aalinlangan pa. “May problema po ba dito sa ulo ko? May…” tumingin muna ako sa paligid, kay Calleigh na nakakunot noo pero hindi nakatingin sa akin. “malubha ba akong sakit na ayaw nyo sabihin sakin?” tanong ko ng may halong kaba.

Ilang segundo muna akong tiningnan ni dok. Para bang iniisip pa nya kung sasabihin ba nya o hindi. O baka ako lang naman ang nag iisip ng ganun. Pero bakit ganun nalang ang expression ng mukha nya? Para bang may tinatago sya sa akin na ayaw nyang malaman ko.

“Wala Charity.” Nakangiti na nya ring sagot. Agad na nagbago ang expression ng mukha nya mula sa tila ba naguguluhan papunta sa nakangiti at reassuring.

“Wala? Sure?” tanong ko parin.

“I’m very sure. If ever, we would tell you kung ano ang problema sayo. But for now, your alright and we can discharge you by tomorrow.” Sagot nya. “Now, if you’ll excuse me, marami pa akong gagawin. Maiwan na kita Charity.”

Tumango nalang ako kay dok at ngumiti. Nginitian nya lang naman si Calleigh at pinat ito ng mapadaan sya sa harapan ni Calleigh. Agad na napunta ang paningin ko sa direksyon ni Calleigh ng marinig ko ang pagsara ng pinto.

“May pagkain ka bang dala? Tomguts na ko eh.” Agad kong tanong sa kanya.

Matagal na nakatingin sa akin si Calleigh. Sa akin ba o sa direksyon ko lang? Hindi sya sumasagot sa akin na para bang lamanloob nya ang hinihingi ko. Ano namang problema nya?

“Huyy! Tulala ka jan!” winave ko ang kamay ko sa harapan nya para muling makuha ang atensyon nya.

Mahinang napailing si Calleigh, para bang nagbabalik na sya sa matino nyang ulirat.

“Ha? Ano yon?” tanong nya na parang hindi nya narinig yung tinanong ko sa kanya kanina.

“Sabi ko, kung may pagkain ka ba. Gutom na kasi ako.” sagot ko matapos ang isang buntong hininga.

“Ah…oo…oo..” sagot nya na parang naguguluhan parin.

Nakakunot noo lang ako habang inilalabas nya ang mga pagkain sa loob ng maliit na cabinet dito sa loob ng kwarto. Naguguluhan parin ako kung bakit parang ang shaky nya.

Parang weird…

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now