Chapter 38: Who did this?

2.5K 61 0
                                    

Charity Francisco.

Nagising ako ng may magandang mood sa umaga. Oh yes! Female campus representive 2014 is….tantananan….Charity Francisco! Hahaha! Natatawa parin ako pag naiisip ko yun.

“Huy! Ano na namang iniisip mo jan?” pinitik ni Kuya Cain ang noo ko. Nasa mesa pala kami at kumakain, nakalimutan ko kaka daydream.

“Keber mo? Wala ka na dun.” Sagot ko.

“Uy hatian mo naman ako sa cash prize mo. Kahit 2—“

“Birthday mo? Asa ka Kuya!” agad kong singit sa pagsasalita nya kasabay ng agad kong paglagok ng kape ko.

“Cha naman!”

Tumayo na ako agad sabay kuha sa bag ko.

“Wag ka na umasa…” sagot ko pa in a singsong tone. Wala rin naman akong pera ngayon, di ko pa kaya nakukuha yung price.

Agad na akong sumakay ng jeep papuntang school. Maaga kasing umalis si Kuya Abel kaya hindi na nya ako nahatid pa. Sa bagay, ayoko rin namang ihatid nya ko. Magmamayabang na naman yun sigurado dahil sa bago nyang kotse. Kahit ang tagal naman ng nabili nun.

Pagbaba ko ng jeep, agad kong natanaw sina Beverly, Sarah at Jane. Napakunot noo ako, ang aga pa pero nandito na sila. Aba, bago to ah.

Ngumiti na ako agad. Masaya akong papalapit para batiin sila.

Baka naman may pa surprise pa sila sa akin dahil nanalo akong campus representative ah. Asus! Di naman na kailangan nun. Though, kung maganda at mamahalin, sige kukunin ko na. Haha!

“Eve—“ hindi na ako agad natapos ng pananalita dahil biglang hinawakan ni Beverly ang buhok ko. “T-teka…anong nangyayari?” tanong ko habang tinatanggal ang kamay nya sa buhok ko.

Mahigpit ang hawak nya. Isang kamay lang pero nararamdaman ko hanggang sa anit ko ang palad nya, sobranggg higpit talaga kasi ng sabunot nya sa akin. Ano bang problema nya?

“Halika dito…Ms. Perfect girl.” Nakakapantaas balahibo ang boses nya. Nakakatakot na parang sa horror. At…bakit tinawag nya akong Ms. Perfect girl?

“Beverly ano ba!” sigaw ko habang pilit paring inaalis ang kamay nya mula sa pagkakahawak sa akin.

“Bilisan mo na bitch!” rinig ko pang sigaw ni Sarah.

“Kunyari ka pa...” dagdag pa ni Jane ng nararamdaman kong may bahid ng paghihiganti sa boses.

ANO BANG PROBLEMA NILA?

Mula sa gate, kinaladkad nila ako tuloy tuloy papunta ng gymnasium. Halos paa lang nila at ang lupa lang ang nakikita ko, dahil na rin sa pagkakasabunot nila sa akin. Yung anit ko!

Nagulat ako ng makitang maraming tao sa gymnasium. Sa estimate ko, parang lahat ng estudyante nandito.

Kinaladkad ako ni Beverly hanggang sa stage saka lang ako binitawan. Sumalampak tuloy ako agad sa sahig.

“ANO BANG PROBLEMA NYO?”agad kong tanong ng bitawan nya ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yung kirot ng ulo ko, yung pagod ng pagkakaladkad ng paa ko at yung kahihiyan na ginagawa nila sa akin ngayon.

Malakas akong sinampal ni Beverly. Nag echo ang sampal nya sa matahimik na gymanasium. Hindi nagsasalita ang mga tao. Para silang mga statwa sa tahimik.

“Shut the hell UP! Napakasinungaling mong babae ka! Mabait?” pumunta sya sa pader sa stage. May kinuha syang mga papel na nakadikit dun. “You. Are. The. Worst. Person. Na nakilala ko.” pagkatapos nya sabihin nun. Inihagis nya sa harapan ko ang mga papel na hinawakan nya.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now