Chapter 30: Lost

2.9K 68 4
                                    

Charity Francisco.

“Rebecca itigil mo na to! Itigil mo na ang sasakyan!”

“Hindi! Ito ang kabayaran mo sa lahat ng pagtataksil na ginawa mo sakin! Magdusa kayog pareho ng—“

Agad akong napabalikwas at napahawak sa ulo ko. Ano na naman ba yun? Crazy Nightmares.

Sinubukan kong gumalaw para umupo pero hindi kaya ng katawan ko. Masaki tang katawan ko mula ulo hanggang paa.

Matapos ang ilang segundo, doon ko nalang nailibot ang mga mata ko. Napakunot ang mga nook o ng makita ko kung gaano kadilim ang paligid. May konting ilaw na nanggagaling sa buwan pero puro puno lang tuloy ang nakikita ko.

“Gising ka na pala..” napalingon ako sa kanan ko. Parang mula sa kung saan nanggaling si Calleigh habang may hawak na flashlight.

“Anong nangyari? Anong nangyari sayo?” pilit ko mang sinusubukan na magsalita, mapapansin pa rin na nanghihina ako.

Umupo sya sa tabi ko. May malaking sugat sya sa kanang bahagi ng noo nya. Hindi koi to masyadong makita at parang ayoko ng makita pa ng malinaw dahil parang ang laki nito at nakakadito. Ayoko sa mga sugat.

Meron ding tela na nakapalibot sa katawan nya para mahawakan nito ang kanan nyang kamay, parang sa may mga pilay.

“Nahulog tayo sa bangin. Hanggang ngayon hindi pa rin tayo nakikita. Kamusta ang ulo mo?” tanong sya sabay kapa sa ulo ko. May tela pala ako sa ulo, hindi ko agad napansin.

“Masakit, parang makirot.” Sagot ko. “Pero ang katawan ko, parang di ko magalaw.” Dagdag ko pa ng para bang malalagutan ako ng hininga. Nahihilo pa kasi talaga ako.

“Tiningnan ko, nabugbog kasi halos ang katawan mo nung nahulog tayo kaya ang dami mong pasa at sugat. Pero ok lang naman.”

“Teka, tiningnan mo ang katawan ko?” agad kong tanong.

“Oo.”

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ko rin naman kaya ang makipagtalo pa.

“Anong oras na nga pala?” tanong ko nalang.

“1am” sagot ni Calleigh matapos tumingin sa relo nya. “Halos siyam na oras na tayong nawawala” dagdag pa nya.

“Ang bobo nila. Ang bagal nilang maghanap.” Bulong ko habang tinitiis ang pagkirot ng kanang bahagi ng katawan ko.

“Masukal yung gubat tsaka malalim talaga yung pinagbagsakan natin. Sa tingin ko mahihirapan talaga silang hanapin tayo.” Sagot nya.

“Kahit na—ah!” napatigil ako sa pagsasalita ng kumirot ito. Para bang karayom na itinutusok sa tagiliran ko. Manipis, makirot, malalim.

“Magpahinga ka na lang. Wag ka na munang magsalita.” Saad nya.

Wala naman akong nagawa kundi manahimik. At bumuntong hininga.

“Calleigh..” tawag ko sa kanya matapos ang ilang minutong katahimikan.

“Hmm?”

“May pagkain ka ba dyan?” mahina kong tanong.

Napangiti sya.

“Bakit? Gutom ka na?”

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now