Chapter 33: One Lucky Bastard

2.8K 54 2
                                    

Charity Francisco.

 

“Charity, I have looked through your test and quizzes and I’m afraid…masyadong mababa ang scores mo para mo maretain ang position mo as a one of the top students sa level mo.” Malumanay na saad ni Mrs. Veneracio, advisory teacher ko.

“So, wala nap o bang magagawa para dun?” parang nag aalangan ko ring tanong. Kahit naman pasalit salit na pang 9th or 10th lang yung pwesto ko, medyo importante pa rin naman yun para sa akin. Medyo lang.

“Of Course meron naman. You are a very special student Charity and alam naman namin na kahit take home tests and quizzes yun, you are still on the verge of recovering from your accident. Kaya, we decided na mga teachers mo na bigyan ka ng retake for your exams.” Paliwanag ni ma’am.

“Okay Ma’am, okay po sa akin yun.” Pag agree ko.

“Okay. So, what do you want? Remedial class every Friday afternoon o every Saturday?”

Napanganga ako sa offer ni Ma’am. So kailangan ko palang mag remedial class. Akala ko pa naman pwede na ang sariling sikap.

“Every…Saturday nalang po siguro Ma’am. MAsyado na pong loaded para sa kin kung tuwing Friday pa.” tsaka para may extra baon na rin ako.

“Okay Charity. 8am to 12pm sa Saturday na ang start, I guess sa library nalang. Ako nalang ang magbibigay ng extra lessons sayo.”

“Okay Ma’am.” Tumayo na ako para umalis. “Thank you Ma’am.”

“Thank you din Charity.” At tuluyan na akong lumabas ng teacher’s office.

Busying busy ang school namin para sa mga upcoming events na mangyayari. Malapit na ang 4th monthly exam namin, ang pangalawa sa huling exam bilang 4th year highschool. Para naman sa akin, kailangan ko pa iretake ang 3rd Quarter exam namin. Sobrang hassle!

Bukod pa dun, patapos na rin ang campus representatives event ng schoo namin. Nag umpisa na nilang iorganize ang pagpapalabas ng mga ginawa namin sa farm at pagkatapos nun, magpipilian na kung sino ang mananalo. Pagkatapos pa pala nun, may JS prom paa palang dapat asikasuhin tapos graduation. Napakabilis ng panahon, patapos na pala

kami sa highschool.

Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang sumulpot sa harapan ko.

“Hello Charity.” Bati nya sa akin suot ang all time mischievous smile nya.

Sino pa ba kundi si Bryan, the pretentious bastard.

“Hmm, mali, one lucky bastard pala.” Hindi ko napigilang maibulong.

“Ha? Anong sabi mo?” tanong nya sa akin para iconfirm kung ano ang sinabi ko.

“Wala. Ang sabi ko, one lucky man. Nabalitaan ko kayo na daw ulit ni Eve ah?” pag iiba ko ng usapan.

“Well..” nagkibit balikat pa sya na parang proud na proud pa talaga sya. “Para sayo pala.” Abot nya sa akin ng tatlong pirasong rosas na nasa plastic ng mga pang cheap pretentious bouquet.

“Para san yang mga gulay mo?” tanong ko ng hindi iyon kinukuha at naka cross arms lang.

“Cha naman! Roses to. For you syempre! Alam mo namang crush na crush kita di ba?” pang uuto nya ng may mga nakakapanlokong ngiti.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now