Chapter 22: The shocking destination

3.2K 79 4
                                    

Before anything else. I want to dedicate this chapter to @theblueskywalker for making covers for me for an upcoming book that is yet to be publish. Thank you so much!

**

Charity Francisco.

 

Katulad ng mga finger prints, may uniqueness at pagkakaiba ang mga tao pagdating sa mga opinyon at perspektibo.

Hindi ako impokrita. Alam kong maganda ako pero alam ko sa sarili ko kung ano ang mga ayaw at gusto ko.

"Ma'am! Bakit naman po dito tayo sa stinky and dirty place mag ooutbound trip?" rinig ng lahat na reklamo ni Isabelle.

I am not a nature hater. Siguro, wala lang akong oras pa para iappreciate sila.

Pero bakit naman dito pa sa...

"Isabelle, this is THE Lionel Farm. For sure mag eenjoy kayo dito and this place is highly maintenanced, malinis dito." nakangiting sagot ni Ms Gomez.

Farm. I hate Farms. I hate animals and their smells. I hate it here!

Pero ayoko namang magmaktol pang tulad ni Isabelle. Better to keep it myself. Tama.

"Mga bata, sundan nyo ko at dadalhin ko kayo sa mga magiging kwarto nyo. Tara!" nakangiting yaya ni Ms. Gomez.

"Smile naman jan." nakangiting bulong ni Calleigh sa akin.

Napatingin ako sa kanya.

"Pano ako makakangiti kung ganito naman ang lugar na pinuntahan natin." pabulong na sagot ko habang sumusunod kami sa lahat.

"Okay naman dito ah. Tsaka.." lumapit sya sa akin ng may mga nakakalokong ngiti. "Magkasama naman tayo." dagdag nya sabay lakad palayo.

Ano daw sabi?

Ay! Wag na nga lang pansinin. Weirdo eh.

"Charity! Tara na!" nagulat ako sa tawag ni Calleigh.

"Oo na." sagot ko sabay mabilis na sunod sa kanila.

**

"Okay Girls, dito ang magiging kwarto ninyo. Mamili nalang kayo kung saan in particular okay?!" announce ni Ms. Gomez sabay alis agad.

Isang wooden house ang bahay na nandito. Hiwalay ang bahay ng sa mga babae at lalaki. Dalawa ang kwarto sa baba at isa naman sa taas. Nai-tour na kami kanina kaya alam ko.

Nagulat ako ng mapansin kong wala na pala ang mag pinsan sa tabi ko.

Ayun! Nagtig isa na pala sila ng kwarto dito sa baba. Hindi man lang ako tinanong kung san ko gusto mag kwarto. Hmph! Sa taas na nga lang ako. For sure, mas masaya dun! Ha!

Agad akong umakyat sa taas at inayos ang gamit ko.

"Students! Baba na lahat, may meeting tayong gagawin! Wear comfortable clothes!" rinig kong sigaw ni Ms. Gomez.

Hindi ko napigilang mapa roll eyes. Anubayan! May gagawin na naman kami. Hindi pa nga ako nakakapagpahinga. Pero dahil no choice, pinili ko nalang na magpalit ng damit. Loose shirt at shorts ang suot ko kapartner na rin ang isang black three fourts boots.

Pagbaba ko, agad akong napahawak sa bibig ko para magpigil ng aking tawa. Ang mag pinsan kasi, nagpalit nga ng damit pero sleeveless sando parin at super mini micro short with heels. Ah bahala sila!

"San daw tayo Charity?" tanong ni Isabelle.

"Kabababa ko lang din. Hindi ko alam."

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now