Chapter 6: The new slave slash maid

6.5K 136 5
                                    

“Seryoso ba to? Anong balak mo sakin? Maging katulong? Prinsesa ako sa bahay tapos gagawin mokong katulong?” inihagis ko sa kanya ang kontratang pina LBC pa nya sa bahay. O edi sya ng magastos, pwede namang iabot nalang sa school pina LBC pa nya. Nandito ako sa condo nya ngayon, aba, mayaman pala tong weirdong smirking face na to, akalain mong dito pala sya sa Blue Diamonds condominium tumitira, kung hindi nyo naitatanong, sobrang mahal at laki ng mga unit dito. Milyones panigurado ang bayad. Nandito kami sa balkonahe nya, pasarap sa buhay, patingin tingin lang sa view ng manila bay. Tsk!

“Anong palagay mo sakin nagjojoke?” humigop pa sya ng kape mula sa tasa. “Seryoso ako, magiging katulong kita..” at naglabas na naman sya ng kanyang infamous smirking face.

“Tingnan mo nga to..” kinuha ko ulit ang kontrata sa mesa. “Number one, ‘Kailangang gawin ni Charity ang LAHAT ng iuutos ni Calleigh.’ Anong palagay mo sakin? Ano to, pag sinabi mong tumalon ako sa building tatalon dapat ako…” tanong ko sa kanya.

“Di ba napagusapan na natin yan?” inilapag nya ang tasa nya sa mesa. “Inuuna mo kasi ang maisahan ako ng sinabi ko yan. Hindi mo tuloy naintindihan..”

“I’m not, you weird smirking face! Hindi ko gagawin ang lahat ng gusto mo---“

“You’re violating the second rule..”

Ha? Tiningnan ko naman yung kontrata.

Hindi pwedeng sumagot si Charity kay Calleigh o makakatanggap sya ng isandaang pitik sa noo bilang parusa.

“Napaka-lame mo Calleigh ah! Anong isandaang pitik ka ja---“ tumayo sya at pinosisyon ang mga daliri nya.

“Uumpisahan ko na ba ang isandaang pitik mo?” nakasmirk nyang sabi habang nakatapat ang pitik position nyang kamay sa noo ko.

“Okay fine hindi na sasagot…” hinawi ko ang kamay nya at kinoveran ang noo ko.

“Number three, eto hindi talaga ako papayag” I warn. “ ‘Kailangang gawin ni Charity ang LAHAT ng assignment ni Calleigh.’ Ano to? Excuse me lang Calleigh ah, gusto ko lang sabihin sayo na mas matalino ka sakin, bakit kailangan ko pang gawin ang lahat ng assignment mo?”gusto lang ba ng lalaking to na pahirapan lang ako, kakaiba rin ang trip nya sa buhay ah.

“And so?” he said mimicking me. “Eh sa gusto kong ikaw ang gumawa nun..” he said naturally.

“Pero---“ I was cut off. Itinaas na naman nya kasi ang kamay nyang nakapitik position. Tsk!

Okay fine. Mamaliin ko nalang lahat ng assignments nya. Hahahahha!!!

“Number four, ‘Tuwing sabado, si Charity Francisco ay dapat na maglinis sa condo unit ni Calleigh Edmond Gonzales ng isang buong araw bilang kanyang bitchosang katulong.’ Grabe ka! Wala man lang ba akong pahinga? Gusto mo maglilinis pa ako ng sabado dito? Prinsesa ako sa bahay FYI lang. Hindi ako marunong maglinis.” I honestly tell him. Sa totoo lang, hindi talaga ako naglilinis.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now