Chapter 4: Slave

6.1K 154 9
                                    

"What the hell Calleigh?" sigaw ko sabay mabilis na takbo sa blackboard. Mabilis kong tinanggal ang lahat ng nakadikit na papel dun. Seriously, what the f*ck?

"Gusto ko lang malaman mo na seryoso ako sa gusto ko Charity.." nakasmirk nyang sabi. Tiningnan ko lang sya ng masama at mabilis na pinagtatanggal ang napakadaming Xerox copy dun. Mabilis ko iyong nilukot at ipinasok sa bag ko. Ayoko sa basurahan, baka may makakita pa, mahirap na.

"Oh, check mo yung bulletin board, baka meron pa dun..." napatingin ako ulit sa kanya. What the hell? Pati sa bulletin board? Nakakainis tong lalaking to! Agad agad kong sinara yung bag ko, buti nalang back pack to at agad na tumakbo. "Hahhaha!!! Joke lang yon Charity.." lumabas sya sa kwarto at napigilan ako ng nasa hallway na ko. Mabilis akong lumapit sa kanya, itinulak sya papasok ng room at agad sinara ang pinto at nilock, buti nalang sarado pa rin yung isang pinto sa likod ng room.

"Ano bang gusto mo?" sigaw ko sa kanya.

"Di ba sinabi ko na sayo? Akala mo ba hindi ako seryoso?" niliitan pa nya ako ng mata.

"What the f*ck Calleigh?! Ano bang mapapala mo kung maging slave mo---"

"Oops, as my slave, you're not allowed to curse.." sobrang kalmado nya at ng nakasmirk lang nyang mukha. Gusto ko na syang ilublob sa kawa ng mainit na tubig ngayon sa sobrang inis ko!!!

"F*ck you!" I bursted out. Naiinis na talaga ako ng sobra. "I will never be your—"

"One more curse Charity, mawawala ang lahat ng meron ka sa eskwelahang to.." I was taken aback by his seriousness.

Wala na lang akong nagawa kundi maihilamos ang mga kamay ko sa mukha ko. Sa sobrang inis ko, tumalikod muna ako at sinabunutan ang buhok ko, yung hawak na mahigpit lang sa buhok. Walang headbang and anything dahil hindi ako baliw! Humarap lang ako nung medyo, as in konting konti lang, na nabawasan na ang galit at inis ko.

"Ano bang gusto mo? Ang maging girlfriend ako?" this monster surely knows how to watch stupid romance dramas.

"Wow Charity, pag slave ba girlfriend agad? Ang taas naman ata ng pangarap mo?" for the second time around, I was taken aback. Nakakainis dahil napahiya ako. Hmm! Sarap mangutos!

"Then what do you want?" I shouted full blown.

"Slave nga. Ano ba sa salitang slave ang hindi mo maintindihan?" he said with a f*cking smirking face.

"Slave? As in katulong?" grabe, prinsesang bitchosa ako sa bahay tapos gagawin akong katulong netong smirking face na to?

"Yes." Lumapit sya sa akin. "slave," lapit. "katulong," lapit. "muchacha.." he said looking straight in my eyes with a weird smile, parang may meaning pero ewan ko sa weirdung to.

"Okay fine!" itinulak ko sya. "Slave mo na ako. Pagsawaan mo ko! Pero sinasabi ko sayo," lumapit ako sa kanya. Itinuro ko pa ang hintuturo ko sa tapat ng mukha nya, parang nagwawarning. "Ako ang bitchosang katulong mo..." I said and walk away. Bwiset na lalaki yon. Baka pag hindi pa ako pumayag, mapahiya talaga ako dito school. Mahirap na, mukhang seryoso talaga sya.

"Oh, san ka pupunta? Bit-bit-bitchosang katulong ba yon?...ko?"napatigil ako sa paglalakad sa hallway ng magsalita si weirdong smirking face. Humarap ako sa kanya saka nagfake sarcastic smile.

"Tatae sama ka?" pang aasar ko. Nginitian nya lang ako saka nagsalita.

"Ganun ba? Ah wag na. Daan ka ng canteen pagtapos mo tumae ha, bili mo ko ng pagkain. Sige na, Happy disposing!" kumaway pa si weirdong smirking face. Sinamaan ko nalang sya ng tingin saka tumalikod at naglakad palayo.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now