Epilogue

3.6K 74 3
                                    

Charity Francisco.

Tumingin ulit ako sa relo kong kulay pink. Ughh… ang usapan 7:00am tapos 8:00 am na wala pa siya! Walanghiyang lalaki yan! Laging late!

Walang humpay ang pagkuyakoy ko habang naka cross arms sabay tingin na naman sa cellphone ko. Wala parin. Walang tawag. Walang text. Nasan na ba siya? Papatayin ko talaga ang lalaking yon!

Napatingin ako sa kanan ko. Sa wakas! Matapos ang isang oras na paghihintay, dumating na rin ang lalaking sanhi ng pagkainis at pagtaas ng presyon ko sa napakaagang umaga.

“Anong oras na? Bakit ngayon ka lang?” bulyaw ko sa kanya.

Pinagpapawisan na ang noo nya at mabilis ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nya dahil na siguro sa pagkahingal.

“Sorry. Tinanghali kasi ako ng gising.” Sagot ni Calleigh.

“Aish! Sabi mo sabay tayo mag aalmusal. Hindi ako nakapag almusal dahil sayo!” naiinis kong sigaw ulit sa kanya.

“Sorry na. Eh..” tumingin sya sa relo nya sa wrist. “May 10 minutes pa naman. Bili tayo ng tinapay sa canteen tapos kumain ka nalang sa klase.” Suhestyon nya.

“Hay nako. Igaya mo pa ako sayo.” Sagot ko kasama ang isang roll eyes. “Mamaya nalang pagtapos ng klase natin. At siguraduhin mong libre mo ha.” Pagbabanta ko sa kanya.

“Oo. Sige sige.” Nakangiti nyang sagot.

“Sige.” Sagot ko din sa kanya.

Matapos nun, naghiwalay na kami ng daan na pupuntahan. Ako sa kanan habang si Calleigh naman sa kaliwa. Nasa university na kami ngayon. Nag enroll kami sa isa sa mga sikat na kolehiyo ng bansa. Engineering ang course ni Calleigh habang European literature naman ang sa akin, hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang interes ko kaya yan nalang. Mukha naman atang kaya at madali.

Hindi kami yung tipo ni Calleigh na intensyong magsama sa klase dahil lang…well, dahil lang meron kaming “pagkakaintindihan”. Gusto nyang maging engineer, ako naman walang direksyon sa buhay kaya ayan. Okay nalang din, may cross enrolment naman para sa mga floating subjects.

Naging mabilis ang unang bahagi ng araw ko. Lunch kami magkikita ni Calleigh para ilibre nya ako dahil late sya kanina.

“Late ka na naman..” puna ko sa kanya ng makarating na sya dito sa canteen.

“Medyo extended kasi yung prof.” sagot nya kasabay ng pagupo nya opposite sa kinauupuan ko.

“First day palang extended agad?” tanong ko ng medyo nagdududa pa kuno.

Natawa sya. “Ganun talaga. Tsaka galing kaya ako sa kabilang side ng university. Naglakad pa ako syempre.”

Sa bagay. =______= Minsan isip isip din kasi Charity, 5 mins lang naman syang late.

“O, ano naman bang lunch natin?” tanong ko para maiba na ang usapan.

“Buti nalang niluto ko na to kagabi. Kundi bibili lang tayo ngayon.” Nakangiti nyang paliwanag habang nilalabas ang mga lunch box sa bag na dala nya. May backpack na syang dala ngayon. Dati halos ballpen lang wala pa ata syang dala.

Ng buksan nya ang mga lunch box. Literal akong nanlambot sa bango ng mga pagkaing dala nya.

Kanin. Caldereta. Adobong Manok. May dessert pa ng chocolates. At meron pang orang juice na dala. Kumpleto!

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now