Chapter 7: Let's play basketball.

6K 123 4
                                    

A/N

Guys, sorry natagalan. Major Major writer's block and tinodo ko lang ang nood ng i hear your voice, master's sun at heirs ng sunod sunod. haha! Anyway, eto na po. :)

####

5 am pa nagising na ako. Ang salarin, ang maingay na manok na kapitbahay namin. Hindi na ako nakatulog pa ng magising ako kaya kumilos nalang ako at naghanda sa pagpasok, tutal, mabibigyan naman na ata ako ng school ng early bird award sa aga ko gumising.

Sinuot ko na ang uniform ko, nag braid na ako ng buhok, yung pa headband style, naglagay ng konting powder at lipbalm. Gorabells na, maganda naman na ako. Haha! Naabutan kong kumakain na ng almusal si Cain. Maaga pa kasi ang pasok nila.

“Oh Cha, kain ka na dito…” yaya ni Cain. Di ko lang naman sya pinansin at umupo na sa usual na upuan ko. Well, galit parin ako sa kanila ni Abel sa mga arte arte nila sa buhay nilang dalawa. Tingnan nyo naman, kahit sa isip lang wala akong respe-respeto. Kumuha ako ng hotdog, tinapay, sunny-side up egg at bacon. Buti nalang masarap ang niluto nila. Kung hindi…

“Oh Cha, buti gising ka na..” napatingin lang naman ako kay Abel na galing sa kusina at may dala dalang pitsel.

“Obvious ba..” bulong ko nalang.

Tahimik kaming kumain, well, tahimik akong kumain. Silang dalawa, akala mo kung sinong mababait at ang sarap ng kwentuhan ng tungkol sa basketball. Malay ko dun…Nakuha lang ang atensyon naming lahat ng tumunog ang cellphone ni Abel.

“Hello?” sagot nya dito. “Oh Ma?!” agad akong napatingin sa kanya, kaming dalawa ni Cain. Agad akong tumayo at kinuha ang plato ko saka diretso sa kusina.“Opo, nandito..” rinig ko pang sabi nya. Agad kong isinubo ang natitirang bacon sa plato ko saka iniwan sa lababo ang plato at naghugas ng kamay. Uminom ako ng tubig saka nagdiretso sa sapatusan at kinuha ang sapatos ko.

“Cha, ikaw naman daw kakausapin ni Mama…” napalingon ako ng nakaextend ang braso ni Cain hawak ang cellphone ni Abel.

“Busy ako, nagmamdali ako..” sabi ko habang mabilis na sinusuot ang sapatos ko.

“Saglit lang, hindi ka pa naman late di ba? Kausapin mo na.” tumayo pa si Abel saka iniaabot sa akin ang cellphone nya. Agad akong tumayo ng matapos na akong magsapatos saka kinuha ang bag ko, buti nalang hinahagis ko lang to sa sala kaya madali kong nakuha.

“Malelate na ako…” mabilis kong sabi sabay labas ng bahay.

After how many two months ngayon lang sila ulit tatawag. Oh puhleassseee…anong sasabihin nila sakin? Na busy sila? Ano ba naman yung isang tawag lang every week di ba? Or even once in a month, hindi ba pwede yun? Kung gaganyan ganyan sila, kung busy sila para tawagan kami. Pwed, busy rin kami para sagutin ang mga tawag nila. Hah! Hindi sila sobrang importanteng tao na sila lang ang may karapatang magsabi na busy sila. Busy din ako…hahahhaa!!!

As usual, maaga akong nakarating sa school. Wala pang tao, mabuti naman. In two hours pa ang klase ko, kaya janitor palang ang mga nandito. Mabuti na yun. Sa totoo lang, masarap ang hangin sa school pag umaga, nakakaganda ng pag iisip ang masarap na hangin sa umaga.

“Kuya, makikihiram lang po sana ng bola…” paalam ko kay Manong janitor.

“Ah sige. Paki fill-upan lang muna ito” inabutan nya ako ng log-book. “para mapahiram kita.” Kinuha ko naman yung logbook. Nag fill up ng pangalan, student number, year level and section tsaka signature habang si Manong janitor ay kinuha yung bola ng basketball. Try ko lang mag shoot shoot sa court tutal wala pa namang tao.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now