Chapter 10: Claire Gonzales

4.9K 107 9
                                    

“Claire Gonzales, kapatid ni Calleigh..” muling pagpapakilala nya kasama ng isang sweet na ngiti.

Nakatingin parin ako sa kanya. May ganito palang kapatid si Lei, ang ganda…ay teka, eto na nga, kukunin ko baa ng kamay nya at makikipag shake hands. Teka, close ba kami? Tsaka ano naman kung kapatid sya ni Lei? Kilala nya ako? Hindi kaya…hindi kaya….naging sobrang daldal ni Lei at sinabi nya sa ate nya ang tungkol sa notebook ko? kaya ba kilala ako ng babaeng ito? Oh hindi! *>______<*

“Claire! Ano bang ginagawa mo?” nagising lang ako sa pagiisip ko ng pumasok si Lei at harapin ang kapatid nyang elegante.

“Oh brother! Nagpapakilala lang dito kay Chastity…” ngek! Ano daw? Tama naman yung pagkakasabi nya ng pangalan ko kanina ah. Anyare?

“Chastity ka jan…tara na nga…” pilit na hinigit sana ni Lei ang babae pero hindi nya ito kaya. Isa po syang amasona…pero at least, amasonang maganda.

“Hindi ba Chastity? Ah! Clarissa! Tama di ba?” ngek.

“Ah..h-hindi po Clarissa---“

“Umiral na naman yang pagiging ulyanin mo…” bulong ni Lei. “Charity. Cha-ri-ty.” Mabagal pa nyang sabi na parang nagtuturo sa bata. “Charity lang hindi mo pa masabi..”

“To naman! O edi Charity. Hi Charity..”cute pa nyang winave wave ang kamay nya sa hangin.

“Hi po!” naiilang na ngiting sabi ko sa kanya.

“Okay class! Everybody go back to your proper---excuse me, sino po sila?” biglang pumasok yung teacher namin. Nakita nya agad ang kapatid ni Lei kaya tinanong agad.

“Claire Gon—“

“Kapatid ko po Ma’am” singit ni Lei.

“Ah hello po,” parang naintimidate na bati ni Ma’am.

“Hi po! Pwede ko po ba munang hiramin si Calleigh sa araw na ito?” pagpapaalam nya.

“Huh? Ah—“

“Pati po itong si Charity,” lumapit sya sa akin at hinigit ako patayo.

“Claire!” pabulong na saway ni Lei sa kapatid nya pero parang hindi nito sya narinig.

“Thank you po!” at hinigit na nya kami palabas ng classroom.

Agad na kinalas ni Lei ang pagkakahawak ng kapatid nya sa kanyang braso.

“Claire! Ano bang---“

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now