Chapter 27: The final activity

2.9K 69 0
                                    

Charity Francisco.

"Hah!" mula sa banyo, nagulat si Maria ng makita ako. "Anong nangyari sayo Charity? Bakit mukha kang multo? Ang panget mo."

Tumitingin na nga lang nagrereklamo pa. Dukutin ko mata nya jan eh. Kahit naman ganito ang itsura ko, di hamak naman na mas maganda parin ako sa kanya.

Pero hindi. Pinigil ko ang sarili ko. Ayokong bumaba sa level lang ng babaeng ito.

"Umaga kasi Maria." nagpipigil kalmado kong sabi.

"Bakit naman ako. Magandang maganda parin." sagot nya sabay hawi ng maraming split ends nyang buhok.

"Edi ikaw ng maganda." nilagpasan ko nalang sya at naglakad papuntang banyo.

"Tala--Aray!" napalingon ako kay Maria. Natalisod ang gaga.

"Buti nga.." bulong ko.

"Ano yon?" narinig ata ni Maria.

"Wala!" sigaw ko sabay pasok na sa banyo.

"Hah!!"

Pagpasok na pagpasok ko sa banyo. Agad akong nagulat sa repleksyon na nakita ko sa salamin.

Ang panget ko nga. Sobrang laki ng dark circles sa ilalim ng mga mata ko. Yung mismong mata ko nangangalumata na habang yung kabuuan ng mukha ko, mukhang dehydrated na one month hindi nakainom ng tubig. Ang panget ko talaga! Eew!

Kasanan to ni Calleigh! Dahil sa pesteng confession na ginawa nya kagabi, hindi man lang tuloy ako dinalaw ni Mr. Sleepy Sleepy kahit 5 minutes lang.

Iniisip ko kasi kung tama ba ang naging reaksyon ko sa ginawa nya. Tama ba na nag tapang tapangan at siga sigaan ako kahit alam kong may something akong nararamdaman sa kaloob looban ko? Hindi pa naman ako talaga sure kung ano yun pero...alam ko naman na...genuine,loyal, at totoo sa akin si Calleigh. Pagdating sa bagay na yun, alam kong sigurado ako.

Pero hindi! Mali pa rin ang ginawa nya kahit para sa akin yun. Hindi ako dapat kiligin.

Ano ba talaga? Ang gulo!

Matapos maligo, maglagay ng konting make up sa mukha para matakpan ang kapangitan ko at magbihis ng mas komportableng damit, lumabas at pumunta na rin ako sa field para sa final activity namin. Tapos, uwian na bukas! Yehey!

Pero bago ang lahat, eto ako, papasok na sa awkward zone.

Nakapwesto na ang lahat habang ako at si Ms. Gomez nalang ang wala. Naglakad at tumayo na rin ako sa tabi ni Calleigh. Awkward man, wala naman akong magagawa dahil nga partner ko sya.

"Okay ka lang ba?" bago pa man nya mahawakan ang kaliwa kong pisngi, agad ko na tong iniwas.

"Okay lang ako." tipid kong sagot.

Mahina pa syang bumuntong hininga saka bumalik sa orihinal nyang pagkakatayo, hindi nakatingin sa akin.

Maya maya pa, dumating na rin si Ms. Gomez kasama ang tatlong lalaking malalaki ang katawan. May dala silang malalaking bag. Madalas kong makita sa mga hikers sa tv ang mga ganung bag.

"Welcome students! Today is the final task for our activity. Oh, how sad di ba?" at hindi ako nalulungkot dahil dun. =___= "Sa huli nating activity o task, dito pagsasama samahin ang lahat ng activities na ginawa natin last time. Kumbaga, preparation lang ang mga nakaraang activity para sa activity na ito. Your intelligence, patience, strength and teamwork will be put to test. At dahil ito na ang huli, kailangan, bongga tayo."

A Hidden BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon