Special Chapter: The beginning of an end

4K 89 11
                                    

Charity Francisco.

"Calleigh calling.."

Muli kong tiningnan at sinimangutan ang cellphone ko. Pang ilang tawag na yan ni Calleigh pero hindi ko parin sinasagot. Magsama sila nung babae nya. Kung makadikit yun sa kanya, parang linta tapos ngayon kasama pa nya. Ha! At ano naman kayang palusot ang sasabihin ng lalaking yon.

Kapag hindi maganda ang palusot nya...naku! Patay talaga sya sa akin.

Naputol na naman ang tawag. Tapos, ilang segundo lang, tumunog ulit ito.

Wow, pursegido. Pakipot nga ako ng konti para naman pang ganti sa pagiging late nya. Ngayong iniisip ko kasi, hindi naman talaga ako galit. Oo, kahit may kasama syang lintang babae. Kilala ko naman kasi si Calleigh, hindi sya yung malanding klase ng lalaki kaya paniguradong may palusot yon.

Tulad nga ng sinabi ko, gandahan lang talaga nya dahil kung hindi, babatukan ko talaga sya.

Inihagis ko ang cellphone ko sa kama. Pakipot Charity. Pakipot ka muna. Hahaha!

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba ng hagdan para tingnan kung anong ginagawa ng dalawa kong kapatid. Aba't himala, nasa sala at nanonood ng balita.

"Dumating na po sa bansa ang bagyong Chivas na pinag aalamang pinaka malakas na bagyo ngayong taon. May dala itong matinding hangin at ulan. Pinapayuhang maging alerto ang lahat at maghanda. Kung maaari ay manatili lang ang lahat sa kanilang mga bahay."

"Ah, nandito na pala yung bagyo." Pananalita ko ng walang kinakausap dahil sa narinig kong sabi sa tv. "Kuya anong ulam?" tanong ko sa kahit sa kanino sa kanila.

"Mag bukas ka nalang ng sardinas. May bagyo eh." Sagot ni Kuya Abel ng hindi nakatingin sa akin. Pakunwari pang ang focus ay nasa tv. Sus, ililipat lang ulit nila yan maya maya sa basketball.

Naglakad ako papuntang kusina. "Ang sabihin mo, tinamad ka lang magluto." Sagot ko sa kanya. Hindi naman sumagot si Kuya, dedmahin ba ako.

Binuksan ko ang ref. Ano ba yan ang baho na.

"Hoy Kuya Cain! Linisin mo na nga tong ref. Ang baho na!" sigaw ko sa kanya habang tinitingnan ang laman ng ref.

"Oo bukas na." sagot nya. Aba, aba, parang wala sa mood makipagtalo si Kuya. Ano naman meron sa kanya, siguro binasted na naman ng bago nyang nililigawan. Buti nga! Buwahaha!

Nakakita ako ng adobo. Hindi yun niluto ng kahit na sino sa mga kuya ko, inorder lang yon jan sa karinderya sa kanto. Aabutin ko na ang Tupperware laman ang adobo ng biglang magdilim. Agad akong napatayo.

Madilim. Walang kuryente. Madilim. Walang kuryente? Walang kuryente!!

"Waaaaaahhhh!!!" agad kong sigaw ng mag sink in sa akin na nawalan nga ng kuryente.

"Hoy! Anong sinisigaw sigaw mo jan?" pasigaw na tanong ni Kuya Cain kahit hindi ko nakikita kung nasaan sila, pero malamang yun nasa sala.

"Wala kasing kuryente eh." Nanlulumo kong sagot.

"Malamang yun nabagyo kasi." Sagot na naman nya sa dilim.

"Eh pano yan?" tanong ko ng nakasimangot na. Pampasira ng mood tong brownout. Kainis!

"Bakit anong meron?" tanong naman ni Kuya Abel, hindi ko rin nakikita ang mukha nya.

"Eh Lowbat kasi ako!" maktol ko. Pano ko na malalaman kung ilang beses akong miniss call ni Calleigh kung lowbat ako.

A Hidden BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon