Chapter 47: Who exactly is him?

2.9K 66 2
                                    

Charity Francisco.

Naging mabilis ang byahe namin pabalik ng mansyon. Mabilis kasi nakatulog ako. Bukod sa pagpapakalma, feeling ko pampaantok din ang gamot na binigay sakin ni Calleigh.

“Umakyat ka tapos kumain muna tayo bago ka matulog.” Bilin ni Calleigh bago pa ako umakyat papunta sa kwarto ko.

“Ok.” Inaantok ko pang sagot.

Hindi na kasing laki ang dating ng kwartong ito kesa nung una ko syang makita. Siguro, kasi natatabunan na ng mga iniisip kong pwedeng mangyari sa bahay namin pag uwi ko ang dating nito. Sa akin palang, habang iniisip ko, hindi ko alam kung pano ko ba babatiin ang dalawang kapatid ko na nasa bahay. Sobrang awkward nun panigurado. Haayyy…

Napalingon ako ng may kumatok sa pinto. Si Manang Rosa.

“Nakakaistorbo ba ako?” nakangiti nyang tanong habang naka stay lang sa pinto.

“Hindi po. Pasok po kayo.” Sagot ko sabay upo sa kama.

Agad nyang sinara ang pinto sa likod nya, lumapit sa akin saka umupo rin sa tabi ko.

“Mas kalmado ka kesa sa inaasahan ko.” saad nya.

“Uhh…pinainom po kasi ako ni Calleigh ng gamot. Para pampakalma daw po.” Sagot ko ng medyo nag aalangan pa.

“Alam ko.” mabilis nyang sagot. “Tatlong ganun ang iniinom mo noon sa isang araw. Every 8 hours.”

Nagulat at napakunot noo ako.

“Ganun po ba ako kalala?” nabibigla kong tanong.

“Hmm…kakaiba lang pero hindi malala.” Sagot nya kasama ang reassuring na ngiti. Pero parang ang dating sa akin, hindi reassuring ang tatlong pampakalma na gamot sa isang araw. Grabe! “Edi alam mo na ang nangyari sayo?” malumanay na tanong ni Manang matapos ang ilang segundong katahimikan.

Napatingin ako sa kanya, napabuntong hininga saka napangiti. “Opo. Pati yung sa…tunay kong mga magulang, yung aksidente, yung nangyayari dito sa utak ko.” mahina pa akong napatawa sa statement ko na yon. “Medyo…hindi lang po ako makapaniwala.” Dagdag ko pa. Siguro kasi, wala naman akong nararamdamang may nakalimutan ako o may mali sa loob ng utak ko. Well, memory loss nga pala ang sakit ko.

“Hindi mo man naaalala o maalala, mas mabuti na yung alam mo na ang lahat di ba?” diretso sa matang sabi nya sa akin.

“Sa totoo lang po…hindi lahat.” Sagot ko ng may bigla akong maalala.

“Oh? Ano pang hindi mo alam?” nagtataka nyang tanong.

“Si Calleigh po.” Mabilis kong sagot. “Sino po sya sa buhay ko dati?”

Mahinang natawa at napangiti si Manang. “Ayaw nya sabihin sayo?”

“Maarte po yun eh. Ayaw po. At sobrang curious po ako.” sagot ko.

“Hmm,” napainhale sya ng hangin pero nakangiti parin at nakatingin sa akin na para bang binabasa nya ang expression ng mukha ko. “Hindi ko alam kung dapat ko ba kasi sabihin sayo to.”

“Manang! Sige na. Nakainom naman po ako ng gamot. Tsaka, ano pa ba ang itatago nyo sa akin? Alam ko naman na lahat...except dun. Sabihin nyo na.” udyok ko pa sa kanya.

A Hidden BitchWhere stories live. Discover now