Kabanata 6 - House Of Hope

505 37 8
                                    

Warning: Expect wrong typo and many grammatical error ahead...un-edited.
**********

ARAW ng bisita ni Angel sa Bahay Ampunan, kung saan siya nag-do-donate ng pera. Malapit sa puso niya ang bahay ampunan na ito. Lumaki siyang malayo sa magulang, hindi naman niya iyon pinagsisihan dahil ginusto niya iyon.

Natutuwa kasi siya sa mga bata bukod pa sa may isang batang babae na nakagaanan talaga niya ng loob doon. Kung hindi siya nakunan noon marahil may dalagita na siya ngayon. Nabangit kasi ng yaya niya noon na babae ang anak niya. May bumahid na munting kirot sa kaniyang puso ng muling maalala ang isang bahagi na iyon sa kaniyang buhay.

Nagtaka pa siya nang sa kaniyang paglabas ng pintuan ng kaniyang bahay ay makita sa labas at tapat ng gate niya ang kaibigang si Aidem na nakaupo sa hood ng kotse nito. Agad itong kumaway sa kaniya nang makita siya at may nakapaskil na malapad na ngiti sa labi na ikinakunot ng noo niya.

"What are you doing here?" Tanong niya rito na hindi nag-abalang labasin ito o pagbuksan man lang ng gate muna.

Lumapit ito sa gate at nakangiting nagwika. "Sasamahan kita sa lakad mo."

"Huh! Bakit? Sa pagkakatanda ko, hindi ako nagpapasama sa iyo."

"Oh, yeah! Pero gusto kitang samahan."

"Puwedi ba Aidem, leave me alone! Handa na siyang talikuran ito para pumunta sa sariling sasakyan ng muling magsalita ito.

"Please, Angel. Hayaan mo naman na samahan kita."

Kapag ganito na ito sa kaniya ay lumalambot ang puso niya. Matapos itong magtapat sa kaniya ay naging mas pursigido ito na mapasagot siya. Pero wala siyang plano na tugunin ito kahit anong manyari. Dapat manatili lang silang magkaibigan.

Napabuntonghininga siya. Simula ng magtapat ito sa kaniya ay palagi na siya nitong sinasamahan sa mga lakad niya kahit hindi siya pumapayag ay nagpupumilit ito. Para wala na lang silang masyadong diskusyon ay pumapayag na siya.

Lumapad ang ngiti ni Aidem ng lumabas buhat sa gate si Angel. Ipinagbukas niya pa ito ng pinto ng kotse at mabilis din sumakay sa driver seat. "Diretso na ba tayo sa House Of Hope Babe?" tanong niya sa dalaga.

"Will you please stop calling me like that!" aniya rito. "Naaalibadbaran ako. Mas gugustuhin ko pa na tawagin mo akong uling kaysa riyan."

Tinawanan lang ni Aidem ang sinabi niya na nakapagpainis na sa kaniya. Kaya malakas niya itong hinampas sa braso. "Seryoso ako! hindi mo ba nakikita? Kanina ka pa tawa nang tawa nakakapikon ka na!"

"Angel, I'm driving! Huwag kang basta-basta nanghahampas babe. Alam kong iyan ang way ng paglalambing mo pero mamaya na iyan"

"Ang pretending mo, ewan ko sa iyo talaga!" sabay ingos rito. Kinuha niya ang cellphone sa dalang hand bag at tsaka nag-dial para tawagan ang kapatid na si Ysmiellien.

"Ate, bakit napatawag ka?"

"Nakausap mo na ba si Fammy?"

"Yes. Pagkatapos ko siyang kausapin, inumpisahan na niya agad 'yon wedding gown ni Rhaime. So, dont worry."

"That's great."

"Babe, diretso na ba tayo sa ampunan?" ani Aidem sa kaniya na ikinasingkit ng mga mata niya nang lingunin niya ito.

"Hindi mo pa kasi sinasagot iyon tanong ko."

"Hindi mo ba nakikita na may kausap ako? Oo, diretso na!" gigil pa rin naman niyang sagot dito.

"Oh my god ate, may kasama ka? Sino iyan? Boyfriend mo? Finally may boyfriend ka na."

"Ang OA mo!" singhal niya sa kapatid sa kabilang linya. Kasama ko si Aidem nagpresenta siyang samahan ako sa Ampunan."

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon