Kabanata 28 - Last night to remember

231 16 13
                                    

Quote:Kung mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat kasehodang lunukin mo ang dignidad na mayroon ka sa pagkatao mo.

                   ***********

"CONGRATULATIONS. CHEERS!"

Kasabay ng pagtunog ng nag-umpugang mga baso at magkakapanabay na pagbati ng mga magkakaibigan sa nalalapit na kasal ng isa sa kanila bukas.

"Salamat sa inyo mga buds. Sobrang laki ng naging parte ninyo sa lahat ng ito sa kabila ng pagtutol ninyo sa gagawin ko," wika ni Aidemiell sa mga barkada.

"Pwedi ka ba naman namin hindi suportahan. Sa iyan ang gusto mong mangyari may magagawa ba kami," turan ni Ritchmond.

"Mond is rigth buds, and remenber hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa isang ito na kasama natin ngayon. After all, wala ang bachelor party na ito kung hindi dahil sa kaniya," tukoy ni Dylan sa isa pa nilang kasama ngayon na tahimik lang habang nakamasid lang sa kanilang tatlo.

Kasalukuyan silang nasa private room ng Heavens gate club bar na pag-aari mismo ng binatang si Aidemiell kung saan sini-celebrate ang huling gabi ng pagiging buhay binata ng isa sa kanila sapagkat bukas magaganap na ang kasal.

Ipinaling ni Aidemiell ang tingin kay Erickson. "Alam kong hindi naging maganda ang unang pagkikita natin pero dahil din naman doon ay mas may napatunayan ako sa amin ni Angelzy." Nagbuntonghininga siya ng malalim. "Hayaan mong pasalamatan kita sa lahat-lahat ng nagawa mo sa panahong inaasikaso namin ang kasal kasama si Angel. Alam kong masakit para sa kaniya ang ginawa ko but I have to do this at alam mo iyan, Erickson."

"I know and I understand. Isa pa lalaki rin naman ako at alam ko kung saan ka nanggagaling. I wish you all the best. Sana lang ang lahat ng ito ay magkaroon ng magandang balik para sa iyo. Honestly, ang ginawa mo sa kaniya na magkaroon ng personal touched sa kasal ay talagang hindi niya deserved. I know her when it comes to love kaya iyong guilt na nararamdaman ko hindi talaga mawala-wala lalo na noong panahong iniwan ko siya sa ere sa ganoong sitwasiyon. Alam ng Diyos kung gaano ko naman pinagsisihan ang naging maling desisyon ko na iyon. Hiling ko ang kaligayahan niya rin ng katulad ng sa iyo ngayon. I hope so, after this wedding everything is gonna be okay for her."

Tinapik ni Aidemiell ang balikat ni Erickson at bahagyang ngumiti. "I promise after this wedding I will do my part and thank you for everything for being a part of this. Hangad ko rin ang kaligayahan mo sa piling niya."

"Oh, tama na nga ang drama riyan at baka magkaiyakan pa kayo!" sansala ni Ritchmond sa kanilang dalawa. "Nandirito tayo to celebrate at dahil ito na ang huling gabi ng buhay binata mo, dapat lang na magpakasaya ka sa kandungan muna ng iba. I hired a girl na makakasama natin tonigth para i-entertain ang ating groom muna."

"Wow ha, may paganyan ka pang nalalaman. Eh bakit noong si Dylan ang bago ikasal wala naman ganyan?" wika ni Aidemiell sa kaibigang si Ritchmond.

"Iba naman ang sitwasyon ngayon sa sitwasyon ni Dylan noong bago ikasal buds, kaya huwag ka nang matanong riyan. I'm sure na exciting ang mga susunod na kabanata. Kaya ang mabuti pa uminom lang tayo nang uminom muna habang hinhintay natin ang pagdating niya."

"Sinong niya? tanong muli ni Aidemiell.

"Iyon ngang inarkila kong babae para makasama natin dito. Lutang lang, buds? Kasasabi ko lang hindi ba."
Napatango na lang si Aidemiell sa kaibigan. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ng may sinabi ito kay Erickson nang halos pabulong sa tainga nito. Kung ano man iyon ay wala na siyang pakialam. Infact after ng wedding bukas ay makakahinga na rin sila lahat pare-pareho.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن