Kabanata 8 - Bakit nga ba mahal kita

390 32 6
                                    

Warning: Expect wrong typo ang Grammatical error ahead.

             **************

MAINIT na hininga at banayad na halik sa kaniyang pisngi at leeg ang tuluyan nagpamulat sa inaantok pang kamalayan ni Angel. Isang maaliwalas at malambing na ngiti buhat kay Aidem iyon.

"Good morning, Babe at Uling ng buhay ko."

Nag-inat na muna siya ng mga kamay at sa pag-inat niya ay sinadya niya na hawiin ang mukha nitong halos nakadikit na sa mukha niya.

"Ano ba! Ang aga pa ah," reklamo niya dahil dama pa rin niya ang antok. Hindi na niya namalayan kung anong oras na sila natulog ni Aidem kaninang madaling araw.

"Gumising ka na Uling. Nagluto na ko ng lunch kanina pa, tsaka hapon na noh, hindi na maaga."

Imbis na sagutin ito ay nagtakip lang siya ng unan sa mukha at planong ipagpatuloy ang pagtulog dahil sobrang bigat pa talaga ng mga mata niya.

"Give me Ten minute Palaka, sobrang antok pa talaga ako." aniya sa namamaos pa na tinig.

"Okay,"

Tumayo siya at nagpasyang tumungo sa kusina para initin ang ulam na niluto niya kanina ng magising siya. Ihahanda na niya iyon para mamaya ay kakain na lang  sila ni Angel. First day nila ngayon sa pagiging in a relationship kaya dapat maging special ang araw na ito. Oo nga at idinaan niya sa pagsubok ang lahat pero iyon na lang ang tanging naisip niya para makuha ang loob ng dalaga.

Alam niya kasi na hindi talaga siya nito pagbibigyan kung dadaanin niya si Angel sa ligawan. Kaya ang hamunin ito ang tangi na lang niyang naisip na magandang paraan.

Nakuha ang atensiyon niya sa pagtunog ng kaniyang cellpone na nakapatong lang sa Dining table. Ang kaibigang si Dylan ang tumatawag.

"Buds," aniya rito.

"How's you and Angel? Naka first base ka na ba?" ani Dylan sa kaniya.

" Gago Buds," tumatawang mura niya rito. "Mayroon akong sariling plano. Habang nagplaplano siya kung paano matutuloy ang kasal mo kay Rhaime, may plano rin ako kung paano ko siya makukuha ng tuluyan."

"Well, good luck Buds, I know you can do it. Heto na 'yun chancess mo na maipakita kay Angel na matagal mo na siyang mahal talaga. Ilang dekada mo na rin iyan inalagaan sa puso mo."

"Yup, and this time hindi na ako papayag na hindi ko makuha ang pagmamahal niya."

"Gago ka naman kasi, dapat matagal mo na iyan ginawa. Sinabi ko naman kasi sa iyo noon pa na walang espesyal na namamagitan sa amin at never rin siya na nagkagusto sa akin."

"Ngayon lang ako nagkalakas ng loob Budz." seryoso niyang turan kay Dylan.

Okay, good luck Buds. Kung gaano ako umaasa na magiging succesfull ang plano niya sa amin ni Rhaime. Looking forward din ako sa plano mo naman sa kaniya."

"Thank you Buds for supporting my plan."

"Maliit na bagay."

Nang matapos silang magusap ay sinipat niya ang relong suot. Lagpas alas tres na ng hapon. Halos paumaga na rin naman kasi sila natulog ni Angel kanina. Plano na sana niyang balikan sa kuwarto ang dalaga para gisingin muli pero nakita na niya itong patungo sa kusina.

Dumiretso ito sa lababo para maghilamos ng mukha at magmumog na rin. Napaka natural ng kilos nito at ni wala kang makikitang selan dito. Ang lahat ng mayroon si Angel mula sa katangian nito at mga gawi ay minahal na niya rito noon pa man.

Iyon naman ang gusto niya sa babae, eh. Iyon simple lang sa lahat ng bagay. Hindi nga importante sa kaniya ang panlabas na kaanyuan. Maging ng katayuan sa buhay. Kahit hindi maganda ayos lang sa kaniya basta makita lang niya kung gaano kaganda ang kalooban nito.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now