Kabanata 11- Ang hindi inaasahang kasal

461 35 13
                                    

I dedicated this chapter to all my silent reader out there.
             ******************

HABANG nagmamaneho pauwi sa kaniyang bahay si Angel ay napapailing pa rin siya kapag naaalala ang nangyari kanina sa opisina. Hindi niya talaga inaasahan na seseryosohin ni Erickson ang muling paglapit sa kaniya. Kung hindi niya inaasahan iyon, mas lalong hindi niya inaasahan na magtatagpo ang dalawa.

"Shit!" mahinang mura niya. Habang abala sa pagmamaneho pauwi sa  kaniyang bahay. Dahil sa nangyari pakiramdam niya magkakaroon siya  ng mabigat na suliranin.

Ang pagtawag sa kaniya kanina ni Sylvia na head manager sa HR ay isang palabas lamang  ayon dito. Sapagkat inutusan daw ito ni Dylan na ipatawag siya.

Ayon dito ay pabalik na raw sana si Dylan sa opisina kaya lamang ay may nakita nga raw itong kausap niya kaya hindi na tumuloy. Dahil nga iyon ang unang beses na may pumasyal sa kaniya sa opisina mismo ay naisip na agad nito na marahil iyon si Erickson. Dahil sa rami ng naging manliligaw niya ay wala siyang pinahintulutan na magpunta sa opisina kung saan siya nagtatrabaho.

kaya hindi na lamang daw ito tumuloy at nagpasya na lang na umalis na pero nakasalubong naman nito si Aidem na papasok palang sa entrance ng building  niya. at plano nga siyang sunduin.

Dahil sa kilala siya ni Dylan na hindi agad nakakapag desisyon ng maayos lalo na kung naiipit siya sa isang sitwasyon. Agad nitong tinawagan ang head ng finnance na nagkataon naroroon pa rin at palabasin na ipatawag nga siya dahil importante ang sasabihin nito.

Bukas na lamang siya magpapasalamat kay Dylan dahil sa ginawa nito. Nagkuwentuhan lang sila ni Syvia ng kung ano-ano habang nagpapalipas ng sandali. Nang malaman niya na pareho ng wala si Erickson at Aidem ay 'nun pa lang siya nagpasyang umuwi at nagpasalamat din kay Syvia.
 
Maayos niyang ipinarada ang sasakyan sa gilid lang ng labas ng ng kaniyang bakuran at bumaba para buksan naman ang kaniyang gate. Eksaktong pagsara niya ng pintuan ng kaniyang sasakyan ay may humawak sa kaniyang braso kaya napilitan siyang lingunin kung sino ang pangahas na iyon.

"Bakit ka naman nandito?" aniya sa lalaking kaniyang nabungaran. Bigla siyang kinabahan sa awra ng itsura nito. Mababakas ang pagkaseryoso at aaminin niyang hindi niya mahanap ang sagot sa mga mata nitong seryosong nakatingin sa kaniya.

"Samahan mo ako, may pupuntahan ako ngayon gabi at kailangan kita roon."

"As in ngayon na ba? Pero kita mo naman kararating ko lang Palaka."

"Sana."

"Puweding magpalit ng damit muna. Naka-office attire pa ako. Baka mamaya party pala iyan."

"Kahit hindi na, ayos lamang ang suot mo," ani Aidem na seryoso pa rin at talagang nagtataka na siya. "Tara na," aya na nito sa kaniya.

Sumunod siya at agad pumasok sa loob ng sasakyan nito ng ipagbukas siya nito ng pinto.

"Saan ba tayo pupunta Aidem?" tanong niya habang abala na ito sa pagmamaneho. Ngunit imbes na sagutin siya ay tanong rin ang isinagot nito para sa kaniya.

"Bakit ka nagsinungaling sa akin ng gabing iyon Angel?"

"A-anong sinasabi mo?"

"Huwag kang umaktong hindi mo alam ang tinatanong ko, kaya magsabi ka ng totoo. Bakit iba ang kuwento mo sa akin sa sinabi ng gagong X mo 'nun magkakaharap tayo kanina?"

"Naisip ko kasi na hindi naman na 'yun mahalaga kung iba man ang sabihin ko sa iyo," muntik pang sumubsob ang mukha niya sa dashboard ng bigla itong nagpreno at galit na tumingin sa kaniya.

"Hindi mahalaga? So, parang sinabi mo na wala talaga akong halaga sa iyo ganoon ba iyon? Kaya baliwala na lang din sa iyo ang mararamdaman ko talaga?"

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora