FINAL CHAPTER - A day to remember

300 15 7
                                    


Quote: Ang bawat kwento ay may katapusan, nasa ating mga kamay na nga lang ang desisyon kung ito ba ay masaya o malungkot. Always remember, everyone's deserve to be happy in the name of love.

*************

TINATANAW ni Angelzy ang karagatan buhat sa bintana ng kuwartong kinaroroonan niya ngayon. Mas pinili niyang magkulong dito sa silid na inilaan ng kapatid niya. Marahil nga siguro ay pinili ni Aidemiell na rito mag-honeymoon dahil totoo naman perpektong lugar ang seladia paradise sa mga newly married kung pagka peacefull ng lugar ang hanap.

Matapos ang pakikita nila ni Aidemiell may dalawang araw na ang lumipas. Hindi na niya kinausap pa ang kapatid kung bakit narito si Aidemiell. Para saan pang gawin niya iyon eh tulad nito ay bisita lang din naman siya rito sa isla.

Mahihinang katok buhat sa pinto ang narinig niya. Kasunod niyon ang pagbukas ng pintuan. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ito dahil alam naman niya na ang kapatid iyon. Dinadalahan kasi siya nito ng pagkain o kaya minsan ay sinisilip lang siya para kumustahin Pinanatili lang niya ang mata sa pagtanaw sa karagatan buhat sa bintana habang nakatayo malapit doon.

"Kumusta ka na, Ate? tanong ng kapatid sa kaniya."

"Ayos lang ako. Wala kang dapat ipag-alala," aniyang hindi ito nililingon.

"Mabuti naman kung ganoon. Ang totoo niyan may dalawang tao na naghahanap sa iyo sa labas. Gusto ka raw makausap."

"Kung sila Aidemiell iyan. Nagsasayang lang kamo sila ng oras sa akin. Sabihin mong wala na kaming dapat pang pag-usapan dahil nasabi ko na lahat," aniyang hindi pa rin tumitingin sa kapatid.

"Pero hindi naman si Aidemiell ang nasa labas."

Sa narinig ay kunot-noong napalingon na siya sa kapatid at may pagtatakang nagtanong. "Sino?'

"Hay naku, labasin mo na lang kasi at harapin ng malaman mo. Halika na!"

Napilitan siyang sumunod sa kapatid nang magpatiuna na itong lumabas. Sa balkonahe sa likod bahay nito sila papunta. Natigilan siya bigla sa pagsunod sa kapatid ng makita ang mga sinasabi ni Ysmiellien na gusto siyang makausap.

Si Yvest at Erickson. . . Biglang bulusok ang mga katanungan sa kaniyang isipan. Bakit magkasama ang dalawang ito? Ano ang pakay ng mga ito sa kaniya at nasaan si Aidemiell? Bakit hindi ito ang kasama ni Yvest?

"Sila iyong sinasabi ko na gustong kumausap sa iyo, Ate?" wika ni Ysmiellien.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at nagsalit-salitan ang tingin niya sa dalawa. nang tumayo ang mga ito buhat sa pagkakaupo. Kung sa kaniya ay pagtataka ang nakapaskil naman sa mukha ngayon ni Yvest at Erickson ay kababakasan ng pagka-seryoso. Ilang segundo rin ang dumaan sa pagitan ng mga tinginan nilang iyon.

"Ehem, ehem." Tawag pansin ni Ysmiellien sa atensiyon ng tatlo. "Ahm, upo na kayo ulit. Mas okay mag-usap ng nakaupo kaysa nakatayo. Ate maiwan ko na muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos. Isa pa, may kailangan din akong asikasuhin pa. Kakaloka ang araw na ito, Ate sa totoo lang."

Dahil ang atensiyon ay nasa dalawa ay hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang mga sinabi ng kapatid.

Nang wala na ang kapatid ay noon pa lang siya naupo sa single chair na gawa sa yantok. Nasa harapan niya ang dalawa habang may lamesang pabilog na gawa rin sa yantok ang nagsisilbing nakapagitan nila.

"Bakit magkasama kayo? Pinagsalit-salitan niya ang tingin sa dalawa. Naroon pa rin ang labis na pagtataka sa kaniya. Si Yvest ang sumagot.

"Tinawagan ako ni Aidemiell at pinapunta niya kaming dalawa rito ni Erickson para kausapin ka."

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon