Kabanata 21- Mansion of Villacorta

294 23 9
                                    

I dedicated this chapter to all the readers outhere who patienly waited.

PAGPATAK ng alas-kuwatro nang hapon ay agad nag-asikao si Angel ng gamit pauwi. Kailangan magkita sila ni Aidem ngayon para kuhain si Shemay.
    Pagkasakay ng kaniyang sasakyan ay ni hindi niya magawang i-start ang makina ng kaniyang kotse sapagkat hindi niya alam kung saan pupuntahan si Aidem. Kaya nahulog siya sa malalim na pag-iisip.
    Isa lang ang sigurado siya na hindi nito dadalhin si Shemay sa kahit na anong branch ng club nito. Matapos nitong sumagot sa text niya kanina ay hindi na ito nagreply pa sa mga sumunod na text niya.
   Kaya naisip niya na muli itong tawagan pero gaya lang ng kanina ay hindi nito iyon sinasagot kahit ilang beses na niyang sinubukan. Kaya naisip niyang I-text na lamang.   Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin reply.
    Napahampas na siya sa manibela at malapit na rin siyang mainis sa sarili niya sapagkat bakit tila hindi rin nakiki-ayon ang kaniyang isipan. Makailang ulit siyang huminga nang malalim para ikalma ang isipan para makapag-isip ng maayos.
    Katok sa kaniyang bintanang salamin ang pumukaw sa kaniya at nakita niya si Dylan iyon. Agad niyang ibinaba ang salamin no'n sa pamamagitan ng window raiser.
    "Bakit nandito ka pa rin?" tanong nito sa kaniya. "Madaling-madali kang makaalis sa office, tapos aabutan pa pala kita rito. Ni hindi mo na nga nagawang magpaalam sa akin na boss mo na uuwi ka na. Saan ka ba kasi pupunta?"
    "Kinuha ng palakang iyon si Shemay sa House of Hope at hindi ko alam kung saan niya dinala. Ang walang hiyang iyon gusto yata akong gawing manghuhula," inis at gigil na turan niya sa kaibigan.
    Halos nagsalubong ang kilay niya nang bumunghalit ng tawa si Dylan. kaya sininghalan na niya ito.
    "May nakakatawa ba sa sinabi ko. ha? Para kang tanga diyan! Kapag ganitong bwiset na bwiset na ako, Dylan ha, kaya huwag mo nang dagdagan pa."
    "Ano'ng parang tanga? Ikaw itong parang tanga diyan." Na hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti. "Iba talaga pag inlove hindi nakapag-iisip nang maayos."
    "Umalis ka na nga. Baka hinihintay ka na ni Rhaime," singhal na niya.
    "Fine, aalis na. Umalis ka na rin at roon mo puntahan sa Mansion muna nila. For sure doon niya dinala si Shemay." Tinalikuran na siya ni Dylan para tunguhin ang sarili naman nitong sasakyan.
    Nang ma-realize ni Angel na oo nga marahil doon dinala ni Aidem si Shemay, sapagkat naalala niya rin bigla ang sinabi nito sa text na dadalhin sa Lolo at Lola nito.
    Bago tuluyan makapasok sa sariling sasakyan si Dylan ay malakas siyang sumigaw para magpasalamat rito.
    Sinaluduhan lang siya ni Dylan na ganap nang nakapasok sa loob ng sasakyan nito bago iyon minani-obra paandar.
    Ini-start na rin niya ang makina ng kaniyang sasakyan at tinahak ang patungo sa mansiyon nang mga Villacorta.
    Lihm siyang napapailing sa sarili habang nagmamaneho, sapagkat bakit hindi niya naisip ang mansiyon ng mga ito?
    Nang makarating sa mansiyon ay ipinarada lang niya ang sasakyan sa gilid ng mataas na gate ng mga ito bago tuluyan bumaba. Agad siyang nag-doorbell at hindi ang nakatalagang guwardiya o katulong ang nagbukas sa kaniya.
    Inaasahan ni Aidem ang pagpunta ni Angel dito sa kanilang mansiyon kung kaya pagkatapos niyang sabihin rito na dadalhin niya si Shemay sa Lolo at Lola nito ay ang kaniyang mga magulang talaga ang tinutukoy niya.
    Nang makita niya mula sa terrace ang paparating na sasakyan ng dalaga ay mabilis siyang bumaba para siya nga ang sumalubong rito sa gate pa lang. Mahirap nang basta na lang nito kunin si Shemay. Wala pa naman alam ang kaniyang Parents sa situwasiyon nila ng dalaga.
    At iniiwasan pa naman niya na may mahalata ang kaniyang mga magulang. Ang alam ng mga ito ay ayos sila ni Angel lalo at mag-asawa sila sa paningin ng kaniyang mga magulang. Isama pa ang mga nabangit niya sa mga ito noong mga nakalipas na araw.
    Natigilan bigla si Angel nang si Aidem ang mabungaran niya na nagbukas ng gate. Pero agad din niya nabawi ang sarili at biglang naningkit ang mata at umahon muli ang inis niya rito dahil sa ginawa nitong pagkuha kay Shemay. Kahit sabihin pa na nasabik siyang makita ito ay natatalo niyon ang ng pagka-inis dito.
    Mabillis niyang hinampas sa braso ang binata gamit ang sariling palad.
    "Bwiset ka! Ano'ng karapatan mong kunin si Shemay sa House of Hope ng hindi man lang nagsasabi sa akin. Nasaan si Shemay? Kukunin ko na siya."
    "Kumalma ka nga riyan, Uling. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin at ako na ang sumundo kay Shemay roon. Nagmagandang loob na nga ako na sunduin siya roon dahil mukhang nakalimutan mo nga na ngayon ang release niya sa ampunan."
    "Gago ka ba!" Gigil na turan niya. "Hindi ko nakalimutan. Masiyado ka lang maaaga kaya ikaw ang nauna. Pero susunduin ko naman talaga siya," aniya rito. Kahit ang totoo ay talagang nakalimutan naman niya. Kung hindi pa pinaalala ni Dylan iyon kaninang umaga ay malamang hindi pa rin niya maalala hangang ngayon.
    "Oh, come on Angel, ako pa ba ang bibilugin mo sa sinasabi mo na iyan."
    "Nasaan nga siya?"
    "Nasa loob kasama nila mama at papa."
    "Pupuntahan ko siya para maiuwi na."
    Akmang papasok na siya sa loob pero pinigilan siya ni Aidem.
    "Hindi mo iyan magagawa."
    "At bakit hindi?" Ako na ang Mommy ni Shemay kaya wala kang pakialam kung susunduin ko na siya."
   "Okay, fine. Nasa loob si Shemay. Sumunod ka sa akin," anitong may pagka seryoso na ang tinig. Kaya naman sumunod na nga siya.
    Naratnan nila ang dalawang matanda na wiling-wili kay Shemay habang bibong-bibo naman ito na nakikipag-usap.
    "'Mom, Dad! Narito po si Angel." saad ni Aidem na tumawag nang pansin sa tatlo. Mabilis naman ang ginawang pagsalubong ng batang si Shemay sa kaniya ng makita siya nito.
    Agad niya itong sinalubong ng mahigpit na yakap. "Sorry hindi kita nasundo, baby." aniya rito.
    "Ayos lang po iyon Mama Angel. Sinundo naman po ako ni Papa Aidem. Sinabi po niya na may mga tinatapos ka lang daw na mga trabaho."
    Nagbaling siya ng paningin sa binata dahil nasa tabi lang niya ito. At seryoso ang mukha nitong nakatingin din sa kaniya. Tila bigla siyang nahiya sa ipinakita niyang ugali rito kanina. Kaya mabilis din niyang binawi ang paningin rito at muling ibinalik sa bata.
    "Kunin mo na ang mga gamit mo uuwi na tayo sa bahay natin."
    "Po?" na may pagtataka sa cute nitong mukha. "Sinabi ni Papa Aidem na rito raw po muna ako mananatili kina Lolo st Lola kasi may mga importate pa po raw kayong dapat asikasuhin ni Papa Aidem, kaya siya po ang sumundo nga sa akin."
    "Oo nga naman Ija. Nabangit ni Aidem na may mga aasikasuhin daw kayong dalawa. So, Ayos lang naman na habang hindi niyo pa nase-settle iyan kung ano man iyan ay dito na muna ang anak niyo sa amin." ani ng mama nito.
    Magsasalita sana siya ng pagtutol  dahil ang totoo ay naguluhan siya bigla sa mga pinagsasabi ng mga ito sa kaniya. Ano'ng aasikasuhin nila ni Aidem? Wala siyang matandaan na may aasikahin sila. Hindi ba at tinangihan na siya nito nang magtapat siya. Ilang araw pa itong hindi nagpakita sa kaniya, ni ang kontakin nga siya ay hindi nito ginagawa. Tapos biglang ganito.
    "Well, nabangit na sa amin ng aming anak ang legal adoptation na ginawa mo kay Shemay noon pa. Actually Ija, plinaplano na rin ni Aidem dati pa na siya ang umampon kay Angel noon pa. Pero dahil nga sa nalaman niya na plano mo rin pala itong ampunin nag-give way na lang siya kasi nga ay magkaibigan naman daw kayo. Kaya nga ng malaman ko na magpapakasal na kayo noon dito ang tuwa ko. Sapagkat hindi man siya ang nakakuha ng legal adoptation kay Shemay atleast magiging Papa pa rin siya ni Shemay dahil nga mag-asawa naman na kayo. At may instant apo na akami agad" mahabang saad ng Ginang sa kaniya.
    Hindi niya malaman ang sasabihin niya. Tila naguguluhan na siya sa nangyayari. Kanina hindi niya alam kung ano ang sinasabi nitong importanteng aasikasuhin nila. Ngayon naman ay sinasabi ng magulang nito na plinano pala nito na ampunin din si Shemay. Bigla siyang naguluhan sa nagiging takbo ng usapan. Bakit hindi iyon nabanggit ni Aidem sa kaniya rati pa.
    "Ayos lang po ba kayo Mama Angel?" tanong ni Shemay na hinawakan pa ang kaniyang kamay. Kaya pumaling ang tingin niya rito.
    "Matipid siyang ngumiti sa bata. "Ayos lang ang Mama, baby. Huwag mo akong alalahanin. Napagod lang siguro ako sa trabaho."
    Nagpaling din siya ng isang makahulugang tingin kay Aidem at tiniyak niya na mababasa nito ang nais niyang iparating.
    "Mama, Papa. Babalik na ko kina Lolo at Lola kasi naglalaro po kami eh."
    "Sure, baby, go." aniya sa bata.
    "Kailagang ipaliwanag mo sa akin ang lahat, Aidemiel." mahina ngunit may diin niyang turan sa katabing binata habang nakatingin lang kina Shemay at sa dalawang matanda na abala na sa muling paglalaro.
    "Sure, sumunod ka sa akin. Lets talk in private.

          ****Rhaime22****

AUTHOR'S NOTE: Medyo sinipag ng kaunti hahaha kaya may update. Salamat sa pagbasa at pagboto. Mwahhh. XOXO.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now