Kabanata 26 - The wedding dress

323 22 17
                                    

DISCLAIMER: Expect typo and grammatical error ahead. Un-edited chapter.

                  ****************

BABA! Maawtoridad na wika ni Aidem kay Angel nang maihatid niya ito sa bahay nito mismo.

    Tumaas naman ang kilay ng dalaga dahil sa tono nito.

    Sa buong biyahe nila hanggang sa makarating sila rito sa kaniyang bahay ay ngayon lang ito nagsalita. Kung dala lang niya ang kaniyang sasakyan ay nunkang sumakay siya sa kotse nito.

    Ang kotse kasi niya ay naiwan sa bar na pinanggalingan niya kagabi. At dahil dala ng kalasingan ay kusa siyang sumama sa lalaking kakikilala lang niya at nakaniig pa. Inakala niya pa noong una na ang palakang ito dahil ito nga ang nakita niya sa pagmulat ng kanyang mata kaninang umaga.

   Magta-taxi na lang sana siya pero inalmahan iyon ni Aidem. Nababaliw na raw ba talaga siya at mas pipiliin pang mag-taxi na nasa ganoong kasuotan tapos wala pang suot na panty.

    Alam niyang walang plano itong ipagbukas siya ng pintuan ng kotse  dahil hindi man lang ito natinag sa pagkakaupo sa driver seat, kaya siya na ang gumawa niyon para makababa. Isasara na lamang niya ang pinto nang tuluyan siyang makababa nang muli itong magsalita.

    "Magpalit ka lamang ng maayos na damit at  may pupuntahan pa tayo. Pakibilisan mo lanhg," wika ng binata na diretso lang ang tingin sa harapan bahagi ng sasakyan. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

    "At saan naman?" naiinis niyang tanong sa binata. Noon pa lang din siya tinapunan ng seryosong tingin nito.

    "Baka nakakalimutan mo kung ano ang trabaho mo ngayon? Kaya kung gusto mo matapos ito agad wala kang dapat sayangin na oras sa mga walang kuwentang bagay."

    "Hindi ba pweding bukas na lang iyan? Hello, may hang-over pa kaya ako baka puweding magpahinga muna at kulang pa ako sa tulog," reklamo niya.

    Actually paraan lang niya iyon dahil naiinis nga siya rito.

    "Sa tingin mo maniniwala ako na may Hang-over ka? Oh, come on Angel, hindi ang tulad mo ang basta-basta tinatamaan ng hang-over kahit anong lasing. Kaya bilisan mo na at ayokong paghintayin ng matagal si Yvest sa lakad natin."

    Isinandal ni Aidem ang likod maging ang ulo sa upuan at tsaka pumikit.

    Sa nakita ni Angel na iginawi ng Binata, tanda iyon na tinatapos na nito ang usapan nila.

    Gigil naman na padabog na isinara na nang tuluyan ng dalaga ang pinto ng kotse sa nakitang ginawi ng binata sa sinabi niya. Patunay lamang iyon na wala itong planong pagbigyan siya kaya nagpasiya siyang iwanan na ito.

    Binagtas ni Angel ang papasok sa kaniyang bahay na hindi na nilingon si Aidem. Agad siyang dumiretso sa banyo ng kaniyang silid mismo at hinubad ang tanging saplot na suot.

    Binuksan ang shower at tsaka isinahod ang hubo't hubad na katawan sa malamig na tubig na nagmumula sa Shower. Kasabay ng dalusdos ng tubig ang pagbigat din ng kaniyang pakiramdam partikular sa kaniyang puso.

     Nasasaktan siya sa nangyayari. Sa kaalamang ikakasal si Aidem sa iba masakit na iyon sa kaniya. Mas lalo pang masakit dahil kailangan pang siya ang kasa-kasama ng mga ito. Nakaka-sh*t lang kasi talaga. Kung hindi dahil kay Shemay hindi niya gagawin ang mga ito. Alam niyang paraan talaga ni Aidem ang pasakitan siya pero kailangan niyang ipakita rito hindi siya apektado sa kabila ng lahat, hoping na makaya talaga niya.

    Sapat na rin iyong naging tapat siya sa pag-amin ng pagmamahal niya rito ng minsan. Ngunit hindi naman niya kaya pa na ipagsiksikan ang sarili pa rito. Nasaktan na siyang minsan dahil kay Eriskson at alam niyang makakaya rin niya na itawid ang sakit na dulot naman ng kay Aidem. 

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα