Kabanata 24 - Angel's liberated side.

372 18 17
                                    

I dedicated this chapter to Kadmiel Ace and to all the readers who patiently waited.

                  ***********

"DAMN YOU! walang ano-ano na mura ni Angel sa ngayon ay nasa harap niyang si Yvest.
Imbest na magalit si Yvest sa ginawang pagmura na iyon ni Angel sa kaniya ay matamis itong ngumiti sa dalaga. Naupo pa ito sa tabi ni Angel at kumuha ng isang bote ng beer na nakalagay sa bucket para manatili ang lamig niyon. Bahagyang uminom at pagkatapos ay nagwika.

"You know, me and Aidem is a collage buddy. Marami kaming mga bagay na magkasundo kami, especially in kind of bussiness. Natatandaan ko noon na isa sa mga plano namin ang makapagtayo ng negosiyo na magkasosyo kami. And now it happen," maya-maya ay wika nito pero nananatili ang paningin sa bote ng beer na hawak.

Mas lalong nainis naman si Angel sa mga sinasabi nito. Ano gusto nitong palabasin na close rin ito kay Aidem ganoon ba? Collage buddy rin naman sila ni Aidem and magkaibigan rin na nagkaroon pa ng benifits. Nakakatitiyak siyang kung tagal lang ng samahan ang pag-uusapan sa kanilang dalawa ni Yvest isang daang porsiyento na mas lamang siya rito.

"I realy like Aidem since collage days at alam niya iyan. Actually nasa stage kami ng tinatawag na mutual understanding at ayos na sa akin yun ganoon level ng relation as long as I know na nabibigyan niya ako ng atensiyon. Ganoon naman daw kasi talaga ang nagmamahal. After we graduated in collage nagkahiwalay kami kasi kinailangan kong magpunta ng America pero kahit nandoon ako, still hindi naman nawala ang communication sa aming dalawa. Untill one day I decided to go back here dahil itutuloy na namin iyong negosiyong plano namin itayo. Sobrang saya ko kasi hindi lang pala negosiyo ang matutupad sa mga pangarap ko para sa aming dalawa kung hindi pati ang maging isang Mrs Villacorta."

"Plano mo bang ikuwento ang talambuhay mo sa akin?" inis na tanong ni Angel kay Yvest ng hindi na makapagpigil.

Lumingon si Yvest kay Angel. "Well, puwedi naman. Willing ka bang makinig?" nakapaskil ang matamis na ngiti sa labi nito na lalo niyang ikinairita.

"I'm not interested!" walang gana niyang tugon sa kausap. Ang ngiti nito ay nauwi sa mahinang pagtawa dahill sa sinabi niya.

"Where is Aidem? tanong mnuli ni Yvest. "Sinabi niya sa akin na narito nga raw sila ni Dylan kaya pinapunta niya ako."

Muling sumakit ang kalooban niya sa narinig na iyon na tinuran ni Yvest. Dahil ba alam ni Aidem na darating siya kaya pinapunta niya rin dito si Yvest. At kaya ba hindi pa rin ito bumabalik dahil sinasadya nito na talagang magkaharap muna sila ng babaeng ito.

"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang palaka? Dumating ako rito na wala siya, pero sabi ni Dylan nagpunta sa banyo pero hindi pa rin bumabalik, kung gusto mo puntahan mo roon at baka tumalon sa bowl at hindi na nakaahon. Palaka kasi iyon," mataray niyang turan para pagtakpan na rin ang sakit na muling nadama. Kung inaa kala ng Yvest na ito ipakikita niya ang sakit ng kalooban dahil sa mga nangyayari, puwes nagkakamali ito.

Nang makita niya ang babaeng ito, ang lahat ng lungkot na nadarama ay napalitan ng pagkayamot. Lalo na kapag naiisip niyang ito ang pakakasalan ni Aidem at hindi siya. Tila kinukurot ang puso niya. Isa pa sa tumo-torture sa utak niya na siya mismo ang mag-aasikaso ng kasal ng mga ito. Shit lang talaga sa ideya na iyon ni Aidem.

"Oh, hes coming. Hindi ko na pala siya kailangan puntahan doon kasi nakikita ko na siyang papunta na rito sa atin," maya-maya ay wika ni Yvest kay Angel.

Bigla naman napalingon si Angel partikular sa tinitingnan din ni Yvest. Papalapit na nga sa kanila si Aidem. Tila naman nag-slow motion sa paningin niya ang nakitang sunod na eksena nang halikan ni Aidem si Yvest sa labi nang tuluyan na itong makalapit. At aminado siyang hindi niya agad naalis ang paningin sa mga ito. That devil! at talagang ginawa nito iyon sa mismong harapan niya. Hindi lang basta halik ng pagsalubong ang ginagawa ng mga ito ngayon kung hindi isang malalim na halikan na animo biglang naging walang pakialam sa paligid.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now