Kabanata 19 - Give up

533 38 23
                                    

WARNING: Expect wrong typo and garamatical error ahead.

I dedelicated this chapter for all the reader that always waiting my update.

                 ************

BAKIT kasama mo iyan dito?!" malakas na turan ni Angel sa dalawang nadatnan na tila naglalampungan habang nakaupo sa sofa sa ilalim ng tanglaw ng dimligth.

    Kahit naman malamlam ang liwanag noon ay hindi siya maaaring magkamali kung sino iyon. Agad bumulusok ang inis niya dahil sa nadatnan.

    Bakit? Masama ba na dalhin ko si Yvest dito. Baka nakakalimutan mo na rito rin ang nakalaan na silid ko. Kaya wala kang pakialam kung gustuhin ko na dalhin siya rito," kampanteng turan ni Aidem kay Angel na tila hindi alintana ang nararamdaman nito ngayon.

    Sa narinig naman ni Angel kay Aidem ay bumulusok ang sakit na nadama dahil sa salita nito. Kaya galit niya itong tinugon. "How dare you, say that to me, Aidem!

    Nagagalit ka ba?" tanong pa nitong tila nakakaloko sa kaniya na lalong nagpainit ng bumbunan niya. Kaya sa inis niya ay si Yvest ang pinagbuntunan niya ng inis na nadarama.

    Lumapit pa siya sa kinauupuan ni Yvest na prenteng nakaupo sa sofa sa tabi ni Aidem tsaka hinablot ito sa braso patayo.

    "Lumayas ka rito ngayon na kung ayaw mong burahin ko sa sampal iyang pagmumukha mo," aniya kay Yvest na nangigigil.

    "Angel, Stop it!" sigaw at saway naman ni Aidem sa kaniya na gaad rin napatayo.

    Pero hindi pinansin ni Angel ang salita ni Aidem sa kaniya kahit pa may bahid rin ng pagkamatigas roon. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Yvest at handa na sana niyang hilahin ito para ipagtulakan palabas ng pintuan.

    Naging maagap naman si Aidem sa kaniyang planong gawin kay Yvest sapagkat mahigpit din hinawakan ni Aidem ang kaniyang palapulsohan na gamit naman niya sa paghawak kay Yvest. At aminado siyang masakit ang ginagawa nitong pagpisil sa kaniyang pulso. Tiniis niya ang sakit noon at galit na nagwika rito.

    "Bitiwan mo ko, Aidem!" matigas na turan niya sa binata at sinalubong ang mga mata nito.

    "Bitiwan mo muna si Yvest, kung gusto mong bitiwan din kita!" matigas din turan niya sa dalaga.

    Kapwa naglabanan sila ng tingin at nagsukatan dalawa ni Aidem.

    Nagpapalit-palit naman nang tingin si Yvest sa dalawa na ngayon ay tila walang magpapatalo kung sino sa dalawang ito ang unang bibitaw sa pagkakahawak. Si Angel ba na hawak ang braso niya o si Aidem na hawak naman ang palapulsuhan ni Angel?

    Ilang segundo pa ang lumipas bago napagpasyahang magsalita na ni Yvest na naiipit sa situwasyon ng dalawa ngayon.

    "Bitiwan mo na ang braso ko Angel, dahil hindi mo ako kailangan ipagtulakan paalis kung iyan ang gusto mo na gawin ko." malumanay na wika nito sa dalaga.

    "Mabuti't alam mo," may gigil na turan niya kay Yvest. At tsaka pasalyang binitiwan ang braso na hawak nga niya kaya napilitan na rin na bitiwan ni Aidem ang pulso ng dalaga. Masama ang pagkakatingin na ginawa niya ky angel bago hinarap si Yvest.

    "No! Hindi ka aalis Yvest, dito ka lang. Kung ayaw ni Angel ang presensiya mo rito siya dapat ang mag-adjust hindi ikaw."

     Muli siyang nasaktan sa sinabi ni Aidem, Hantaran na siya nitong pinagmumukhang tanga sa babaeng ito.

    "Ano'ng sinabi mo?! Ang Ka—," hindi na niya nagawa pang ituloy ang dapat na sasabihin kay Aidem dahil biglang pinutol iyon ni Yvest ng magsalita ito bigla para kay Aidem.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now