Kabanata 10 - Ang katungali

405 34 9
                                    

Warning: Expect wrong typo and grammatical error ahead.
               ****************

PAGKATAPOS ang unang gabing may mangyari sa kanila ni Aidem at mabangit ni Angel na nakita niya ang ex-boyfriend na si Erickson, ay hindi na siya nito kinibo hangang sa matulog sila at maging nang maihatid siya nito sa kaniyang bahay ng umagang iyon. Iginalang niya ang pananahimik nito dahil alam naman niya talaga na nasaktan niya ito emosyonal.

May tatlong araw na rin itong hindi siya pinupuntahan sa bahay niya or kahit man lang mag-text or tumawag sa kaniya ay hindi nito ginawa. May mga pagkakataon nga na parang gusto niya na siya na ang tumawag kay Aidem, pero biglang magbabago ang isip niya sa hindi niyang malamang dahilan.   

Kasalukuyan siyang nasa opisina at hinaharap ang mga trabahong ibinilin ni Dylan sa kaniya tulad ng pag-ta-take down note ng mga meeting schedule nito sa mga buseness client dahil nalalapit na ang kasal nito kay Rhaime. Alam niya na ang propossal wedding ay mauuwi na rin sa kasalan. Nais nito na walang ma-missed na trabaho sa nalalapit na kasal nito, lalo na at naka-line up rin ang honeymoon ng kaibigan.  

Nang makita niya si Erickson ng gabing iyon ng hindi niya inaasahan ng lumapit ito sa table niya habang hinihintay ang pagbabalik ni Aidem ay talagang nagulat siya. Noong una ay hindi pa nga niya ito nakilala sapagkat, kung noon ay labis na ang kaguwapuhan nito ay mas higit itong gumwapo ngayon.

Ang lahat ng sinabi niya kay Aidem ay pawang kasinungalingan. Nagsinungaling siya kay Aidem ng sabihin niya na nakita niya si Erikson, dahil ang totoo ay si Erickson ang nakakita at lumapit sa kaniya. At humiling na makapag-usap sila. Dahil gusto rin naman niya na makausap ito kaya pumayag siya na sumama, ngunit sa sasakyan lang nito para doon sila makapag usap pansamantala. Dahil alam nga niya na babalikan siya ni Aidem.

Hindi naman siya tanga na basta sasama sa kung saan nito siya gustong dalhin para makausap lang. Ano to sinusuwerte agad. Mabilis dumaloy ang ala-ala ng pag-uusap nila ng kaniyang dating kasingtahan nang gabing iyon.

"Angel, is that you?" mabilis nag-angat ng paningin si Angel sa taong nakatayo sa harapan niya. Inaninag pa niya ang mukha nito at pilit hinanap sa utak kung kakilala niya ba ito.

"It's me, I'm Erickson. Hindi mo na ba ako natatandaan? Maliban na lang kung may iba ka pang kakilala na same name ko."

Nang tuluyan rumehistro sa kaniyang utak kung sino ito ay matamis siyang ngumiti ngunit hindi muna nagsalita isang palatandaan na naaalala na niya ito.

"Wala pa rin kupas ang pamatay mong ngiti. At higit kang gumanda ngayon Angel."

"At wala ka pa rin pinagbago, bolero ka pa rin," na ikinatawa naman ni Erickson.    

"Actually, first time ko na makarating sa bar na ito. Akala ko kanina ng makita kita kamukha mo lang. Hindi ako agad lumapit sa iyo dahil may mga kasama ka. Boyfriend mo pa yata iyon isa sa kanila o asawa?"

"Wala pa akong boyfriend mas lalong walag asawa. Kaibigan ko lang ang mga iyon. Anyway bakit mo ako nilapitan?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Angel at sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito. Can I talk to you in private? masyado kasing maingay rito." 

"Oo naman, tara." Agad siyang pumayag sapagkat ayaw niya na abutan sila ni Aidem na magkausap rito. Isa pa gusto rin niyang marinig ang mga sasabihin nito. Hindi naman na siya bata para magpapilit pa at madali naman siyang kausap.

Tumayo siya sa pagkakaupo para magpatiuna ng lumakad palabas ng bar. Iginiya naman siya ni Erickson sa sasakyan nito sa parking lot ng Heavens Gate Bar . Agad siyang nagpalinga-linga at nagbabakasakali na makita si Aidem sa parking. At hindi nga siya nabigo sapagkat natanaw niya ito ilang sasakyan lang ang pagitan ng puwesto nila.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now