Kabanata 7 - Aidem's Challenge

479 36 12
                                    

Warning: Expect wrong typo and gramatical error ahead. Unedited chapter.
            ***************

GABI na sila nakarating sa Isla nito sa Batangas. Nakuha na nga niya nakatulog ulit. Wala na siyang ginawa sa maghapon na biyahe nila kundi ang matulog. Nagising na lamang siya ng maramdaman ang paghinto ng sasakyan. Nasa tapat sila ng isang bahay na bungalow style. Nag-iisa lang 'yon at ni wla siyang matanaw na ibang bahay.

"Kaninong bahay iyan?"

"That's my private rest house. Mga two years pa lang iyan nakatayo. Bakante lote lang 'to talaga. Naisip ko lang patayuan ng pahingahan."

"Ano gagawin natin dito? Parang ang layo na nito sa kabihasnan, eh?"

"Not really. Akala mo lang iyon. Actally, nasa dulo pa nito iyong main house na nasa loob ng kasukalan. Iyang nakikita mo panbungad lang iyan. Tara nang pumasok sa loob." aya na nito kay Angel.

Sumunod siya sa binata. Pinagmasdan ang kabuuan. Malinis sa loob kumpleto rin sa kagamitan. "Ano ba kasi gagawin mo rito? at kailangan mo pa akong isama."

"Wala naman, gusto ko lang na  makita mo itong Isla. Soon you'll become my queen here kasama ng magiging mga princess and prince natin na rito natin huhulmahin."

"Adik ka nang talaga siguro noh!? May pahulma-hulma ka pang nalalaman. Paano mo nasasabi iyan? Eh, wala naman akong planong maging queen mo. Nakalimutan mo na ba na magkaibigan tayo, at wala sa friendship goal natin na magkaroon ako ng relasyon kahit isa man lang sa inyo lalo na sa iyo. Kahit ikaw na lang ang malinaw na single sa inyong tatlo."

"Nakalimutan mo na rin ba ang sinabi ko na ayokong maging kaibigan ka na lang. I want you more than friend. Kung kinakailangan ko na palaging i-remind sa iyo Angel gagawin ko."

Hinarap niya ang binata at hinawakan ng dalawang palad ang magkabilang pisngi nito at diretsong tiningnan ito sa mga Mata. "Wala kang mapapala sa akin. Huwag mong sayangin ang nalalabi ng buhay mo na magka-asawa at makahanap ng mas deserving na babae kaysa sa akin Aidem. Hindi ako ang nararapat sa iyo."

Sinalubong niya ang mga mata ni Angel at matiim na tiningnan din iyon. Kinuha niya ang isang kamay nito at dinala iyon sa sariling puso para ipadama ang tibok niyon.

"Hindi iyan ang sinasabi nito. Ang bawat pintig nito ay matagal ng nakalaan sa iyo. Sa iyo at tanging sa iyo lang wala ng iba."

"Aidem, no." mahina niyang usal.

"Nagugutom ka na ba? May mga stock ng pagkain dito na ready to eat. Pero kung gusto mo na ipagluto kita gagawin ko sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mong iluto ko." sinadya na niyang ilihis ang usapan dahil alam niya kung saan lang mapupunta ang usapan nila. Iniiwasan niya ang mapikon ito.

Dumiretso siya sa kusina para tingnan ang mga stock niya roon. Naramdaman niya na sumunod ang dalaga sa kaniya. "I'm not hungry kaya huwag ka ng mag-abala pa. Tsaka kumain na tayo kanina di ba?"

"Gusto mo ba na gumawa ako ng bonfire sa tabing dagat, tapos doon muna tayo tumambay?"

"Nice idea, tutal hindi pa naman ako inaantok."

"Paano ka naman aantukin na agad, puro tulog ginawa mo sa buong  biyahe natin."

"Eh, sa antukin talaga ako. Tsaka alam mo naman na sanay akong gising sa gabi. Kaya kung may chancess matulog sa umaga bakit hindi ko gagawin iyon."

"Ang sabihin mo babe, umiwas ka lang talaga na kausapin ako."

"Don't call me babe! Tara na, tsaka sabi  mo mag-bonfire tayo. What are you waiting for? kilos na!"

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now